A day after the meeting, the academy was set into lockdown. Iyon ang napagkasunduan ng higher ranks. Quintana wasn't very happy about it pero mas pinili nalang niyang itikom ang bibig.
Now she knows how incompetent the people of Acresia are. Sa daming pwedeng gawin ng mga ito ay iyon pa. But because Acresia is eventually on it's weakness dahil sa nalalapit na First Bloom ay hindi na gumawa ng aksyon si Quintana.
"Princess Quintana. Pinapapunta po kayo sa office ni Headmaster."
Kumunot ang noo ni Quintana. Ano na naman ang dahilan at ipinapatawag siya ni Hearmaster Greg gayong kanina lang ay nag-usap sila.
Nevertheless, Quintana decided to go to Greg's office. Kasunod niya ang messenger na ipinadala ng headmaster.
"Magkakaroon ba ulit ng pagpupulong?" tiningnan niya ang mensahera. She almost rolled her eyes nang makita niya ang waring pagka-bigla sa anyo nito.
Alam niyang hindi siya ang tipo ng tao na nakikipag-palitan ng ngiti at hindi rin siya approachable, alam niya iyon. Pero hindi rin naman siya evil witch na dapat kabiglaan.
"M-may.. s-sabihin po ata si Headmaster Greg. Nandoon rin po kasi nag mga Aces eh." ang sagot nito nang marealize ang ginagawa.
Her lips instantly went into thin line. Gayunpaman, pinagpatuloy niya ang paglalakad. Hindi na siya kumatok pa nang makarating siya sa pinto ng office.
Six heads turn their attention to her the moment she enter the room. She walk elegantly with power radiating off her. Her presence demands attention and her aura demands respect.
Quintana can see how the Aces slightly cower from the aura she emitt. She smirked.
"Let's start the meeting." iyon ang naging bungad ni Headmaster Greg, trying to ease the tension.
Inilibot niya ang tingin sa kwarto. Pero parang nananadya yata ang lahat dahil isang upuan nalang ang bakante at iyon ay nasa tabi ng upuan ni Rainier.
She doesn't want to act na parang apektado siya kaya nagdesisyon siyang doon umupo na agad niyang pinagsisihan.
Ramdam niya ang init na nagmumula kay Rainier. She's just inches away from him. She slightly shiver. Kinainisan niya iyon. She doesn't want to welcome whatever she is feeling right now.
Mas lalo pa siyang nangitngit nang idaiti nito ang braso sa braso niya. Pero nang tingnan niya ay ito ay nasa Headmaster naman ang atensyon nito at parang walang alam sa ginagawa. Maniniwala sana siya kung hindi niya nakita ang bahagyang ngiti nito.
The nerve of this jerk! Sa loob-loob niya.
Ang sarap burahin ng ngiti nito. Ang sarap ungasan kung wala lang ibang tao.
Umisod siya palapit kay Kazumi na nakaupo sa kabilang gilid niya. Nagtataka na lumingon ito sa kanya at saka ngumiti at ipinagpatuloy ang pakikinig sa nagsasalitang si Greg.
She clench her fist nang umisod din ito. Pinaningkitan niya ito ng mata nang tumingin ito sa kanya. Ngumisi lang ito ng nakakaloko na gumatong sa inis na nararamdaman niya.
She smirk nang bigla nalang itong umudlot at waring nasasaktan. She heard him cursed silently. Iyon ay dahil sa napaso ito sa apoy na inilabas niya sa braso niya.
"Is there any problem Rainier?" natigil ang mahina nitong pag-aray.
Kumunot ang noo nito at umigting ang panga pagkatapos ay umiling. Siya naman ay nagkunwaring walang pake.
Buti nga at iyon lang ang ginawa niya rito. Pasalamat ito at may tao dah kung wala ay susunugin niya ito hanggang maging isa na lamang itong abo.
Alam na niya ang ganoong istilo nito. Iyon din ang ginawa nito noon sa kanya para makuha nito ang kanyang atensyon. Kahit may munting bahagi sa kanya na gustong mapalapit dito ay pinigilan niya iyon. She's not a fool anymore. At kailanman ay hindi na siya muling maloloko nito.
Maang na napatingin ang lahat kay Rainier at pagkatapos ay lumipat ang tingin ng mga ito sa kanya.
"What?" she snapped.
Para namang natauhan ang mga ito. Headmaster faked a cough. "So, as I was saying. Nalalapit na ang First Bloom of Acresia. Ilang araw nalang at magaganap na iyon. This time ay hindi niyo na kailangang magsanay pa. But, starting today I want all of you to be always with each other."
Hindi na nagsalita pa ang mga Aces at walang reaksying mababakas sa mukha ng mga ito. It only means one thing. Alam na ng mga ito ang tungkol sa sinabi ng Headmaster.
Kabaliktaran niya na kung pwede lang sumayad sa lupa ang bibig niya ay nangyari na kanina pa. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon.
The irony of it all. Umiiwas siyang makasama nag Aces ngunit heto at sinabi ng Greg na kailangan nilang magsama para sa nalalapit na First Bloom.
"Hindi kailangang magsama kaming anim." sabi ni Quintana na parang balewala lang.
Headmaster Greg sigh. "Kailangan Princess Quintana. Kailangan mong maging pamilyar sa kanila at sa abilidad na taglay nila. Gayundin sila sa iyo."
"Just go directly Headmaster. Gusto mong obserbahan namin ang isa't-isa. But I think we can do that without being together all of the time."
Alam niyang alam ng mga ito ang pagkadisgusto. She wouldn't deny it nor act like she doesn't hate them. Mabuti nga iyong sa una pa lang ay alam na nila kung saan sila lulugar.
"Tell me Princess Quintana. Why does it seems like you don't want us?" iyon ang direktang tanong ni Rainier sa kanya. He looks at her directly in the eyes. At sa mga oras na iyon ay malinaw na ipinapahayag ng mga mata nito na nasaktan ito. Pain that made her heart clenched.
She turn away from him and stand up. For a moment she was speechless. Nakikita niya ang ilan pang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya. Nagtatanong. At tulad lang iyon ng tanong ni Ranier.
"I don't want everyone Ace Leader. Kaya huwag kang magtanong na parang kayo lang ang binibigyan ko ng ganitong pakikitungo." she said coldly.
"Enough of this everyone." ani Headmaster. Sa kabila ng tensyon ay pinipilit nitong magkaroon ng maayos na pag-uusap.
"Pinal na ang sinabi ko. Magsasama kayo. I want you ready for the upcoming First Bloom. Makakaalis na kayo." dagdag nito.
Walang salitang namutawi sa bibig ng lahat. Lumabas ang Aces habang siya naman ay nagpahuli. Akmang aalis na siya ng tawagin ni Headmaster Greg ang pangalan niya.
"Don't punish them too much." ang sabi nito.
Waring nanigas ang katawan niya. Napako siya sa kinatatayuan. Marahan niyang nilingon ang matanda.
Nakita niya sa mukha nito ang pagsusumamo. Agad siyang tunalikod at naglakad palabas. Pinahid niya ang luhang namalisbis sa pisngi niyang bahagyang natatabunan ng maskara.
Alam ni Headmaster Greg ang lahat. Of course, he wasn't the 'headmaster' for nothing. He was there when everything happened. Paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang sinabi nito.
"Please, Arthea."
***
Sorry sa matagal na update. Dedicated ang chapter na 'to sa mga reader na nag-pm saken at sa mga nagpost sa message board kung kailan daw ako magu-update 😂Here's chapter 10 lovelies!
cyequeen
BINABASA MO ANG
Acresia Academy: The Six Aces (Editing)
FantasyI was a normal girl once. A happy-go-lucky girl who has no worries in life. Well, except of me being a member of a broken family. But then, huge wave of responsibility came at kahit kailan man ay hindi ito mababago ninoman. Mismo ako, o si kahit sin...