Kade's POV
"Ano nang yare sa kanya? Bat namutla sya ng ganyan?"
"Natagpuan po namin sya sa Cr ganyan na sya" sagot ko. Nakahiga sya sa hospital bed habang nakapikit. Karaating lang namin. Di ko maiwasan pag masdan sya.
"May sakit ba sya sa puso o ano?" Nagulat ako sa tanong nito.
"Di ko po alam" Tumango ito sakin.
"Dalin sya sa Laboratory"
Lumabas ako at ako na mismo nag hatid dito sa laboratory. Di ko maiwasan mag aalala. Nang makarating kami dun ay di na ko pinapasok. Naiwan ako sa labas at umupo nalang ako.
"Bakit ganun ang kulay nya. Muka na syang di makahinga" napatingin ako kay Ken.
"Di ko alam! Shit! Pag katapos nito tignan nyo ang cctv sa gawing Cr sa Gym. Malaman ko lang" Di ko maiwasan magalit dahil dun. Kung ako nga di ko sinasaktan si Sham sila pa kaya? Di ko hahayaan masaktan nila si Sham dahil ako makakalaban nila.
Dalawang oras na ay di parin lumalabas ang doctor, Nakita ko naman si Kai na mukang nag aalala. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ayoko syang pag bintangan. Nag aalala na ko. Di ko na alam kung ano nang yayare sa loob.
Npatayo ako ng lumabas ang doctor at ngumiti.
"SHe's okay now don't worry. Next time wag nyo syang dadalin sa masisikip na lugar ah. O kahit saan na di sya makakahinga ng mabuti. May hika sya" Napatingin ako sa pinto at nilabas na si Sham. "Pero di naman malala kaya okay lang, Pero kailangan nyo mag ingat dahil baka lumala yan. Wag pang kampante pero kailangan nyo mag doble ingat" Tumango nalang ako.
"Eto ang mga kailangan nyang inumin" Binigyan ako ng isang papel. "Bili mo na din sya inhaler incase" Tango lang ako ng tango.
Umalis na ang doctor sa harapan ko at sumunod ako sa babaeng nag tutulak ng hospital bed kung san nakahiga si Sham. Tinapik ni Ken ang balikat ko.
"Huminga ka na" natawa nalang ako ng mahina.
Ganun ba ko nag aalala sa kanya at kinalimutan kong huminga? Pumunta na kami sa room nya at umupo ako sa tabi nya. Inayos ayos ko ang buhok nya habang natutulog sya.Kulang isang buwan palang kami mag kakilala pero feel ko mag kakilala na kaming lubusan. Yung mapupulang labi nya yung singkit na mata nya, Yung ilong nya. Napaka ganda nyang dalaga.
Sham's POV
Unti unti kong dinilat ang mata ko, May naramdaman ako sa kamay ko. Tinignan ko yun at nakita ko si Kade na natutulog habang hawak hawak ang kamay ko. Unti unti ako naupo at tinignan ko ang gilid ng kama ko. Meron dun mga gamot at inhaler. Saka ko naalala ang nang yare.
Di ako pwedeng umalis kasi may utang pa ko kailangan bayaran pero pangako ko, Pag nakabayad na ko, Aalis na ko. Di na ko mag papakita sa kanila. Tutal yun naman ang kailangan ko e. Ang makabayad.

BINABASA MO ANG
Kade's Slave
DragosteI'm Sham not Nine. S-H-A-M. Pang Nine sa pag kakapatid. Yes. And ako lang naman ang bunso. Di kami mayaman, Mahirap kami. Mas mahirap pa sa daga. but one day nag kasa sakit ang kuya ko, Dahil nangangailangan kami ng pera, Nag nakaw ang tatay ko sa...