Arthea’s POV
It’s been three days or four days-- I don’t really know dahil hindi ko nakikita ang labas. It’s dark and lonely here, sa lugar kung saan ako inilagay pagkatapos ng nangyari. Ubos na rin ang mga luha ko at nasanay n ako sa dilim na siyang nag-iisa kong kasama.
Bakit kailangan pang mangyari ‘to? Ni wala akong matandaan na may masama akong ginawa sa ibang tao. Is this my karma for being the reason of my brother’s death? Alam ko naman na kahit sabihin pa nina mama at papa na walaakong kasalanan pero sinisisi ko ang sarili ko dahil kung naging malakas lang sana ako edi sana naprotektahan ko siya noon. And now, wala ng Clark na oprotektahan ako.
Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto. I am expecting him pero iba ang nakita ko. It’s Kazumi with a worried look on her face. Dahil na rin siguro sa ilang araw na walang kasama ay nag-break down ako. In front of her I cried my heart out.
“Ang sakit Kazumi. Natatakot ako.” kumapit ako sa kanya ng mahigpit. Like as if my life depends on her. Iniwan na nila akong lahat pati ang lalaking mahal ko. They abandoned me because of the crime I didn’t do.
“Shhh.. Magpakatatag ka Arthea. Nandito ako para sa’yo. Gagawa tayo ng paraan okay? Mapapatunayan natin na wala kang kasalanan.” umiiyak rin si Kazumi habang inaalo pa rin ako. Nami-miss ko na ang mommy. Hindi ko na kaya pero kailangan kong magpakatatag. Andyan pa ang tanging kaibigan ko na naniniwala na wala akong kasalanan.
“A-asan siya?” she knows who am I pertaining to. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya bagkus ay umiwas lang siya ng tingin.
Hindi ko siya nakita mula noong mangyari ang insidente. Nagising nalang kasi ako na nasa dungeon na pala ako. Ang lugar kung saan ako naroon ngayon.
“I’m sorry Thea.” Napahikbi na lamang ako sa sagot niya. Akala ko ba mahal niya ako? Kasi kung oo, hindi siya agad maniniwala sa magus na yun. Mismo siya ay makikilala kung ako ba yun o hindi. gusto ko siyang makita at sabihin sa kanya na hindi ako yun. I miss him so much.
“Anong magyayari ngayon Kazumi?” pilit kong pinatigas ang boses ko. Kailngan kong maging matatag para sa sarili ko at sa nag-iisang taong naniniwala saken, si Kazumi.
“Hindi ko rin alam Thea. Busy ang lahat sa pag-iimbistiga. Sorry kung ngayon lang uli kita nadalaw ha?” oo nadalaw na ako ni Kazumi noong magising ako. Nananatili siya dito ng ilang oras para may kausap ako. Pero alam ko naman na marami siyang ginagawa kaya ako na mismo ang nagtataboy sa kanya. Ayokong maging pasanin ni Kazumi.
Siya pa lang din ang dumalaw saken. Natawa ako ng mapakla. Syempre, aasa pa ba ako na may dadalaw saken? Eh lahat nga ay tinuring akong isang kriminal. Isang kriminal na dating tagapagtanggol ng Acresia at ngayon ay kinamumuhian na ng mga tao.
“Okay lang yun Kazumi. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil isinisingit mo pa ang pagdalaw saken sa listahan mo.” binigyan niya ako ng isang sorry look. Kahit ayaw ko man na kaawaan ako pero wala eh, kaawa-awa naman talaga ako.
Napatingin kaming dalawa ng bumukas ang pinto. Unang bumungad saken ang nagbabagang tingin ni Miyukki. The way she looks at me breaks me into pieces lalo na ang blankong tingin ng taong nasa likod niya.
Rainier.
“Kazumi! You should not concern yourself with a criminal!” I flinch hearing those words come out from Miyukki’s mouth. Ouch!
BINABASA MO ANG
Acresia Academy: The Six Aces (Editing)
FantasyI was a normal girl once. A happy-go-lucky girl who has no worries in life. Well, except of me being a member of a broken family. But then, huge wave of responsibility came at kahit kailan man ay hindi ito mababago ninoman. Mismo ako, o si kahit sin...