Epiloque.

3.5K 66 12
                                    

Kailangan ba sa pag mamahal may pagsubok?

Kailangan ba ng ganitong pag subok?

Yung sobrang takot na takot ka na.

Pero bakit ganun?

Bakit ganito kahirap.

Hindi ba pwedeng tulad nalang ng ibang lovestory na puro away pero sila parin. Pero bakit kami ganito? Bakit ganito kahirap. Kami lang ata ang ganito e. Ang masakit ang ending. Ending na nga ba?


"Everything will be fine" Hindi ko parin mapigilan ang luha ko.

Nandito kami sa labas at nag aabang na may lumabas na doctor para sabihin na okay lang si Kade, Pero halos apat na oras na wala parin. Wala parin tigil ang luha ko. Sobrang sakit kasi ng dahil sakin naging ganito ang mahal ko. Gusto kong pumasok sa loob pero pinag babawalan ako. 

"Sshhh. Yung apo ko baka mapano dahil sa kakaiyak mo" napasandal ako sa balikat ni mommy.

"M-mommy" hinimas himas nya ang likod ko.

"Don't worry, Masamang damo ang anak ko kaya makakaligtas sya" Pinikit ko ang mata ko. 

Please, Baby. Lumaban ka. Lumaban ka para sa anak natin. Lumaban ka dahil hindi ko kayang mawala ka. Mahal na mahal kita baby. Sobrang mahal kita. Alam kong hindi mo kami iiwan. Alam kong kaya mo yan.

"Sino po kamag anak ng pasyente" napatayo ako dahil dun. 

"Asawa nya po ako" mapait akong ngumiti.

Asawa? Ni hindi pa nga nag pro prose asawa agad. Tumingin sya sa daliri ko pero nilag pasan nya lang ako. Huminga ako ng malalim at sumunod nalang at si Mommy at kinausap nya.

"Kailangan nya po ng dugo. Natanggal na po namin ang bala malapit sa puso nya" nakahinga ako ng maluwag.

"Sige oh, Pwede po ako" Tumango ang doctor. 

Ako nalang natira dito kaya naupo nalang ako, He's fine. Okay lang sya. Napangiti ako ng mapait. Nang dahil sakin kaya sya nandito ako dapat sisihin. Wala na kong ibang dala kundi kapahamakan. Ang daming napapahamak dahil sakin. 

"Ma'am" napatingin ako sa nurse na nakangiti. 

"Ma'am, Pinapatawag oh kayo ni Mrs. Monteverde asa loob po sya" Tumango ako kaya mabilis akong pumunta dun. Kahit may dugo pa ko sa damit ay di ko ininda yun.

Sa pag pasok ko ay nakita ko si Kade na nakapikit at ay mga nasaksak sa kanya. Lumapit agad ako dito at hinalikan ko to.

"He's okay now, Sham. Mag pahinga ka at mag palit" Umiling ako.

"Ako po mag babantay sa kanya" sagot ko.

"No, Kailangan mong mag pahinga, Kanina ka pa umiiyak. Ako muna mag babantay tapos bukas ikaw na. Mag pahinga ka lang. Puro ka pa diugo" Wala na kong nagawa kaya sinunonod ko.

Isang linggo, Isang linggo na sya nakaratay dito sa hospital at di pa nagigising. Hindi naman sya coma pero bakit ang tagal nyang magising. Lumapit ako at tumabi sa kanya sa pag higa. Malaki ang kama at sabi ni mommy pag daw inaantok ako at dun na ko matulog, Asa private room kami. May ref dito at mga prutas. DInadalan ako nila nanay ng pag kain. Halos dito na nak nakatira for week.

"Kade" Mahinang sabi ko. "Gumising ka na" Nilapit ko ang katawan ko sa kanya. Hinawakan ko ang pisnge nya pababa sa labi nya na sobrang pula. Tumaas ako ng konti at hinalikan ko yun. Napahawak ako sa tiyan ko.

"Baby, Malapit na magising si daddy. Wait mo lang ah" ngumiti ako ng malungkot.

Another week ay di parin sya nagigising, Nag pacheck up na ko at 6 weeks na ang tiyan ko. "Nak, Uwi ka muna" umiling ako kay nanay.

Kade's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon