Nineteen

2K 53 2
                                    

"Are you happy?" Napatingin sa akon ang anak ko noong tanungin ko siya habang nakasakay kami sa kotse ni Louie. Nagdradrive siya habang nasa passenger seat kami ni Lia, kandong ko.





"Yes mommy. Masayang masaya po. May real daddy na po ako. May time po siya para sa akin, hindi gaya ni papa Wayne." Nakasimangot at tampo niyang saad. I felt Louie tensed and at the same time, his anger and frustrations. Hindi ko siya masisisi kung bakit.






"Don't worry, baby, daddy will take care of you. I am here now. You don't need your papa Wayne to look after you, 'cause I'll fill every space and time for you." Nakangiti nang saad niya pero may halong diin at pagmamaktol sa akin kahit na kay Lia pa siya sumulyap. Lumiwanag ang mukha ng anak ko sa narinig. Sa buong byahe namin patungo sa di ko alam kung saan ay puro si Lia lamang ang hinayaan naming dumaldal, dahil sa wala naman akong masabi maliban sa magsalita lamang kung kakausapin ako ni Lia. Nalaman ko lamang kung saan kami pupunta noong huminto na ang sasakyan sa isamg high end na condo unit. Napasinghap ako noong mapag alamang condo ito ni Louie. Pinatay niya na ang makina ng sasakyan noong makarating kami sa parking lot.





"Daddy, dito po kami titira ni mommy, sa'yo?" Inosenteng tanong ni Lia. Tumingin sa kanya si Louie bago dahan dahang lumapit kay Lia para halikan sa noo, pero bago pa niya halikan ito ay tumingin siya sa akin ng matalim, waring sinasabihan ako na si Lia lang ang welcome, hindi ako kasama.






"Yes. You'll live here with me, baby. You and your mom." Tamad niya nng dugtong sa huli na para bang napipilitan lang siya. Napakunot noo ako sa inis.







"You don't need to include me if it's against your will, you know. I can still come here to visit my daughter, right?" Malamig pa sa yelo kong sagot na siyang nagpakunot noo naman sa kanya. Napatingin siya kay Lia na ngayon ay inaantok na dahil humikab na siya sabay sandal ng ulo sa dibdib ko.






"Mommy. Antok na ako." Inaantok na niyang sabi. Bumuntunghinga si Louie bago tahimik na lumabas sa sasakyan para umikot. Binuksan niya ang pintuan ko at kinuha si Lia. Binuhat niya ito at iminwestro para sundan ko. Tahimik na lamang akong sumunod hanggang sa elevator. Nakayuko ako at kunot noong nakatingin sa sapatos ko. Alam kong nakatingin siya sa elevator mula sa repleksyon naming tatlo pero iniwasan ko talagang makipagtitigan sa matalim at nag aakusa niyang mga mata. Noong mag ding ang elevator ay napataas ako ng tingin para tignan ang floor.




"We're here." Malamig niyang sabi. Payapa ng nakatulog si Lia sa balikat niya ngayon. Nauna siyang lumabas kaya sinundan ko siya. He swiped his key card before the door finally opened. Hindi na ako sumunod sa kanya noong pumasok siya sa isang kwarto. Hinintay ko na lang siyang lumabas. Ilang minuto ay lumabas na siya at ingat na ingat na isinara ang pintuan. Napatingin ako sa kanya at agad na nagtama ang paningin namin. Ako na ang unang nag iwas noong makita kung gaano kalamig ang ipinupukol niyang tingin aa akin. Humakbang siya papuntang sofa at umupo doon. He tapped the sofa beside him. Napatingin ako doon sa kamy niya.






"Come here. Let's talk." Mahinahon niyang utos. Naiilang man ay tahimik akong tumango at umupo sa sofa pero hindi mismo sa tabi niya. Bakit ko siya tatabihan! Malakas siyang napabuntunghininga. "You're too far frome me, Cha. Come here, beside me." He commanded Godly. Napasinghap ako sa klase ng utos niya.








"We can still talk like this, Louie. What is it that you want to talk with, anyway?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Kumunot din ang noo niya at nag tiim bagang. Tumayo siya at nakisiksik sa inuupuan ko. "Ano ba, Lou. May ibang sofa pa. Bakit ba gusto mong magtabi tayo?" Inis ko siyang tinulak pero hinawakan niya lang ang mga kamay ko gamit lang ang isang kamay.







"Stop it or I'll kiss you!" Singhal niya na siyang nagpatutop sa akin. Nagtaas kilay siya sa pagkatameme ko. Inirapan ko siya kaya napahalakhak siya. Halakhak na hindi natutuwa kundi nang uuyam.





"Magsalita ka na." Sinubukan kong magpakawala ng lamig ng boses.








"I want an equal rights for Lia. Dito siya sa akin titira." Singhal ko siyang tinitigan.




"That's not even half of being equal, Louie. King dito siya titira, paano ko siya makakasama?!" Inis kong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay.






"Di ka ba nakinig sa tanong kanina ng anak natin? I told her you'll stay with us too, if you didn't hear it right. There. I said it again." Seryoso pero may bahid na iritasyon niyang saad.






"Hindi naman kailangan lalo na at parang ayaw mo naman." Maliit na boses kong saad. Bumuntunghinga siya sa naging sagot ko na tila ba pinapakalma ang sariling huwag mainis. That's Louie.







"Look at me." Kwinadrado niya ang panga ko gamit lang ang isang kamay. "What do you see in my eyes now, hmmn? Do you see rejection coming from me?" Mahinahon na niyang tanong bago nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga mata ko.





"No." Iling ko.



"Then what do you see, 'mmnnn?" Kalmado niyang dugtong.





"You want me to stay." Nahihiyang sagot ko.






"Stay, then." Maingat niyang sabi. "Stay strong for her, for us because I need you to. I can't promise to give you a happy family, because you deatroyed it already. But I promise to make us complete. I'll try to make this work for Lia. Stay strong this time. 'Cause I am warning you now. I might break you piece by piece. Intentional or not. Stay strong for us." Halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit ng mga sinabi niya pero hindi mawala sa isip ko na may pag asa pa sa aming dalawa kahit pa kaunting silip lang ng pag asa ang ibigay niya ay kakayanin ko para lang sa kanila ni Lia. Tama siya. I need to be strong for us. Ngayon ko lang narealize, kailangan kong ipagtanggol ang kung anong meron kami ngayon na pilit kong sinira noon.




How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon