"San ka galing?" Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin at umiyak ng umiyak. "Uyy, Ano ba nang yayare?" Humiwalay sya sakin at ngumiti.
"Tapos na kami. Tapos na lahat" ngumiti sya pero tuloy tuloy parin ang luha nya. Pumasok sya sa kwarto at sumunod naman ako.
Hinang hina syang dumapa sa kama, Umupo ako sa tabi nya at basa ang likod nya. "Ang hirap" rinig kong bulong nya.
"Malalagpasan mo din yan. Tulad ng akin" sagot ko sa kanya.
"I hope. Di na ko mag mamahal" napailing ako.
"Wag kang mag salita ng tapos" Umupo ako sa tabi nya. "Mag mamahal at mag mamahal ka parin" dugtong ko pa. "Siguro nga nasaktan ka pero wag mo naman itulad ang ibang lalake sa taong nanakit sayo" Dinilat nya ang mata nya.
"Ikaw ba? Nung nasaktan ka ni Kade? Ano naramdaman mo" Ngumiti ako ng mapait.
"Sobrang sakit nun. Yng tipong gusto mong lumayo sa kanya kasi, Habang nakikita mo sya? Lalong sumasakit, At sumisikip. Gusto mong pumunta sa lugar na malayo sa kanya" i smiled. "Gusto mo sya agad kalimutan, Gusto mo agad na mawala ang sakit. Pero minsan naiisip kong mag pakamatay pero na realize ko na di lang sya yung nag mamahal sakin. At hindi ko hahayaan na masaktan ulit ako"
"Ako ba? Kailan ko sya makakalimutan?" Ngumiti ako sa kanya. Umupo sya at sinandal nya ang ulo nya sakin.
"Walang nakakaalam kung kailan mo sya makakalimutan. Pero ang masasabi ko lang Kai, Pakawalan lahat ng sakit sa dibdib mo na makalimutan mo sya" huminga ako ng malalim ng maalala ko lahat. "Kailangan mo din mag matutong mag patawad."
"Hindi ko ata kaya"
"Edi di ka makakamove on" natawa naman sya.
Nag pasyahan namin na umuwi nalang, Tinawagan ko si Kyle para sabihin na uuwi na kami sinabi naman nya na sige. Kaya eto kami ngayon nag aabang ng trysikel. Sumakay kami dun at nag pahatid na sa bahay.
Pag dating namin dun ay alas kwatro na.
"Bukas water falls tayo" Aya ko sa kanya.
"Game"
Kinabukasan ay maaga kaming nagising para mag handa ng pag kain naming dalawa sa water falls, alam naman namin maraming tao dun dahil simula na ang summer. Kaya naman marami din kaming dinala at tiga isang tuwalya, May dala kaming basket kung san nakalagay ang mga pag kain namin. At meron pa kaming dalawang dalawang bag at isang malaking kumot at sya ang magiging upuan namin mamaya at dun kami uupo sa malamig.
Alas dyis ay nasa labas kami ng bahay para hintayin ang sundo namin, Nakita ko ang van ni Kyle kaya naman hinawakan na namin ang dala namin. Nag tataka ako bakit Van? Pero di nalang ako nag tanong.
"Kylee" masayang sabi ko at hinalikan ko sya sa pisnge. Gumanti naman sya ng halik sa noo ko pati si Kai ay hinalikan nya na rin.
Pero sa pag bukas namin ng Van ay nakita namin ang dalawa na nakaupo. Nawala ang ngiti ko dahil dun.
"Tabi muna Sham" Umalis ako dun at pinasok nya ang pag kain namin ni Kai. Si Kai naman ay biglang umupo sa tabi ng Driver di ko naman maiwasan mag aalala dahil dun. Pumunta ako sa likod at sumunod si Kyle.
Binigay sakin ni Kyle ang isang headset at pinasak sa tenga ko. Di naman malayo ang water falls pero aabutin ng tatlumpung minuto ang byahe. Iniiwasan ko mapasulyap sa kanila pero nadaan ang mata ko sa salamin sa harap at nag tagpo ang mata namin.
Shit!
Pinikit ko ang mata ko, Naramdaman ko ang kamay ni Kyle sa balikat ko at nilagay nya ang ulo ko sa leeg nya. Nakinig lang ako sa kanta. Kinuha ko ang cellphone ko at nag laro ng 4 pics 1 word.

BINABASA MO ANG
Kade's Slave
RomansaI'm Sham not Nine. S-H-A-M. Pang Nine sa pag kakapatid. Yes. And ako lang naman ang bunso. Di kami mayaman, Mahirap kami. Mas mahirap pa sa daga. but one day nag kasa sakit ang kuya ko, Dahil nangangailangan kami ng pera, Nag nakaw ang tatay ko sa...