"Di ka na daw kasali dahil inalis ka ng mismong boyfriend mo"
bagsak balikat ako ng umalis sa pool area, Gusto ko talaga sumali pero di pwede. Kinapa ko ang inhaler sa bulsa ko at napapikit ako. Minsan lang ako atakihin bat ganito pa? Hika lang naman to ah. Bat ganito?
Wala ako nito ang alam ko? Pero bakit ako nag karoon? Bat ang hirap hirap na di mo magawa ang gusto mo dahil sa sakit na to. Napangiti nalang ako ng mapait. Napahinto ako sa harap ng gym at di ko alam kung papasok ba ko o hindi.
"Hey san ka pupunta?" nagulat ako kay Bryan na nasa tabi ko pala. "DI ka ba mag pra practice?" he asked.
"Wala na ko sa team" mabilis na sagot ko.
"H-huh? Why?"
Umiling nalang ako at umalis dun. DI ako papasok sa gym dahil di pa kami ayos ni Kade, Bat ang hirap makipag ayos sa kanya? Bat ang hirap nyang suyuin? Dahil ba alam nya na mahal na mahal ko sya at di ak susuko? Ganun ba yun?
Bat ang hirap hirap na ikaw lang ang nag mamahal.
Dumidilim na ang langit pero di parin ako lumubay sa pag lalakad. Pag mahal ka ba dapat kampante ka? Na dapat wala ka ng gawin kasi alam mo sa kanya ka lang. Bat ganun sya? Kailan nya ba ko mamahalin. Kailan nya ba ko matutunan mahalin at pahalagahan.
Pag ba nawala ako saka nya makikita ang halaga ko? Pero kailan? Naiinip na ko pero ayokong tumigil. Natatakot ako natatakot ako kasi sa pag dating nya wala na, Wala na kong puwang. Wala na ko At baka mawala nalang ako bigla sa sobrang sakit at hirap. Pero ginusto ko to e. Ginusto ko to. Gagawin ko lahat para di ako mapunta sa ganun posisyon. Mamahalin ko sya, Mamahalin ko sya ng sobra sobra at gagawin ko lahat mahalin nya din ako.
Naramdaman ko ng unting unting pumapatak ang tubig ulan, Sumabay na din ang luha ko. Kailangan ko syang suyuin, DI pwedeng ganito kami. Di pwedeng nag aaway kami. Sya lang, Sya lang mamahalin ko una at huli.
Biglang lumakas ang ulan at ngumiti ako, Tinaas ko ang muka ko. Sobrang nakakamiss nung bata ako, Na walang problema na basta nakangiti at nakakain kami ng tatlo sa isang araw, Wala na kaming problema, Yung tatawa ka na walang sakit, Yung tatawa ka ng totoo . Yung wala kang iniisip na iba.
"SHAM!" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Kade At napansin ko naman si Bryan sa tabi ko habang basa din ng ulan.
"B-bakit ka nandito?" tanong ko kay Bryan.
"May problema ka ata? Sinundan kita" Umiling iling ako.
Mabilis akong tumakbo papunta kay Kade pero galit ang mata nito. Hahawakan ko sana ang kamay pero bigla nyang kinabig ang kamay ko, Nakaramdam ako ng sakit pero ngumiti ako.
"Bakit nag babasa ka sa ulan?" sinubukan kong buuin ang boses ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/90690136-288-k947728.jpg)
BINABASA MO ANG
Kade's Slave
RomantizmI'm Sham not Nine. S-H-A-M. Pang Nine sa pag kakapatid. Yes. And ako lang naman ang bunso. Di kami mayaman, Mahirap kami. Mas mahirap pa sa daga. but one day nag kasa sakit ang kuya ko, Dahil nangangailangan kami ng pera, Nag nakaw ang tatay ko sa...