"Tulungan ko na kayo" lumapit ako kay manang at ako ang nag hugas ng plato. Lahat sila di ako kinakausap maliban lang kela ashley at sa mag kapatid. Ilap sila sakin kaya naman pag tutulong ako wala silang pakielam.
"Where's Sham?" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Kade na kunot noo habang papalapit sakin. "Sino nag sabing pwede mong gawin yan?"
"Ako" malamig na sabi ko. Tumalikod ako at pinag tuloy ko ang pag huhugas. Nang natapos ako, Gulat akong nakita syang nakaupo habang may tubig sa harapan nya. Lumabas na ko ng kusina at nakita ko si M1 na may hawak ng walis.
"Ako na m1" sabay kuha ko ng walis.
"Huh? Ako na. Madal----"
"Hindi ako na. "
"May pasok tayo? Bat di ka pa gumagayak?" hindi ako nag salita. Bangkus ay nag walis ako. Wala naman akong magagawa e. Hawak nya ko sa leeg. Yung utang ko, Di ko pa nababayaran.
"Diba di na ko papaso---"
"Fuck! Maligo ka. May pasok tayo!" galit na sabi nya at tinalikuran ako.
"Sige na Sham, Maligo ka na" wala na kong nagawa kundi umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ko. Pumasok ako dun at dumiretso sa banyo. Naligo ako at di ko mapigilan maiyak.
Pano ba to?
Pano ako iiwas kung sa simpleng sigaw nya lang napapatiklop na ko. Kailangan ko syang iwasan. Pero di ko naman magagawa kasi? Nasa iisang bubong kami. Di ako makakaiwas. Sobrang hirap dahil bawat galaw ko alam kong nakasunod sya.
Lumabas ako ng nakatapis at nagulat akong nakaupo sya sa kama ko. Napanganga sya ng nakita nya ko pero agad syang tumalikod. Napapikit ako, Bakit kasi di kumakatok e. Naka uniform na sya. Shit! "L-lalabas muna ako" Hindi ako sumagot.
Sinundan ko sya ng tingin habang papunta sa pinto. Lumabas sya dun at ako naman ay pumunta sa closet. Kinuha ko ang uniform ko dun at mabilis na sinuot yun. Huminga ako ng malalim at kinuha yung blackshoes. Nag suklay ako at nag polbo. Di na ko nag blower at nag lipgloss nalang ako. DI na ko nagulat ng makita ko syang naka hilig dun.
"Let's go" ngiting sabi nya.
Tango lang ang na isagot ko.
Ngiti palang sobra na kung mag saya ang puso ko, Sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko. Pano ako makakaiwas, Pano to? Pano kung mahulog ako? San na ko lulugar. Kailangan ko parin gawin ang lahat. Kailangan ko syang iwasan at kalimutan kahit malapit sya.
"Di ka nag blower? Basa buhok mo"
Nag lakad akong pababa at di sya pinansin. Lumabas na ko sa mansyon habang sya naman ay tinatawag ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Kade's Slave
RomanceI'm Sham not Nine. S-H-A-M. Pang Nine sa pag kakapatid. Yes. And ako lang naman ang bunso. Di kami mayaman, Mahirap kami. Mas mahirap pa sa daga. but one day nag kasa sakit ang kuya ko, Dahil nangangailangan kami ng pera, Nag nakaw ang tatay ko sa...