CHAPTER 10

2.8K 87 2
                                    

Arthea's POV

Pagkatapos ng nangyari ay pinagpahinga muna ako ni Dr. Kris who is Rainier's older sister pala. Akala ko nga nagjojoke lang siya eh dahil sa ugali palang nila magkaibang-magkaiba na.

Kumusta naman yung pakiramdam mo Arthea?” tiningnan ko ang papalapit na si Dr. Kris.

Kung hindi lang dahil sa suot niyang pangdoctor ay malamang iisipin ko na model siya. Her wavy brown hair which I think na nagpapatingkad ng natural beauty niya, her heart shape face and her upturned nose na bumagay sa kanya.

“Okay naman po. Saka my wounds are starting to hea.” tumango siya saka may kinuhang kung ano sa tray na dala niya.

“Let me check your wounds. Kailangang icheck 'to palagi baka kasi mainfection.” she starts to clean my wounds habang ako naman ay iniinda yung sakit lalo na kapag nlalagyan niya ng alcohol yung sugat ko.

“Done.” I thanked her saka nagpaalam siyang aalis muna. I decided to rest dahil feeling ko nadrained lahat ng energy ko sa sugat na natamo ko.

Sino kayang kagagawan iyon? Ang kapal pa ng mukha nilang gamitin ang kapatid ko saken! I, sure has a soft side and it includes my family lalo na sa kapatid ko. For a long time ay hindi ko inopen up yung topic about sa kapatid ko hanggang ngayong I'm still mourning for my only brother's death. Hindi maiiwasang hindi ko sisihin yung sarili ko sa pagkamatay niya dahil kung sana inuna ko siya hindi sana siya mamamatay.

Iwinaglit ko sa isipan ang nakaraang iyon. Ayokong may iba pang makaalam sa kahinaan ko.

“Hey! Lalim ng iniisip naten ah?” nangunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahang bibisita siya rito or baka ako lang yung nag-aasume diba?

“Bakit ka napadaan dito Rio?” he shrug saka umupo sa upang katabi ng hospital bed.

“Why? Is it bad to visit my co-ace?” I rolled my eyes. Sarap sapakin ng taong 'to eh. Kaya siguro laging napapag-initan ni Miyukki 'to.

I'm just asking you dumbass.”  he laugh. Yes, he laugh hard kaya binato ko na siya ng unan. Sana pala hindi nalang siya pumunta dito dahil kung ako madaling mapikon baka pinatay ko na tong lecheng to.

“Hey! Hey! Kalma lang naman Thea ang sadista mo talaga. Wala kayong pagkakaiba nila Kazumi at Yukki mga sadista. Tell me lahat ba talaga ng  mga babae parang laging may you know... Red tide.” I give him death glares. Hayp na lalakeng 'to walang preno ang bibig.

“Zip your mouth Rio. Kaya hindi nagkagusto si Yukki sayo eh. Ang daldal mo raw kasi.” I smirk when I saw him blushing. I did a happy dance in my mind.

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon