CHAPTER 20

1.9K 47 0
                                    

Arthea's POV

Na-amuse na tinigan ko si Jasmin habang pinipilit ako na mag-extend ng dalawa pang araw pero kahit gusto ko man ay hindi pwede dahil tatlong araw ako rito saka hindi na nga ako nakadalo sa first bloom of Acresia. Sa tatlong araw kong pananatili sa lugar ng mga soothsayer ay napag-alaman kong marami palang mga soothsayer na under ni Jasmin.

Arthea aalis ka na ba talaga?” tumango ako saka ipinagpatuloy ang paglalag sa mga gamit ko.

Sa loob nang tatlong araw ko rito nakita ko ang tunay na ugali ng soothsayer na kaharap ko. Kabaliktaran ng una naming pagkikita ang ugali niya. She cares about her constituents and she's really overprotective when it comes to them kaya naman malaking tangka sa seguridad nila ang mga tumatapak sa lugar niya.

Palaisipan pa rin saken kung kaano-ano niya ba ang kapatid. When I asked her about it, ‘hindi na kailangan pang ungkatin ang mga bagay na matagal nang nakabaon sa hukaylang ang isinagot niya.

“Sige na nga. Pero kapag may oras ka pupwede ka namang bumisita ulit rito diba?” loneliness swirls in her eyes. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano ka-importante si Lark sakanya. She may deny it over a hundred times pero hindi niya ako maloloko. I can see every feelings through eyes remember.

Hinatid niya ako papunta sa Academy. Naiinis na binalingan niya ako dahil sa mga ibinibigay na tingin sakanya ng mga studyante. Matagal na nanirahan sa pinakasulok ng kagubatan ang mga soothsayer kaya medyo naiirita sila sa mga bagong mukha.

I grab her wrist instead saka nilakihan ang mga hakbang ko. Nang makarating kami sa office ng headmaster ay tuloy-tuloy akong pumasok. But I was shocked nang madatnan ang lahat ng ace na nandito sa office ni Headmaster. Ilang saglit pa ay nasa amin na ang lahat ng atensyon nila. Relief is written on their faces except from Rainier na dinaig pa sa bagyo ang mukha.

“Bakit ngayon ka lang?” his voice echoed through the  four corners of this room. Nakita ko sa gilid nang mga mata ko ang pagtirik ng mga mata ni Jasmin. She hates Rainier.

A hand wrap around my waist at hindi na ako nakaangal pa ng ilayo niya ako kay Jasmin. I mentally rolled my eyes, Rainier and his unpredictable mood.

“Witch, you can go back now to where you belong.” sabi niya walang babalang hinila ako palabas ng office. I gave Jamin one last look at tumango siya na parang sinasabi niyang okay lang.

Pinipilit kong tanggalin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. I bet namumula na ang kamay ko sa higpit nang pagkakahawak niya.

“Rainier ano ba! You're hurting me!” tumigil siya saka tiningnan ako.

Niluwagan niya ang pagkakawahak sa kamay ko while giving me cold stares. He frustratingly sigh saka bigla nalang sinipa yung upuan. I did not move an inch dahil baka magalit pa siya ng husto saken.

“Why do you have to do that? You're so stubborn! I am the leader here Quin.. Hindi ikaw.” parang kinurot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Like heck! Porque ba siya yung leader hindi na ako pwedeng magdesisyon?

“Why? Can't I make decisions on my own?” kalmadong sabi ko. Ayokong makipag-away sa kanya hanngat maari.

“You just don't get it! I care for you Quinn! More than you know.” I froze habang nakatingin sakanya.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sakanya. Parang bigla nalang tumigil yung tibok ng puso ko. Yeah I know it sound cheesy pero yun yung nararamdaman ko ngayon.

I gulp and bit my tongue. I was speechless at parang lahat ng gusto ko sanang sabihin ang bigla ko nalang nakalimutan.

“I-i... I-i.. N-nagc-confess ka ba?” sa wakas ay nahanap ko na rin yung boses ko. But I mentally facepalm for asking question like that. Nag-iinit ang mukha ko kaya iniiwasan kong magkasalubong yung paningin namin.

“Isn't it obvious?” he huskily said habang papalapit saken.

Umatras ako hang siya naman ay papalapit saken. Sh*t!  Natatarantang umatras ako palayo sakanya at hindi ko inaasahang matutumba ako. Pero hindi ako tuluyang natumba sa sahig because of Rainier's hands on my waist.

Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. Parang hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa lapit ng mukha namin. Heck! Isang malaking kilos nga lang ay lalapat na ang lips ko sa lips niya.

“Easy baby! Breath.. And you're trembling too.” pinakawalan ko ang hiningang hindi ko alam na pinipigilan ko pala. He smirk. And i swear, mischief is on his eyes.

“Will the trembling stop if I kiss you?” muntik na akong matumba ulit kung hindi lang mahigpit ang hawak niya saken.

I close my eyes ng mas inilapit niya pa yung mukha niya saken. Malakas ang tibok ng dibdib ko and I bet he heard it. I felt disappointed when he kiss my nose instead. Pinagalitan ko ang sarili ko dahil sa iniisip ko. Hindi ko dapat iniisip iyon.

“Tara na. Hinahanap na nila tayo.” I unconsciously nod. Nawiwindang pa rin ang utak ko sa ginawa niya at hindi pa nagf-function ng maayos.

Wala sa sariling sumunod ako sa kanya papunta sa dorm naming mga babae.

“Oh andito na pala sila e--- Kayaaaaahhhhhh PDA!” saka lang ako nagising sa malalim na pag-iisip dahil na nakakarinding tili ni Miyukki.
Pilit kong kinukuha ang kamay ko pero mas hinigpitan niya lang lalo yung pagkakahawak. Ang OA nang reaction niya. Hawak lang ng kamay PDA agad.

Uyy nawala lang kami saglit may nabuong lovelife na ha.” nangingiting tukso ni Kazumi habang ang dalawa namang lalake ay tinapik si Rainier sa balikat.

Pagkatapos magluto ni Miyukki ay nagsikain na kami. Rainier grab me a seat at naiilang na tinanguan ko siya bilang pasasalamat. Naninibago pa rin ako sa kilos niya at ngayon nga'y naiilang ako sa mga titig ng mga kasama ko.

Pagkatapos ng maingay na kainan ay napagpasyahan naming mag-movie marathon muna bago matulog. Bukas nga ay pupunta kami sa City dahil bukas raw ic-celebrate ang first bloom of Acresia.

“Rest...” tinapik niya yung balikat niya. Nag-aalangan ako but knowing Rainier matigas pa sa bato ang ulo nyan. Lumapit ako sa kanya saka inilagay ang ulo ko sa balikat niya.

He's body is comfortable kaya ilang minuto lang ay naramdaman ko na ang pagod. I snuggle closer to him and unconsciously wrap  my arms on his body and drifted into nothingness.

***

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon