CHAPTER 15

2.1K 61 0
                                    

Arthea's POV

"Arthea! Arthea gising!" nagising ako sa marahang yugyog saken ng kung sinuman. Gusto ko pang matulog dahil late na akong nakapagpahinga kagabi.

"Hmm. Five minutes." antok kong sabi. But instead na tumigil siya ay mas niyugyog niya pa ang katawan ko with matching sabunot.

"Hoy! May misyon tayo kaya kung ayaw mong maiwan dito bumangon ka na or else iiwan ka talaga namin!" wala pang limang segundo ay nakabangon na agad ako.

Dang! I almost forget the mission! Bago ako pumunta sa cr ay binigyan ko muna si Miyukki ng death glares. Namutla siya at nag-peace sign.

After 30 minutes ay lumabas na agad ako sa kwarto ko. Nadatnan ko ang dalawa na inaayos yung dadalhin nilang gamit. I frown ng makita yung gamit nilang dadalhin.

"Wow Thea! Are you going on a mission or on a vacation?" sarkastikong sabi ni Miyukki. Kanina pa tong babaeng to ah. Nilapitan ko siya saka binatukan.

PAK!

"Aray! Huhuhu nagjojoke lang naman kasi ako eh. Sabi kasi ni Jin try ko raw na tarayan ka Thea baka daw magkaroon ka ng emotion huhuhu." sinamaan ko siya ng tingin. Isa pa tong si Jin. Mamaya saken yung ogag na yun. Nakakabanas ang pagmumukha leche!

"Arthea bakit ba kasi ang dami mong dalang gamit? Three days lang naman ata tayo dun eh. Or baka 1 or 2 days lang. Pinakamahaba na yung 3 days." wala na akong nagawa kundi magdala ng kaunting gamit. Pasensya naman daw. Malay ko bang ganun pala yun! Tss.

"Saan daw ba tayo magkikita-kita?" tanong ni Kazumi. Dumiretso kami sa gate dahil dun daw kami magkikita-kita.

Nadatnan namin sina Sir Vergara at ang tatlong ace na naghihintay sa may tapat ng gate. Napakunot ang noo ko ng magtama ang paningin namin ni Ulan.

"Oh anjan na pala ang mga kasama niyo." nag-bow kami kay Sir Vergara bilang paggalang. He is our alchemist teacher ay siya din ang maghahatid sa amin sa bayan ng Acresia.

Sumunod kami kay Sir Vergara. May mga sinasabi pa siyang mga instruction ata pero ni isa ay wala akong naintindihan. Nakatutok lang ako sa mga taong nadadaraanan namin.

Unang pagkakataon kong makalabas sa city and I can say na maganda ang bayan. Katulad ng nakikita ko sa mortal world, wala ring pinagkaiba ang bayan na ito. Pero kung titingnan mo yung pagkaka-organize ng mga tao ay masasabi kong Acresia is better than the mortal world.

"Right Miss Drix?" nag-angat ako ng tingin ng narinig kong tinawag ni Sir Vergara ang apilyido. I must be in deep thinking at hindi ko na namalayan si Sir.

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon