Kai's POV
"KADE! DI mo man ba hahanapin si Sham?"
"Huh? Para saan pa?" nagulat ako sa sinabi nya.
6pm na pero wala parin si Sham? Sobrang nag aalala na ko. Simula umalis sya sa bleacher di na sya nag paalam.
"Nag papatawa ka ba?! Si sham ang nawa---"
"Di na nya kailangan si Sham, Kai. Nandito na ko" nagulat ako ng biglang sumulpot si Ariya. Bigla naman kumulo ang dugo ko nung naalala ko yung time na pinag palit nya sa pera ang pinsan ko.
"Di ikaw kausap ko Ariya" madiin na sabi ko.
"Pwes ako kausapin mo! Boyfriend ko kausap mo!" nanginginig ang kamay ko pero kailangan kong mag timpi. Humarap ako kay Kade na seryoso ang muka.
"Kade, Di ka ba nag aalala? Kanina pa sya wala? M-may sakit si Sham, Kade" Umiling sya. Huminga ako ng maluwag. "Okay, Yan ang gusto mo. " Tumalikod ako at sinimulan ulit tawagan ang cellphone nito. Pero ring lang ng ring. Tumulo na ang luha ko at lumabas ng bahay. Nakita ko si Ken na muka din nag aalala, Pinunasan ko ang luha ko para di nya mapansin na naapektuhan ako.
"Sabi na e! Si Ariya ang nakita nya kanina kaya sinundan nya?!" halata ang inis sa muka ni Ken pero tinabihan ko lang sya
"Bullshit! Humanda sakin yung babaeng yan!"napailing nalang ako. "Hanapin nalang natin sya" Pumasok kami pareho sa kotse. Nag seatbelt ako pero patuloy parin ang pag tawag ko sa cellphone nito.
"Jusq! San naman pupunta yun?"
"Shhhh. Hahanapin natin sya "
Si Sham, Si Sham ang kilala kong babaeng di mo makukuha sa pera at kahit anong bagay. Basta mahal nya ang tao, Handa syang masaktan. Wala syang pakielam sa sarili nya basta mapasaya lang taong nakapaligid sa kanya.
Si Sham ang kauna unahang kong naging bestfriend sa buong buhay ko, Na si Sham ang hindi mo mauuto. Si Sham na matapang, Si Sham na inosente. Di nya deserve ang mga sakit na nararamdaman nya.
Si Sham lang nakakuha ng loob ko, Kay Sham lang ako nag tiwala. Si sham ang una kong naging kaibigan. Pero bakit?Wala naman syang ginagawang masama pero bakit ganito? Bakit nararamdaman nya yung ganito.
"Sila Pat, Tanungin natin" tumango sya.
Kaya naman mabilisan kong tinawagan ang cellphone ni Pat, Kung wala sa kanila? Kailangan ko din ng tulong nya. Kailangan namin makita si Sham. Baka kung ano na nang yare sa kanya.
"Ow?"
"PAT, SI SHAM BA NAKITA MO?!" malakas na sabi ko agad.
BINABASA MO ANG
Kade's Slave
RomanceI'm Sham not Nine. S-H-A-M. Pang Nine sa pag kakapatid. Yes. And ako lang naman ang bunso. Di kami mayaman, Mahirap kami. Mas mahirap pa sa daga. but one day nag kasa sakit ang kuya ko, Dahil nangangailangan kami ng pera, Nag nakaw ang tatay ko sa...