Kabanata 15

2K 45 0
                                    

"Wag na wag kang uuwi mag isa. Wag na wag kang sasama sa iba. Sakin ka lang sasabay. Wag na wag kang makikipag kaibigan. Kumain ka sa cafeteria. May card ka naman jan. Tawagan mo ko pag hindi mo alam kung nasan ka? Wag na wag kang aalis habang wala ako. Text me if you nee-----"


"need you and call you if i need you. Wag kang magiging palakaibigan. Wag ka agad mag titiwala. " 


Yan ang puro sinasabi nya sakin. Simula ng sabado puro yan ang naririnig ko sa kanya. Napanguso nalang ako. Natatandaan ko naman e. Para akong bata. Wag daw ako pupunta ng cr pag walang tao dun. Hanap daw ako ng maraming tao baka daw makulong nanaman ako.


"And your inhal---"


"Asa bulsa ko po. Hindi ko po sya aalisin dun" Ngumiti sya at tinap ang ulo ko. Hinalikan nya pa ko sa noo.


"Alam mo na kung san klase mo?" tumango ako sa kanya.


"Lagi mo kong unang pupuntahan ay sa Gym. Pag wala ako dun? Tawagan mo ko. Tuwing 4:30 Pratice namin. Kung ayaw mo manood. Bibigay ko sa yo ang susi ng kotse ko at dun ka lang sa loob. Wag kang gagala mag isa" 


"Opooooo" 


Hinawakan na nya ang kamay ko at nag lakad na kami. Naka uniform na ko, Above the knee and long sleeve. Lahat ay nasan ang atensyon. Hirap na hirap ako mag lakad pag may nakatingin sakin. 


Saka ko nalang nalaman na kay Kade din pala tong eskwelahan na to. Lalong lumawak ang utak ko na talaga bawal kami. Dahil hindi naman nya ko mahal, Iba ang gusto nya. May mahal sya at di na ko umaasa. Sobrang thankful nalang ako dahil nakakapag aral pa ko.


Nang makarating kami sa building ko at pumasok na ko. Umakyat agad ako sa hagdan at nag paalam sa kanya. Tinakbo ko yun kahit maaga pa. Hindi kasi kami pumasok nung nakaraan. Pwede naman yun dahil wala naman klase.


Huminto ako sa room namin at pumasok ako, Napatingin sakin ang lahat dahil dun. May ibang masama ang tingin sakin at iba naman nakatingin. Yumuko ako pumunta hanggang sa dulo. Kinuha ko ang headset ko at sinaksak sa tenga ko. Nakatingin lang ako sa bintana habang nakikinig ng music.


Pumasok ang isang babaeng asa 30's na pero maganda parin. Inikot nya ang mata nya at nag tagpo ang ang tingin namin. Ngumiti sya at tumingin ulit sa mga ka blockmate ko.


"GoodMorning class" bati nya. Umayos ang lahat samin. "Okay. Ms. Crisostomo, Come here and introduce yourself" Tumayo ako at pumunta sa gitna.


"GoodMorning po, Sham Crisostomo 17" 


"Pwede po mag tanong prof?" napatingin ako sa isang babae na nag taas ng kamay.


"Okay lang ba?" Tanong ni Prof.


"Oo naman po" sabay ngiti ko.


Kade's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon