Kabanata 7

2.3K 46 0
                                        

Katulong ba ko dito o ano? Psh! Sobrang naiip ako.Sa buong dalawang linggo. Wala akong ginawa! Kung mag uutos sya, Kape lang sa maga. Tapos sabay pa kami kakain sa kwarto nya. Di man, Gagawan ko sya ng meryenda yun lang! Wala ng iba? Psh.


Tapos? Isang linggo nalang daw pasukan na nila. Psh. 2nd year college na? Eh ako? 1st year palang. Kaso di nga pala ako mag aaral. Malapit na pay day ko. Yeheyyyy! Ipapadala ko samin yun para naman may pag kain sila tatay. Di pwedeng wala. Lalo na si Eight.


"Ano iniisip mo at nakangiti ka?" napatingin ako kay Kade na kunot ang noo.


"Iniisip ko lang sweldo ko, Ipapadala ko kay kela tatay. "Sabay ngiti ko. "Pwede na pag aralin ang iba kong kapatid. Kaya naman nila mag tipid e" Dugtong ko pa.


"Diba pinalayas ka na? Bakit papadalan mo pa. "


"Hindi. Ganun lang si tatay. Pero ang totoo ayaw nya nun. Pero alam ko naman na mahal ako nun." sagot ko pa. "Kailan ka bibili ng gamit mo sa school mo. Diba mag aaral ka? Gusto mo samahan kitang bumili ng pang school mo?" suggest ko. Eh wala naman kasi akong magawa e. Sobrang bored ako e.


"Sige. Mag bihis ka na" nagulat ako dahil dun.


Hindi ko aakalain na mapapayag ko sya ng ganun lang. "Ano na?" he asked. "Tayo na jan" Napanguso ako at tumayo. 


Naalala ko tuloy yung pagiging cold ko sa kanya nun, Inis na inis sya ako naman di ko yun napapansin. Yung araw na dapat gagawin ko talaga ang dapat kong gagawin pero sya di nya pinagawa. Parang baliw lang e. Kumuha pa ng Personal Slave tapos hindi rin pala uutusan Psh.


"Ano bang problema mo?" He asked. 


"Po? Wala naman po" Magalang na magalang kong sabi. 


Inisip ko kasi na dapat talagang gumalang sa amo. Puro kasi pambabara ginagawa ko at baka mainis sya tatanggalan nya ko ng trabaho. Kaya inisip kong mag pakabait.


"Kahapon ka pa ah. Bakit ba po ka ng po?" inis na sabi nya.


"Ho? Diba po dapat akong gumalang sa amo ko?" Nandito kami ngayon sa opisina nya at kaharap nya ang laptop nya. Iniisip ko tuloy na baka nag f-facebook lang sya. Ako din may facebook. Gusto kong mag pa add kaso nahihiya ako Hehehehe.


"About ba to sa parents ko na tinanong mo kung nasan sila?" 


"Di po" mabilis kong sagot.


"Liar" 


Di naman talaga e. Ano naman kaya kung di nya sakin sabihin kung nasan ang Mama at papa nya. Psh! Ang bait ko na nga e. Pag tutulong ako sa Kitchen pinapaalis ako ng lahat. Baka sya din paalisin ako pag binara ko sya.


"Fine. Ang mommy ko at daddy ko ay asa London for Business. Nag tra trabaho sila and once a year lang sila umuwi dito. Kahit naman di sila umuwi wala akong pakielam Mas okay na mag isa nalang ako" nagulat ako sa sinabi nya. "Lahat naman iniiwan ako. Pati babaeng mahal ko. Iniwan ako dahil binigyan lang sya ng pera!" 

Kade's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon