Kai's Pov
Nagising ako dahil sa gutom, Umupo ako sa kama ko at nag simula nanaman pumatak ang mga luha ko. Shit! Bakit di parin, Bakit di parin humuhupa ang sakit? Sobrang sakit. Bat ganito? Yung tipong gusto ko ng mamatay.
Napatingin ako sa katabi ko, Nakita kong natutulog si Sham habang nakanganga. Napangiti nalang ako ng mapait. Nung sya ang nakakaramdam ng ganito? Nakaya nya. At alam kong kakayanin ko din. Pero ang masakit kasi? Bakit nya ko niloko. Halos ibigay ko na ang lahat sa kanya pero pinili nya parin akong lokohin.
"Omgggg! Yaya" mabilis na pumunta si yaya sa kusina.
"Oh bakit?" Pinakita ko sa kanya ang bake kong cake at may nakalagay ng Happy 3 anniversary. Yes, Nag bake ako ng cake.
"Oh ang ganda naman ah. Designan mo na" Tumango ako kay yaya.
For a 6 months nag paturo ako mag bake and now? Eto na. Marunong na ko. At gusto ko? Si Ken ang unang makatikim na to. Dahil sya ang lalakeng pinaka mamahal ko. Gusto ko sya ang makaunang tumikim. And balak ko sanay ibigay Virginity ko ngayon hehehe. Wala naman masama e. Natiis nya ko ng tatlong taon na walang ganun. Kaya alam kong sya na ang last ko. First and Last sya lang ang mamahalin kong habang buhay.
"Anong oras na ba?"
"6AM po. Sure na tulog pa yun kaya i-susuprise ko sya" masayang sabi ko ng natapos kong designan ang cake.
Happy 3rd Anniversay Babe, ♥ KK.
Huminga ako ng malalim at kinahon to. Mabilis ako naligo at nag palit. Kinuha ko na yung cake ko at nag pahatid ako sa driver namin papuntang condo nya. Kung nandito si Sham, Sobrang supportive sakin nun. Yung halos mag titili. Pero wala e. Nag laho nalang sya ng parang bula. Bigla ko naman sya Tinext. Di ako nag papalit ng number in case.
'Sham, Anniversary namin ni Ken'
Sent.
Nang makarating kami sa condo ay pumasok na ko sa elevator, Kilala ako ng iba dito dahil araw araw ako kela Ken kahit may pasok ako. Pero nag aaral naman ako ng mabuti e. Tinext ko sya at binati pero wala syang reply sakin. Iniisip ko tuloy na ginawan nya nanaman ako ng suprise. Dalawa anniversary naman na puro suprise. Sobrang effort nya. Alam ko naman na di nya ko lolokohin e.
Sa pag bukas ng elevator sa floor nya ay bigla nalang ako kinabahan. Di ko alam pero parang may masamang mang yayare na parang may humihila sakin na wag ng pumunta. Napailing ako at hinawakan ang ulo ko.
Nilagay ko na ang password at agad pumasok sa loob ng condo. Pumunta ako ng kusina at nilagay ang cake dun. Naupo pa ko. Para akong nahihilo. Tumayo ako at pumunta sa ref. Uminom ako ng tubig at huminga ng maayos.
Dumiretso na ko papunta sa kwarto nya at masayang binuksan.
Pero nawala ang ngiti ko,
Nang una unahan na ang luha ko sa pag tulo at nakakaramdam na ko pang hihina. Napakapit ako sa pinto at napahawak ako sa dibdib ko. Bakit? Bakit ganito. Masaya naman kami sa isa't isa ah. Ba't ganito. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko para di ako makalikha ng hikbi pero mali e. Lumabas ang hikbi ko at kinagising nila. Gusto ko umupo at umiyak ng umiyak. Pero hindi e. Tinatagan ko ang loob ko.
"L-let me explain" Tinignan ko ang babaeng nasa kama nya. Isang babaeng nakangisi. Sya yung babaeng patay na patay sa boyfriend ko. Napailing ako.
"K-kai, I-i'm sorry" Nakatakip sya ng kumot at tinignan ko lang silang dalawa.
"Alam mo bang kung anong araw ngayon?" matapang na sabi ko. Hinanap nya ang cellphone nya at tinignan yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/90690136-288-k947728.jpg)
BINABASA MO ANG
Kade's Slave
RomanceI'm Sham not Nine. S-H-A-M. Pang Nine sa pag kakapatid. Yes. And ako lang naman ang bunso. Di kami mayaman, Mahirap kami. Mas mahirap pa sa daga. but one day nag kasa sakit ang kuya ko, Dahil nangangailangan kami ng pera, Nag nakaw ang tatay ko sa...