Kabanata 3

2.6K 46 0
                                        

"Bakit ikaw lang pag sisilbihan ko? Di ba pwedeng buong b---"


"Ayaw mo nun? Di mabigat trabaho mo?" Putol agad sakin.


Sus! Kung alam ko lang crush mo ko. 


"Eh! Stay in ba ko? Di kasi pwede e. May pasok kasi ako sa palengke!" sagot ko.


"What! You don't need to go market. Swe-sweldohan din kita! twenty thousand sweldo mo. Stay in!" nagulat ako dahil dun.


"TWENTY THOUSAND!" Di ko mapigilan mapasigaw! 


"Shit! Lower your voice! Nandito lang ako sa harap mo." napa peace sign ako dahil dun. "Nakalaya na ama mo! Pag uwi mo? Kunin mo lahat ng gamit mo at dito ka na mag tra trabaho. Kasama kita hanggang sa pag pasok ko sa University. Lahat ng utos ko susundin mo syempre may rule pero bukas mo nalang malalaman dahil bukas ka pa babalik"


Tango lang ako ng tango! Aba di na ko talo. 20 thousand! Tapos pwede ko na pag aralin kapatid ko? Tapos pwedeng di na mag labandera nanay ko. Pwde na kami mag bussiness ng tindahan samin! Hindi na ko lugi nun. Sa ganda kong to? Magiging slave nya ko. 


"Okay, Deal" 


Siguro maiiahon ko pamilya ko kahit papano tapos pag nakabayad na ko? Pwede na ko mag aral kahit limang taon pa itagal ko dito dahil sigurado ako na maiiahon ko pamilya ko. Maiialis ko pa sila sa squater.


"Bakit ba nakangiti ka ng nakangiti? Lumabas ka nga!" Tumayo ako.


"Sige po master" mabilis akong lumabas at nagulat ako ng nandun sila M1 And M2 na nakangiti. 


Mga chismosa to ah. Nakikinig ba naman ng usapan namin ni Master Kade. Sumbong ko nga. Syempre joke lang. Ba't ko sila isusumbong e sila close ko dito. Saka baka nga sila maging bestfriend ko dito. Kailangan ko pa nga pala mag paalam kela kuya.


"Hatid nyo ko palabas dito" sabay hila ko kay M2.


"Ano pinag usapan nyo?" m2's asked.


"I'm his slave. Then we're working together!" Tangina? Tama ba english ko. Nakakahiya pag mali. Sana naman may commonsense sila. Tama din ba? Mag tatagalog na nga lang din ako. Pa trying hard parang si Author.


Syempre joke lang yun. Baka patayin pa ko nito sa story e. Imbis na maid na ko baka mamatay pa. Hehehehe. Peace yo!


"YEHEYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!" Hindi ko pinansin ang pag ingay nila at bumaba kami ng hagdan. Madali lang palang tandaan kahit sobrang lake ng bahay na to. Jusko. Nang makababa kami ay sinalubong ako ni Ken? Oo si Ken yung driver na gwapo hihihihi. Che. Di ko sya crush grabe kayo sakin. Psh.


"Ken pahatid!" Syempre, Wala akong perang dala kaya kakapalan ko na muka ko para ihatid ako. Sayang ganda ko kung mag lalakad ako ng malayo. Hehehez. Ano ba naman yan. Nasuotan lang ako ng maganda naging maarte na ko. Char.

Kade's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon