CHAPTER 16

964 31 2
                                    

Hindi lumabas si Quintana sa kanyang kwarto pagkatapos ng nangyari. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nanatili sa kanyang kama. Nakatulala lamang siya habang nakatingin sa kawalan.

She couldn't still process the truth. Parang mababaliw siya kakaisip sa lahat ng bagay na nangyari sa kanya. Tumingin siya sa labas, gabi na pala. Nagising siya sa pagkatulala nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Ngunit wala siyang balak buksan iyon.

Nanatili siyang nakaupo, pilit binabalewala ang katok na nagsisimula ng lumakas.

“Quintana, I know you're in there. Open this door, please.” napamulagat siya nang marinig ang boses ng kapatid. Nagtataka siya kung ano ang ginagawa nito sa Acresia.

Muling kumatok ang kanyang kapatid. Sa pagkakataong ito ay tumayo na siya at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang nakangiting kapatid ngunit agad ding nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha nito nang makita ang namumugto niyang mata.

Pinapasok niya ito. She locked the door and hugged her brother. “Alexander..”

Muling bumuhos ang kanyang mga luha at kahit hindi alam ng kapatid kung ano ang nangyayari sa kanya ay inalo siya nito. Ilang minuto silang ganoon. Humiwalay siya ng yakap sa kapatid kapagkuwan.

“What happened?” puno ng pag-aalala ang boses ng kanyang kapatid habang tinitingnan siya nito.

“Alex...wala silang kasalanan.” ang tanging namutawi sa bibig niya. Rumihistro ang pagkalito sa mukha ng kausap kaya sinabi niya rito ang nangyari kanina.

Hindi makapaniwala ang kanyang kapatid sa sinabi niya. Kahit man siya, hanggang ngayon ay waring hindi pa rin ma-absorb ng utak niya ang lahat.

“Oh, goddess!” ang tanging nasabi ng kapatid.

“I-i.. can't believe it too Alex. Pero narinig ko ang paliwanag nilang lahat. They did nothing but helped me.”

“Goodness Quintana. After all this years of self confinement.”

“I shoo people away Alex, afraid of trusting again pero hindi naman pala dapat nangyari iyon. The Aces, they were just a victim too.”

“But we can't do anything sis, patay na si Ajani ayon nga sa mga Aces. All you can do is to set things straight. Sayang din ang pinagsamahan ninyo.”

Tama ang kanyang kapatid, mayroon silang pinagsamahang anim. Naging parte din sila ng buhay niya at kahit papaano ay nagkaroon din naman siya ng kasiyahan sa panahong nagkasama sila.

“Yes Alex, I'll do that.”

“You have too, sis. Set yourself free. Nakulong ka sa lungkot at galit. It's time for you to free those. Nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong, remember that.” tumango siya sa sinabi ng kapatid.

“Thanks, Kuya.”

Ilang sandali silang natahimik. Nagtaka siya ng mag-iba ang ekspresyon sa mukha ng kapatid ng ilang sandali na para bang may naalala ito.

“May problema ba?” she softly ask him.

Tumingin ang kanyang kapatid sa kanya. “I'm in no position to tell you something. Ina requested you to go home after the ritual. May pag-uusapan kayong importante kasama ang mga elders.”

“Is it really important?” tanong niya rito. Nagtataka siya dahil hindi naman sumasama sa meeting ang elders kung hindi importante. Madalang lang kung magpakita ang elders ng Elysium kasama ang royal family.

“Yes. Pero huwag mo munang isipin 'yon.” tinanguan niya ang sinabi ng kapatid.

Natigil ang kanilang pag-uusap ng muling may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Pinagbuksan iyon ni Alexander at tumambad sa kanya si Adhara.

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon