Kabanata 26

1.8K 44 1
                                    

Dumating na ang araw na intrams, Ako walang sinalihan dahil sinabi ni Kade, Kahit san ako mag punta ay ayaw nila akong ibali dahil utos nito, Today is monday,  Wala na kaming pansinan ni Kade simula nung nasa hospital ako, Di nya ko dinalaw, Si Kai lang ang nag bantay sakin at nag pakain. 


"Anong oras ba laban mo?" Tanong ni Kai kay Ken.


Kahit si Kade di na sumasama samin, Iniiwasan nya talaga ako.  Kahit sa bahay ay di sya lumabas, Di din sya nag papakita sakin, Di nya ko sinasabay di nya ko sinusundo. Bumalik na talaga sya, Bumalk na din ang mahal nya, Wala na kong puwang. Wala na. 


"Oyy, Ano? Manonood ka ba ng laban nila?" tanong ni Kai sakin.


"O-oo, M-manonood ako" Nauutal na sabi ko at nag buntong hininga sya. 


"Mamaya pag katapos ng laro namin? Laro na nila. Kalaban ang ibang University" Tumango ako at ngumiti ng malungkot. 


Si Pat, Si Pat at bryan iniiwasan ko sila. Wala akong kinakausap.  Ang hirap hirap. Gabi gabi na kong umiiyak dahil dun, Gabi gabi na kong di lumalabas, Dito ako kumakain at di na ko lumalabas ng bahay. Wala din naman ako makakausap. Sa tuwing kakausapin ko sya lagi syang tumatalikod sakin at ending ako nalang din ang aalis.


"Tara na" Tumayo na ko at sinuot ko ang bag ko, Di naman kami naka uniform ngayon dahil Intrams, Kahit ano pwede dito. Pinusod ko ng one side ang buhok ko at nag simula na mag lakad papuntang Gym. 


Nag iwas ako ng tingin ng nakita ko na makakasalubong ko si Kade, Pumunta ako sa gilid ni Kai at di ko sya sinulyapan kahit isang beses. Kung gusto nya kong iwasan , Gagawin ko. Yun ang gusto nya? Gagawin ko. Lahat ng gusto nya gagawin ko kahit masaktan ako, Kahit ikamatay ko pa. Basta magiging masaya lang sya. 


Nang malag pasan na ay saka ako nakahinga ng maluwag, Gusto ko syang sulyapan pero di ko magawa, Binilisan ko nalang ang lakad ko at pinunasan agad ang luha kumawala sa mata ko. Nguimiti ako kahit pilit. 


Nang makarating ako sa gym ay nag paiwan ako sa Bleacher, Si Kai naman ay pumunta sa locker nila para mag palit na. Inikot ko ang mata ko at may iba't ibang estudyante rito na galing sa ibang university.   


Lahat sila nag hahanda at may mga banner din na East University.  Syempre di din mawawalan ang amin at nag sisigawan din. Gusto ko din makisigaw pero wala ako sa mood, Saka na pag lumabas si Kai, Sisigaw ako kay mapaos ako.


Nang lumabas na ang team namin ay umayos na sila, Ganun din ang kabila kaya naman tumayo ako, Tinignan ko ang bestfriend ko habang nag pupusod at pumwesto sa pwesto nya, 


Sumigaw ako na nag simula na ang laban, Seryoso ang muka ni Kai habang pinapalo nya ang bola.


Unang puntos ay sakanila, Puro ganun ang nang yare, Pero sa unang laban ay lumang sila, Pumasok na sila sa Set B at nag palit ng pwesto. Halos mapaos ako sa kakatili dito para suportahan ang bestfriend ko, Nahagip ng mata ko si Kade na nakatingin sakin pero hindi ko to binalikan ng sulyap.  

Kade's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon