Hawak hawak ko ang bag ni Kade habang nakaupo sa bleacher, Parami ng parami ang tao sa loob ng Gym. Firstday palang naman e. Saka pwede naman mamaya na hanapin ang mga room. Then sa monday na ang sure na pasukan bali yun ang simula talaga. Excited naman ako e. Saka sabay kaming papasok sa maga, At pati na din sa pag uwi. Kung di man? Kailangan ko na din kabisaduhin at matutong mag commute. Malayo layo pa naman to.
"HELLO" Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko.
'Bawal kang makipag kaibigan' Napasimangot ako. Bakit kasi bawal e.
"Pwedeng makipag kaibigan?" the one girl asked.
"Sabi ni kade bawal daw" Yun ang totoo, Kahit gustong gusto ko ay di parin pwede. Hays! Marami bang masasamang tao dito kaya di ako pwedeng makipag kaibigan?
"Ba't di pwede? Anong year ka na ba?" tanong pa nya.
"1st year po"Sagot ko.
"Hays. Bakit di ka pwedeng maging kaibigan?" she asked again.
"I don't know. Wag daw sya lang daw dapat kaibigan ko" ngumiti ako ng tipid at lumayo sila sakin. Nang hihinayang ako sa mga taong gusto akong maging kaibigan.
Maya maya may lumapit nanaman sakin at tumabi. Naka busangot to habang nakatingin sa court. Tumingin din ako sa court at nakita ko naman na patakbo na si Kade papunta sa gitna. Tumingin pa to sakin at ngumiti pero bigla tong kumunot ang noo.
Nag hiwalay na ang tig Five na tao at nag apir muna. Pumunta sa gitna si Kade ay may isang lalake din pumunta sa gitan. May lalakeng may hawak na bola at hinagis to.
Natapal yung ni Kade at nag sipuntahan ang mga kasama nya sa kabilang gilid. Nakuha ni Kade ang bola at lumayo muna sa gitna. Pinasa nya kay Ken ang bola at tumakbo sa gilid. Nag shoot si Ken at naka puntos agad sila.
Tumakbo na sila sa kabila at di muna ako mag cheer.
"Hey!" Napatingin ako sa katabi ko at nakataas ang kilay. "Why are you here? Diba pag uupo lang sa bleacher kailangan may kakilala sa mag lalaro? Sino ba kakilala mo sa kanila" Malditang sabi nya.
"Kade" Mahinang sagot ko. Kasi natatakot ako sa kanya, Ang ganda ganda ng muka nya kahit may bangs sya. Inirapan nya naman ako at ginalaw nya ang paa nya na parang nag dadabog.,
"I hate you KEN"Sigaw nya pero parang walang pake ang mga estudyante dito sa kanya.
"Kilala mo si Ken?" tanong ko agad.
"Yeah. And you? Mukang kilala mo ah. He's my suitor. Nakakainis sya!" napanguso naman ako agad kasi talaga inis na inis na sya. "I hate him so much!" Di na ko nag salita.
Nakita ko naman si Patrick na hawak ang bola at free si Ken kaya kay Ken nya pinasa yun at pinasa naman ni ken kay Kade ang Bola.

BINABASA MO ANG
Kade's Slave
RomanceI'm Sham not Nine. S-H-A-M. Pang Nine sa pag kakapatid. Yes. And ako lang naman ang bunso. Di kami mayaman, Mahirap kami. Mas mahirap pa sa daga. but one day nag kasa sakit ang kuya ko, Dahil nangangailangan kami ng pera, Nag nakaw ang tatay ko sa...