Arthea's POV
It feels like a month of being in this hell. Simula noong dumalaw sila dito ay wala na akong balita pa. Pagkatapos kasing umalis ni Rainier ay sumulpot uli si Kazumi. Pero ang sabi niya ay hindi na daw niya ako madadalaw pa. Dahil pinagbawalan na raw siya ng council pati ng Ace na dalawin ako.
Pero bago siya umalis ay nangako siya saken na gagawin niya ang lahat para mapatunayan na wala akong kasalanan. Tinatanong niyo kung nanniwala ako?
Oo, siya nalang ang tanging pag-asa ko ngayon. Ang pangako at ang pag-iisip na makakalaya pa ako rito ang siyang tanging dahilan nalang kung bakit ayokong sumuko. For a week maybe, of being stuck in here, namahay na sa puso ko ang panghihinayang. At simula noon ay nangako akong hindi na ako magtitiwalang muli sa iba. Kung meron man, kailangan kong piliing mabuti.
Kung makakalaya man ako babalik ako sa mundong kinalakihan ko at mas pipiliin kong mawala nalang ang ala-ala ko at mamuhay na lamang ng normal. Naiisip ko si mommy. Kumusta na kaya siya ngayon.
Nahinto ako sa pagmumuni-muni ng biglang bumukas ang pinto.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Yung babaeng kalaban nung magus! Si Ajani.
"Hello there criminal." patuyang tumawa siya.
Siya lang ang nakakaalam na hindi ako yun dahil nakita niya ang itim na usok na biglang nagtransform na fake Arthea. At alam ko rin na hindi siya tanga para hindi marealize na hindi ako yun. She's the only witness.
"Buhay ka?"
"Oo. Hindi madaling mamatay ang masamang damo na tulad ko Arthea." puno nang galit ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit galit siya saken gayog alam niya na hindi ako yun. "Alam mo bang dati ko pa inaasam si Rainier? Pero ano? Ikaw ang minahal niya! Ilang taon akong sunod ng sunod sa kanya at nagmumukhang tanga pero malalaman ko lang na may gusto na siyang iba?"
"Ano ba ang sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi niya. Kailngan ko siyang maka-usap para sabihin niya sa council na hindi ako ang nagtangkang pumatay sa anak ng isa sa mga nobles ng Acresia.
"Akin lang si Rainier! At ngayong nakahanap na ako ng paraan na despatsahin ka ay wala nang makakapigil pa saken. He's mine!" at bigla niya nalang akong sinabunutan. Hindi ako makapalag dahil sa restrainer chains na sana kamay ko. Nakapaglabas kasi ako ng magic sa dungeon na pinagtatakhan nila dahil void ang magic dito. Pero nangyari iyon dahil s atulong ni Vaira. Remember, yung leader daw ng mga flares. She's been accompanying me at nakikipag-usap siya saken through minds.
"Ano ba bitiwan mo ko!" nagpapasag ako pero wala akong nagawa. Ang sarap niya sanang kalbuhin kung wala lang 'tong mga chains saken.
"Kung iniisip mo na tutulungan kita pwes nagkakamali ka! Mamamatay ka!"
Dahil sa inis ko ay sinipa ko siya. Napa-igik siya at natumba kaya sinipa ko pati mukha niya. Naiinis na ako at sa ngayon ay kakalimutan ko muna ang pagpipigil sa sarili.
Nakahuma siya sa pagkakatumba at sinugod ako. Sinabunutan niya ulit ako at ako naman ay sinipa siya ulit. I banged my head on her head and headlock her using my legs. Hindi ko magagamit yung kamay ko kasi -_-
BINABASA MO ANG
Acresia Academy: The Six Aces (Editing)
FantasyI was a normal girl once. A happy-go-lucky girl who has no worries in life. Well, except of me being a member of a broken family. But then, huge wave of responsibility came at kahit kailan man ay hindi ito mababago ninoman. Mismo ako, o si kahit sin...