2nd day
"HOY MAID!"
Narinig ko nanaman ang malakas na tawanan nila. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko ay nag sulat nalang.Wala yung prof namin. Di naman alam kung nasan. Pero pinapasok parin kami dito. SImula palang ang klase absent na?Tapos pag bumaba ang grades namin rereklamo ko yan. Char. Joke lang.
"Maid, Sulat mo nga ako" Napapikit ako sa tumama sa muka ko.
Isang notebook at ballpen. Kinuha ko yun at nilagay sa gilid ng desk ko. Uunahin ko muna ang akin kesa sa kanila. Huminga ako ng malalim at nag sulat naang ulit.
"Maid, Bili mo kong pag kain sa caf, Nagugutom ako"
Pansin ko lang, Mula kahapon. Puro sya nalang ang nambubully sakin. Huminga ako ng malalim. "Hindi ka ba haharap dito maid?" Tumingin ako sa kanila.
Tinaasan nya ko ng kilay at ngumisi. "Bili mo kong pag kain sa caf." mabilis na sabi nya.
"Bawal lumabas" sagot ko.
"Aba! Sino susundin mo, A----"
"Bakit? Sino ba dapat sundin nya?" Napatingin ako sa pinto at nakita ko si KC dun habang may dalang libro. Natahimik naman si Aya, yes. She's Aya, rich and bitch. Kaya naman madaming takot din sa kanya. At sya din pasimuno sa lahat ng pambubully sakin. At ang malala, Blockmate ko sya sa lahat ng subject. Same course.Interior designer din.
"Ano bang problema mo aya?" seryosong tanong ni Kc dito.
"Ano bang pakielam mo kc? Mag susumbong ka din ba?" sabay irap na to.
"Oo. Pag nag sumbong ako dahil inaapit mo ang alaga ni kuya Kade, Bosghhh. Bababa ka" Muka naman natakot si Aya dahil dun. Sinundan ko sya ng tingin habang papunta sa harap. Pero huminto sya sa gilid ko at may kinuha sa tabi ng notebook ko. Yung notebook ni Aya.
Tinignan nya at biglang binato kay aya. Nagulat ako dahil dun. "Yung tuhod mo daw sabi ni Kuya Kade, Pahiran mo ng gamot para daw di mag peklat"
"Sige" yun lang na naisagot ko at lumabas na to.
"BUSET NA KC NA YUN" Nagulat ako sa pag sigaw ni Aya."Porket pinsan si Kade ang lakas na ng loob!" galit na dugtong nya pa. "HOY MAID! WAG KANG MAG SUSUMBONG KUNDI PATAY KA SAKIN LALO" Yumuko nalang ako.
Wala naman ako magagawa e. Huminga ako ng malalim at nag patuloy nalang. Wala na kong narinig sa kanila. Naka hinga naman ako ng maluwag dahil dun. Sobrang hirap kasi ng bully hin ka lang sa school. Tapos wala kang magawa dahil mahirap ka lang. Okay sana kung public to e. Pero hindi e. Isa to sa pinaka sikat na university sa pilipinas.
Natapos na ang oras namin sa subject pero walang prof na dumating. Lumabas na ko at di ko na sila hinintay makaalis pa. Pero sa pag labas ko ay nakita ko si Pat na may dalang bulak lak. Lumapit sya sakin at inabot yun.

BINABASA MO ANG
Kade's Slave
RomansaI'm Sham not Nine. S-H-A-M. Pang Nine sa pag kakapatid. Yes. And ako lang naman ang bunso. Di kami mayaman, Mahirap kami. Mas mahirap pa sa daga. but one day nag kasa sakit ang kuya ko, Dahil nangangailangan kami ng pera, Nag nakaw ang tatay ko sa...