CHAPTER 20

773 21 2
                                    

Elysium Kingdom

Nang matapos si Quintana sa kanyang ginagawa ay kaagad niyang tinawag si Adhara upang ipahanda sa maidservant ang kanyang kagamitan para sa dinner na gaganapin mamaya sa kanilang kaharian. The elders would be there, and of course si Jiro.

They'll be planning their engagement party tonight. Gusto na ng mga elders na opisyal na ipahayag sa mamamayan ng Elysium ang nakatakda nilang pagpapakasal ni Jiro.

So here she is right now, preparing for  the dinner. Hindi magkandauto ang kanyang maidservants sa pagtulong sa kanya.

Ilang oras din siyang nakaharap sa salamin bago ianunsyo sa kanya ng mga maidservant niya na tapos na siyang ayusan ng mga ito. Quintana heaved out a deep sigh. The dinner, she's not looking forward to it. Parang mas gusto pa niyang manatili nalang sa kwarto niya.

Nalipat ang atensyon niya sa kumakatok sa kanyang pinto. Agad iyong pinagbuksan ng isa sa mga maidservant niya. A smiling Jiro came into view. He looks dashing in his noble suit, pero ganoon pa man ay walang makapang paghanga si Quintana para sa binata and guilt started to build on her being.

Napakatamis ng ngiting iginawad nito sa kanya ng magtagpo ang paningin nila. Sinikap niyang isauli ang matamis na ngiting ibinigay nuto sa kanya.

“Are you ready, princess?” nakangiting tanong ni Jiro sa kanya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay tumayo na lamang siya.

Tonight's dinner is not just some dinner the royals and elders share, dahil ngayong gabi ay iaanunsyo sa buong Elysium ang nalalapit nilang pagpapakasal ni Jiro. A dinner with the respected people of Elysium, at ilan pang tang may malalaking katungkulan sa kaharian.

“Let's go.” tanging nasabinji Quintana.

Nagpatiuna siyang maglakad. Nagulat siya nang may humawak sa kamay niya.

Of course it's Jiro. Mabuti nalang at hindi sa napapiksi sa ginawa nito. As days with Jiro goes by, parang tuluyan ng lumalayo ang loob ni Quintana sa binata.

Huminga siya ng malalim nang tuluyan nilang makalabas sa kanyang kwarto at binabaybay ang daan patungo sa main hall.

Marami nang tao nang makarating sila sa main hall. Ang iba ay napatingin pa sa kanilang dalawa ni Jiro. Kasama na doon ang kanyang mga magulang na nakangiting sumalubong sa kanila.

“What a beautiful couple. The future king and queen of Elysium.” nakangiting bungad ng ama niyang si Haring Dalton.

Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Jiro sa palad niya. Nagulat pa siya ng pag-angat niya ng mukha ang nakatingin ang kanyang mga magulang sa kanya. Isang dagling ngiti ang ibinigay niya sa mga ito.

“Magandang gabi sa inyong dalawa Ina, Ama.” bati niya sa mga magulang.

“Sa inyong dalawa rin ni Jiro, anak. Maghanda na kayong dalawa dahil ilang minuto nalang ay mag-aanunsyo na kami.” sabi ng ina niya.

Biglang umilap ang mga mata ni Quintana nang makita niyang mariin siyang tinitigan ng ina na para bang tinatanong nito sa kanya kung ayos lang siya.

Kahit hindi sabihin ng ina niya ay alam niyang nararamdaman nito ang lungkot niya. She's her mother of course. Ramdam ng isang ina ang nararamdam ng kanyang anak sa tingin lang nito.

Naunang lumakad ang kanyang ama at ina.

“Let's go?” napukaw ang pagmumuni-muni niya nang magsalita si Jiro.

“Tara.” sabi niya dito at naunang maglakad. Ngunit hindi pa man nakakadalawang hakbang ay pinigilan na siya ni Jiro.

Tumitig ito sa kanya na para bang sa pamamagitan niyon ay mababasa nito ang nasa isip niyan “Are you okay, Princess?” tanong nito.

Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at tumango.

“Of course, I'm fine. Why wouldn't I be?” ganting tanong niya rito.

“I-i don't know, Quintana. You seem distracted and silent.” sabi nito.

“Jiro, I'm always silent.” tugon niya at nagpakawala siya ng isamg pilit na tawa.

Kung mayroon mang pagdadalawang-isip si Jiro ay hindi na nito nilabas pa. Hindi na nagkomento ang binata at bagkus ay binigyan na lamang siya ng isang ngiti at pagkatapos at hinalikan nitonang kanyang noo na muntik na niyang ikapitlag.

“Magandang gabi sa lahat ng naririto ngayon. Masaya akong nakarating kayo sa importanteng pagtitipon natin ngayon. Hindi lang para sakin at ng inyong reyna, ngunit maging sa aking anak na si Quintana.

The crowned princess of Elysium, your future Queen. Kasama ang kanyang magiging hari, ang pinakabatang noble na anak ni Elder Marcus. It's my honor to announce to you that my Princess is marrying Jiro.” her father indeed looked proud while speaking.

Narinig ni Quintana ang mga singhap at palakpak ng mga taong naroon sa main hall. Inilibot niya ang tingin at nakita niya ang nakangiting mukha ng mga tao. Her people.

Masaya ang mga ito para sa kanya. Pero bakit siya ay hindi niya makuhang maging masaya?

Syempre ay alam niya ang sagot sa tanong na iyon. Pero alam niyang iyon ang nakatadhana para sa kanya.

Ang pagmamahal para sa isang royal ay hindi isang luho. Being married to the one you love is not a priority for royals. Dahil kailangang unahin muna ang pagmamahal sa nasasakupan bago ang iba.

Naramdaman ni Quintana ang marahang paghila ni Jiro sa kanya papunta sa kanyang mga magulang.

Masigarbo ang palakpakang ibinigay sa kanila ng mga tao.

Niyakap siya ng kanyang nakangiting Ina at su Jiro naman ay tinapik ng kanyang ama sa balikat.

Elder Marcus opened his arms for Quintana nang bumitaw siya sa yakap ng kanyang ina. Nakangiting sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap.

“Welcome to the family, hija.” masayang bati nito sa kanya.

Niyakap din siya ng ina ni Jiro. Nakikita niyang masaya ang mga ito para sa kanila ni Jiro. She can't help but to smile at them too dahil alam niyang mababait ang mag-asawa.

“Masaya ako para sa inyo ng anak ko, Quintana.” masayang bati din ng ina ni Jiro at bahagya nitong tinapik ang kanyang pisngi.

“Salamat po, Lady Rhea.” ang tugon ni Quintana.

Lumapit sa kanila ang nakangiting si Jiro. Niyakap nito ang ina pagkatapos ay tiningnan siya.

“Ina, pwede ko bang kunin muna si Quintana? There are still a lot of people who wants to congratulate us.” Jiro said.

“Of course, son. You don't have to borrow what's yours.” sabi ng ina nito na may himig panunudyo.

Jiro laugh at then look at her with adoration.

“Shall we, Princess?” Jiro said.

Quintana nodded and took Jiro's extended hand.

***

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon