Thirty Five

3.4K 53 1
                                    

Mahinang katok ang narinig namin ng make up artist habang inaayusan ako. Sabay kaming napatingin doon. Maya maya pa ay iniluwa na iyon ng dalawang taong hindi ko inaasahan. Ang mama at kapatid ni Louie. Tumingin sila sa make up artist at tipid na ngumiti bago sila tuluyang pumasok.

"Can we talk?" Mahinahong tanong ng mama ni Louie bago ibinaling ang mga mata sa make up artist.

"I'll go back later for your final touch, darling." Ngiting paalam nito aa akin bago muling tumingin kay mama ni Louie. "Take your time, madam." Magalang nitong saad bago tuluyang umalis. Napalunok ako sa biglang kabang umahon sa aking dibdib. Mataman nila akong tinignang dalawa bago nagkatinginan sa isa't isa. Tumikhim ang mama nila bago nagpasyang magsalita.

"You look gorgeous hija." Nagulantang ako sa papuring lumabas sa kanyang bibig. This is the first time I ever heard her say something good about me. Ngumiti siya sa akin.

"Salamat po. You too po." Naiilang kong saad. Huminga siya ng malalim at nagpasyang lumapit sa akin ng tuluyan. Kasunod ang anak nitong babae na noong unang pagkikita pa lamang namin ay nakitaan na niya ako ng disgusto.

"We came here to personally apologize about how we treated you and acted before. I admit, hija. I never really liked you for my son. But recently, I came to realized, you make him happy. And my apo. God. I love my apo. She's too jolly and she always defends you. She talks about you most of the time. She adores you." Malambing nitong saad na para na ding naiiyak. She took my hand which left me shocked a bit. "Welcome to the family hija. Call me mama from now on. I am truly sorry for mistreating you badly. I thought you're a poison to my son, but no. You actually showed him the door of happiness. You may have hurt him but you cured his brokenness too. Ikaw lang naman ang tanging makakagamot sa anak ko. At wala na kaming magagawa doon kundi tanggapin ka ng buong buo. I will try to know you more now." Nakangiti niyang sabi.

"I'm sorry din po. Mahal ko po ang anak ninyo. Pero kung." Napalunok ako dahil sa nagbabanyang hikbi na gustong kumawala sa aking lalamunan. "Kung sakaling hihilingin ninyong iwan ko anak ninyo, sorry po kasi hindi ko iyon gagawin. Hindi ko kayo susundin." Saad ko sabay iling. "Sa dami ng katangahang ginawa ko noon, ayaw ko na po iyon ulitin. Hindi ko na po iyon gagawin sa anak ninyo. Louie is my everything po. Mahal na mahal na mahal ko po siya. Sobra." Hagulgol ko bigla dahil hindi ko na mapigilan. Nataranta naman silang dalawa at agad akong dinaluhan.

"Hush. Hey. Tahan na." Nag aalalang saad ng mama ni Louie.

"I'm sorry Chantal." Napatingin ako sa kapatid ni Louie. Umiiyak na din ito. "I misjudged you." Ilang iyakan pa ang nangyari sa pagitan namin bago kami tuluyang nagkapatawaran. I never really expected this to happen either. But I'm glad, it did. Mas kampante at panatag na ako sa buhay na haharapin ko kasama si Louie.

"Anong nangyari. Ai. Sira na ang make up mo. Nako. Isang oras na lang." Natatarantang pasok ng make up artist sa akin habang pinupunasan ng mama ni Louie ang pisngi kong basa dala ng pag iyak ko.

"Madam, pwede po bang lumabas na muna kayo? Aayusan ko lang siya. Hala. Kailangan ko siyang maayusan bago mag alas diyes. Baka magwala ang groom kapag nalate siya." Tarantang dugtong nito bago may kinapa sa phone niya. Maya maya pa ay may katawag na ito. Nagkatinginan kaming tatlo. Ilang segundo pa ay may nagsidatingan ng mga tao na tingin ko ay kasamahan niya. Pumapakpak ito, maawtoridad na utos.

"Kunin mo yung gown Shasha." Utos niya sa babae.

"Magkita na lang tayo sa simbahan anak." Napatingin ako sa maamong mukha ng mama ni Louie. Tipis akong ngumiti at tumango. Hinalikan nila ako sa pisngi pagkatapos bago tuluyang umalis. Nagpaalam sila sa make up artist. Nakibeso pa sila bago tuluyang sumara ang pintuan. Aligaga lahat ang mga natira sa loob para ayusan ako.

How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon