Kabanata 13

2.1K 43 0
                                        

"Ano gusto mo? Kape?" Umiling ako sa kanya. 


Pero tuloy tuloy parin ang tulo ng luha ko. Hindi ko maiwasan masaktan dahil sa sinabi ni tatay. Ginawa ko lahat yun para sa kanila. Gusto ko may makain sila pero bakit? Bakit ganito sya sakin. Hindi ko naman sila iniwan. Pero bakit kasi ako nalagay sa sitwasyon na to. 


"Walang magagawa yang iyak iyak mo."  Pinunasan ko ang luha ko. 


"San pwede mag palit dito?"  tanong ko agad.


"Punta ka sa kwarto ko nandun ang CR. Ipag hahanda nalang kita ng damit mo. At bukas ihahatid agad kita" tumango ako sa kanya.


Nandito kasi kami sa condo nya, Isang condo. Pumunta agad ako sa kwarto nya at pumasok agad sa CR. Binuksan ko ang Shower at hinayaan ang tubig na dumampi sa balat ko. Napangiti ako ng mapait. 


Sila dapat ang sinunod ko. Pero para sa kanila din naman to ah. Bakit ang hirap hirap. Yung gagawin mo naman to para sa kanila. Bakit ganun sila sakin? 


"Hey, Sham. Lumabas ka na jan" Kumuha ako ng towel sa gilid at tinapis ko yun sa katawan ko.  Hawak hawak ni Kai ang damit nya at tumigin sya sakin.


"Kung ayaw sayo ng pamilya mo, Iwan mo na sila. " Umiling ako sa kanya.


"Mahal ko sila, Mahal ko sila higit sa buhay ko" sagot ko.


"May per---"


"Bakit ba lagi nyo hinahambing ang pera sa pag katao ko?" hindi ko maiwasan magalit dahil dun. "Kahit kailan di mapapantayan ng pera ang pamilya ko,ANg dignidad ko. Tinuruan ako ng nanay ko ng tama. Hindi yung basta pera?  Mapapaikot ka na. " 


"I'm just te---"


"But not right! You know what i mean. " Kinuha ko ang damit ko . "Hindi ko ipag papalit ang pamilya ko dahil lang sa pera. Dahil ang pera kayang biling ang lahat pero kahit kailan hindi nya mabibili ang kaligayahan ng isang tao." huminga ako ng malalim.


"I don't care. Pag katapos mo. Lumabas ka jan. Mag nag hihintay sayo sa labas!" sabay talikod nya. 


Ngumiti nalang ako ng mapait. Kahit anong gawin ko, Ganun parin ang tingin nya sakin. Napailing ako. Sino bang tao titingin sakin bilang ako? Yung walang nakikitang masama sakin. Lahat nalang ba? 


Nag bihis ako, Isang panjama at tshirt. Nakakaramdam ako ng lamig at mahapdi sa paa ko. Nakita ko ang paa ko na puro paltos. Hirap mag lakad ng ilang oras sa daan. Tapos naka heels ka. Naulunan ka pa. Kailangan ko tong gamutin.


Lumabas ako ng Cr ng hindi nag susuklay.  "Kai, May first aid-----KADE!" Di ko maiwasan magulat dahil sya ang bumungad sakin.


Nakatingin sya sakin at mukang nag aalala. Umiwas nalang ako ng tingin. "Ano yun Sham?" sigaw ni Kai,

Kade's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon