Kabanata 12

2.1K 42 0
                                        

"Ikaw ba Sham nag ka boyfriend ka na?" Napatingin ako kay Ken dahil sa tanong nya.


"Di pa e" mabilis na sagot ko at binalik ko ang sarili ko pag aayos ng gamit ko.


Nandito kami ngayon sa mansyon ni Kade, Hindi kami nag si pasok kasi kalalabas ko lang ng hospital. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ni Kade at inaayos ko gamit nya. Si Kai naman tahimik lang habang nakaupo at nakaharap sa laptop. Mag pinsan nga sila kasi pareho silang naka harap sa laptop


"Bakit hindi pa?" tanong pa nito sakin.


"Priority ko pamilya ko. Saka bata pa naman ako para sa love na yan e. At yung gusto ko? Kung sino ang firstboyfriend ko sya din ang last ko" sabay ngiti ko.


"So ang hanap mo. Yung love na pang habang buhay na?" Tumango ako.


"Pero wala pa ko sa right age for that love. Kailangan ko muna mag tapos." 


Nilagay ko lahat ng tinupi kong damit sa close ni Kade. Inayos ayos ko ang mga sapatos nya at mga ibang damit nya. Pumunta ako sa kama nya at tinupi ang mga kumot nya.


"Pasok tayo?" AYa ko sa kanila. 


"Huh? " Napatingin ako kay kade.


"Pasok tayo. Ngayon muna ko i tour" sabay ngiti ko sa kanya. 


"Sige. Mag ayos ka na." Lumabas agad ako ng kwato nya at nakita ko sila m1 and m2 na mukang kanina pa nag aabang sakin.


"Waaaaaaaaaaaaaaaaaah! Kakainis hindi kita makausap kasi nanjan si Miss Kai" sabay pout nila.


"Bakit?" Niyakap ko silang dalawa.


"Takot kami kay Miss Kai e. Kaya ayun." Napatango ako. 


"Pranka sya tapos ang bilis nyang mag salita. Mataray sya kaya ayun" napasibangot naman si M2 dahil dun.


"Yes. Pranka sya, Mejo bitch pero mabait sya. Sinasabi nya lang ang nasa isip nya dahil totoong tao sya. Di baleng pranka wag lang plastik. Okay lang na ganun sya. Pero wag kayong matakot sa kanya. AKo nga ilang beses na nya ko sinusungitan e. Pero okay lang naman sakin e. Totoo sya sa sarili nya at hindi nya kailangan baguhin ang sarili nya para lang sa ibang tao"


Yun ang nakikita ko sa kanya, Alam kong malabo kami maging mag kaibigan. Pero atleast alam ko sa sarili ko na totoo sya. Maganda sya at hindi sya marunong mag tago ng nararamdaman. Pag ayaw nya? Ayaw nya. Pag galit sya. Galit sya.


"Aalis kami. Mag bibihis lang ako. Kita nalang tayo mamaya ah"Tumango sila sakin at hinalikan ang pisnge ko.


Pumasok naman ako sa kwarto ko at dumiretso sa CR. 


Kade's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon