"TEKA NGA! Ano ba gagawin nyo sakin?!"
"Secret!" Napailing nalang ako sa kakulitan ng dalawa na to!
Aba, Nandito ako para makapag usap hindi para hinahin ako papasok sa kwarto na to. Nakakainis! Di daw ako pwedeng humarap ng nakaganito? Bakit ano ba problema nila sa Panjama at tshirt? Kailangan ba naka gown. Psh.
Nagulat ako ng bigla akong hawakan ng isa habang tumatawa. Pinunit nila ang damit ko kasama ang panjama ko.Sa gulat ko at natadyakan ko ang isa pero mabilis lang to naka ilag!
"We're not only maid here!" sabi ng isa.
"Wala akong pake! Bakit kailangan nyo ko hubaran?!"
Di kaya may alaga silang Lion dito tapos papakain ako? O kay may pirana dito? Kailangan ko makaalis dito. Baka ialay pa nila ako kung san e! Mahal ko pa pamilya ko. Ayokong mamatay ng ganun.
"Chill lang miss, Bibihisan ka lang namin kasi utos ni Sir. Ken" kumunot ang noo ko.
"Sir Ken? Di ko sya kilala! Kaya aalis nalang ako dito!"
"Yung kasama mo kanina? Yung nag hatid sayo papunta dito?"
"Ahhh" para akong tanga.
Aminado naman ako na gwapo si ken pero driver lang sya? Sa gwapo nya naging driver lang sya dito. Sabagay eto ngang dalawang babae sa harap ko cute pero maid lang. Ako nga maganda Sales lady e. Hays.
Siguro panget yung monteverde na yun? Kaya puro mamaganda ang nandito. Baka matanda na? Tapos kulubot ang balat. O kaya maitim tapos puro balbas. Kadiri. >_<
"WAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH. LAYO" Sigaw ko sa kanila.
Tinulak ako papasok sa Cr at kusang nag bukas ang shower, At ang Ending? Eto naliligo ako. Huta pala! Cr palang? Parang doble na ng bahay namin sa lake? May Bathtub pa, Tapos Mini Swimming pool. May Salamin na malaki. Jusme.,
Sobrang yaman ah. Sa pag papagawa palang ata nito e. Aabutin na ng milyon. Sinasayang nila ang pera nila, Dapat tipid tipid lang. Di yung mayaman ka? Pwede ka nang gumastos ng gumastos! May asawa kaya si Monteverde? Mabait kaya? Sana naman oo! Kasi gagawin ko talaga lahat e. Kahit naman ganito ugali ko mas uunahin ko parin pamilya ko.
Sila priority ko. Sila ang buhay ko. Mawala lang isa sa kanila sobrang masasaktan na ko. Ngayon pa kaya't makukulong ang tatay ko? Baka mag kasakit ang nanay. Di baleng ako nalang mag hirap at masaktan. Wag lang ang pamilya ko.
Gagawin ko lahat wag lang sila masaktan. Kahit ako pa kapalit. Di ko sila pababayaan dahil utang ko ang buhay ko sa kanila. Sila lang ang susundin ko. Sila lang ang uunahin ko.
"Tapos ka na ba?" Bumukas ang pinto at pinalakad nila ako palapit sa kanila, Binalot nila ako ng isang malaking tuwalay at pinunasan nila ang ulo ko.

BINABASA MO ANG
Kade's Slave
RomanceI'm Sham not Nine. S-H-A-M. Pang Nine sa pag kakapatid. Yes. And ako lang naman ang bunso. Di kami mayaman, Mahirap kami. Mas mahirap pa sa daga. but one day nag kasa sakit ang kuya ko, Dahil nangangailangan kami ng pera, Nag nakaw ang tatay ko sa...