"Cancel my meetings, move it next week. I have an important thing to do this week. Vacant everything, Carl." Niyakap ko siya mula sa likuran. I tiptoed to kiss his nape while he is talking to his secretary. Napatigil siya sa ginagawa ko. "Yes. I'll be having my vacation leave for a week. Bye." Ibinaba na niya ang phone niya at hinarap ako. I smiled contentedly. He sighed as he looked me intently.
"Goodmorning." Nakangiti kong bati sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo bilang tugon. Nagtagal ang labi niya doon.
"Morning. How's your sleep?" He asked seriously. Imiangat ko ang mukha ko para makita siya ulit.
"Better when you're beside me." I smiled again. Tumango lamang siya bago ako niyakap na lang. He sighed again as he brushed my hair.
Alam kong may nag iba sa paraan ng pakikitungo niya pero pinili ko na lang iyon balewalain. Pagkatapos niyang maayos lahat ng gamit na dadalhin namin ay inaya niya ako sa rooftop. Napatingin ako sa kalangitan noong marinig ang ingay mula doon. Napaayos ako ng buhok noong tangayin iyon ng hangin galing sa isang helicopter.
"Dyan tayo sasakay?" Manghang tanong ko. He looked down at me.
"Yeah." Simpleng sagot niya lang bago muling tumingin sa helicopter. Tuluyang bumaba iyon at lumabas ang isang lalake. Lumapit ito sa amin at kinamayan si Louie.
"Goodmorning. You're ready?" Nakangiting tanong niya sa amin.
"Yes. By the way, Quiro, this is Chantal. Chantal, he's captain Quiro. He'll be our pilot." Pagpapakilala niya sa amin. Captain Quiro smiled at me and offered his hand which I gladly took. Napatingin ako kay Louie pagkatapos at nakitang kunot noo siyang nakatingin sa kamay naming magkahawak ni Quiro. Nag iwas siya ng tingin pagkatapos. Sumakay kami sa helicopter. Si Louie na mismo ang nagkabit sa akin ng seatbelt at headset.
"Ready?" Tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Charlie....."May mga pinagsasabi pa si Quiro na hindi ko maintindihan bago umangat ang helicopter.
"You can sleep if you want. It'll take us an hour before we reach Isla Diana." Pagpapaalala niya sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya sabay lagay ng ulo ko sa balikat niya. Hinalikan niya ako sa buhok bago muling napabuntunghininga. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip kung bakit panay ang buntunghininga niya. Pagod ba siya o napipilitan na lang siyang sumama? Sa sobrang pag iisip ko ay tuluyan nga akong nakatulog.
Nagising lang ako noong may tumapik na sa akin.
"Chantal, wake up. We're here." Malamig na saad niya sa akin. Napaangat ako ng ulo at tumingin sa paligid. Tumingin ako sa harapan ng helicopter at nakitang wala na si Quiro. "He left a minute ago." Sagot niya sa katanungang nasa isipan ko. "May sumundo sa kanyang yate. Iniwan niya na dito ito dahil ako ang magmamaniobra pagbalik natin sa Manila." Dugtong niya.
"You know how to fly an helicopter?" Takang tanong ko. Mapait siyang ngumiti.
"Yes. That'a just one thing you don't know about me." Malamig niyang sagot. Napaawang ang labi ko kaya napatingin siya doon. Nag iwas siya agad ng tingin at pagod na tumingin mula sa labas bago nagpasyang lumabas na. Umikot siya para pagbuksan ako. Tahimik kaming naglakad. Hawak niya ang mga gamit namin habang sinusundan ko siya. Naninibago man ako sa klase ng pakikitungo niya ay pinilit ko na lang kumbinsihin na ngayon lang ito. Babawiin ko siya. Pangako kahit pa wala pa ako talagang pinipili sa kanilang dalawa ni Wayne.
"Wow. It's beautiful." Manghang saad ko noong tuluyang makita na ang isla Diana. Sa sobrang focus ko kasi sa kanya kanina ay hindi ko na napansin ang ganda ng lugar. Kunot noo siyang napatingin sa akin. Nginitian ko lamang siya ng malapad. Napatingin siya sa paligid.
"Yeah. Let's go." Bagot niyang sagot. Napanguso na lamang ako sa kasungitan niya. God! He's totally different now!
Pumasok kami sa isang malaking bahay. Glass door iyon at puro puti ang pagkakapinta. Simple lang iyon pero eleganteng tignan.
"Is this your house?" Hindi ko na napigilang tanungin. Ibinaba niya ang gamit namin noong nasa sala na kami at seryosong tumingin sa akin.
"Yes. I bought this entire island a year ago. You like it?" Natuwa ako sa huling tanong niya. It's like he is asking my opinion. Napangiti ako ng malapad at tumango. He smiled back.
"Good to know. You can take a rest if you want. I'll show you your room." Nawala ang ngiti sa labi ko noong sabihin niya iyon.
"Hindi ba sa iisang kwarto lang tayo?" I asked out of curiousity. He frowned at me.
"We can't." Nag iwas siya ng tingin sa akin. Napakunot noo ako sa reaksyon niya. Just what the hell?!
"You're really not serious of what you've said,right?" Di ko mapigilang itanong sa kanya. Malalim siyang huminga at bagot na tinitigan ako.
"But I am. Chantal. You can have your rest for awhile. I'll walk you out once you already have the energy to tour the island." Malamig niyang sagot.
"What are you doing?" Naguguluhan kong tanong. Kunot noo siyang tumingin sa akin.
"What do you mean?" Gulong gulo niyang tanong. Napapadyak ako sa inis.
"You've been cold since morning. Ano bang problema?" Naiiyak kong tanong. Napalunok siya sabay iwas ng tingin.
"Because I can't be sweet to you yet. Not when I'm still puzzled why you're doing this. The last time we're together, you chose Wayne. But look where we are right now. I'm confuse, Chantal. I don't know what's in that smart head of yours. I am sorry, but I can't act too sweet when I can't even look at you adoringly. Now rest, Cha. I think you need that for you to think clearly." Malamig nanaman niyang sabi bago ako tinalikuran at umakyat buhat ang gamit namin. Tahimik ko siyang pinagmasdan. Wala sa sariling napakuyom ako ng kamao. He's trying to slip away from my grip. I can't let him do that, not when I'm still confuse of what I feel for him too. Not when I am decided to feel him. After this week, I'll let my heart decide. I'll let myself feel his presence. Baka doon ay malaman ko na ang tamang sagot. Baka doon ay matuloy ko kung anuman ang plano ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/33105544-288-k13756.jpg)
BINABASA MO ANG
How long will I love you (Completed)
General FictionBACHELOR SERIES V For how long are you willing to wait for a girl who never has a plan to love you back? How long will you love her? How long will you longed for her? How long will you let your heart breaks over and over again? #LOUIE ANTHONIE SALVA...