Kabanata 5

2.5K 51 0
                                    

"Wowwwwwwwwwwww!" Di ko maiwasan humanga sa haba ng mesa dito sa kusina.  Dining room pero sobrang lake jusme. Yung laman naman ng mesa ay di mo maiwasan magutom. May Letchon jusme. 


Apaka yaman talaga nila. "Tatayo ka nalang ba jan?" Napatingin ako kay Kade na natatawa habang sinasabi yun. Napanguso naman ako.


Ano naman kaya problema nito eh di ko maiwasan magandahan tapos ang sasarap pa ng pag kain. Kahit isa ata dito di pa ko nakakatikim. Psh. Mayaman kasi e. Kung mayaman din kami di ako gaganito. Papakainin ko din ang kapatid ko ng mga ganito pag natapos ang kontrata ko.


Speaking of kapatid? Kumain na kaya sila? Natutulog na kaya sila. Hindi ko tuloy maiwasan mag aalala. Baka hindi pa sila kumakain, At baka wala silang pag kain kinabukasan. Yung gutom ko? Napalitan ng pag aalala. Huminga ako ng malalim at umupo nalang. 


"Di ka ba kakain?" Napatingin ako kay Kade. 


"Nawalan ako ng gana." Sabay ngiti ko.


Ano ba nang yayare sakin. Miss ko na kapatid ko? Baka di pa sila kumakain. Ayoko nun. Bukas? Dadalan ko sila Pupuslit ako ng pagkain. Ay wag nalang., Baka sabihin nila mag nanakaw ako. Pero kasi e. 


"Bakit? Kani kanina lang ang saya mo tapos?" Umiling ako at ngumiti ng malungkot.


"Bro!" napatingin ako kay Ken na mukang kakadating lang. San to galing? Kasabay ko tong pumunta dito tapos mahuhuli lang pala. Psh.


"Bat nakabusangot si Sham?"  


"Di ko alam jan. Kakain na ko" Pinanuod ko lang sya sa ginagawa nya. Habang ako iniisip ko ang kapatid ko. Pag ganito pag kain? Halos mag pyesta na sila. Tapos uubusin nila yung pag kain. DI pwedeng may matira kasi sayang nga e. Kung may matitira naman para pambukas yun.


Pag bibili ako ng pag kain di man nabubusog ang mga kapatid ko. Sobrang kapos kami. Tapos ako? Eto ngayon? May nakahanda na masarap na pag kain sa harap ko. Pero di ko magalaw. Feel ko ang unfair. 


"Ano ba? Di ka ba kakain? Pipilitin pa ba kita?" Umiling ako. Nakita ko naman na parang nag bago ang expression nya. "Bakit ba?" Sabay baba nya ng pag kain nya. "Titig ka nalang ba jan?" 


"Sorry kade. May naalala lang ako" sabay tayo ko. 


Hindi ko na sila pinansin at nag lakad. Haba ng nilakad ko hanggang sa mapunta ako sa exit. Lol. De totoo. Exit nga pramis. Yung pinasukan ko kanina. Dun ako lalabas. Syempre malay mo naman lumabas ka sa loob. Psh! Commonsense naman bes.


Lumabas ako dun at tinignan ko buong lugar. Sobrang lake nito. Sobraaaa. Sa gilid may squar na swimming pool. At sa kabilang banda naman ay garden. May upuan dun na parang ano? Basta. Alam nyo yung mga disney princess. Hehehhez. Basta yun na yun. Nakalimutan ko yung tawag e. Maganda yung garden ang daming bulak lak. 


Dun ako pumunta at umupo dun. Naka suot ako ng simpleng shirt at short lang. Tumingin ako sa langit at dun tinignan ko mabuti ang star. 

Kade's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon