Twenty One

2K 55 0
                                    

"You look beautiful in that gown." Namula ang mukha ko pagkarinig sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay prenteng nakasandal sa may hamba ng pintuan. Matamang nakatingin siya sa akin.



"Thank you. Ano palang event yung dadaluhan natin?" Pag iiba ko sa usapan. Napatikhim naman siya at biglang napaayos ng tayo. Nagkamot siya ng ulo bago ako sinagot.






"Engagement party. Bilisan mo na dyan. Sa sasakyan ka na lang namin hihintayin ni Lia." Bigla ay masungit niya ng sagot. Kinunutan ko siya ng noo. Nag iwas siya ng tingin at kunot noo ding tumalikod paalis. Anong problema non?






Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay madali kong hinablot ang pouch at mabilis na lumabas papuntang elevator pababa ng parking lot. Medyo nahirapan pa akong hanapin ang kotse niya noong biglang umilaw ang isang sasakyan sa aking harapan. Bumusina pa ito ng pagkalakas lakas kaya napatalon ako sa gulat. Sa sobrang inis ko ay muntikan ko ng tanggalin ang heels ko para ibato iyon doon kung hindi ko lamang nakita si Lia na kumakaway galing sa loob ng sasakyan. Hindi ko siya naaninag noong una, tska lang noong patayin ni Louie yung headlight.


"Moooommmmmyyyy." Pakantang tawag ni Lia sa akin habang patuloy sa pagkaway mula sa bintana ng sasakyan doon sa passenger seat. Kalahati ng katawan niya ay nakalabas na sa bintana. Mabilis akong naglakad patungo doon upang sumakay. Noong makitang palapit na ako ay ipinasok na niya ang katawan at nakangiting ibinaling ang mga mata sa kanyang ama. I saw her crawled and went to the back seat. Noong makasakay na ako ay taka kong tinignan si Lia na ngayon ay patay malisya ng nilalaro ang doll na dala niya. Pinantaasan ko siya ng kilay. Mukhang nakaramdam siya sa titig ko, she just winked and giggled. Napatingin naman ako sa ama niyang nagpipigil ng ngiti. May usapan ba ang dalawang ito na hindi ko alam? Bakit pakiramdam ko mas close pa sila kaysa sa akin?




"Tara na!" Masungit kong utos.



"Woah. Easy young lady." Iiling iling na nakangising sabi ni Louie habang minamaniobra ang sasakyan. Inilagay niya sa headrest ng passenger seat yung isang kamay niya habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela. Nakatingin siya sa likod dahil kailangan niyang iatras ang sasakyan. Tumingin siya sa akin saglit bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Noong matapos ay tska lang ako nakahinga ng maluwag.




"Mommmyyyy." Pakantang saad ni Lia. Napatingin ako sa kanya?

"Hmmn?" Ngiti kong tanong. She grinned bitchly.





"Hindi po masamang huminga po." She teasingly told me. Namula ang buong mukha ko. Oh my God. She saw my uneasiness when her father put his hand in my headrest's seat. Damn. "Mommy, bakit biglang kumapal ang blush on mo?" Pigil tawa pa niyang dugtong. Damn this kid. Where did she get that wittiness of hers? Napatingin ako kay Louie na ngayon ay pulang pula na ang tenga. Nagpipigil ng tawa ang isang toh eh!




"Haynako. Tantanan mo nga akong bata ka. Kanino ka ba nagmana sa kapilyahan mo?" Inis kong tanong. She just giggled.





"Sa'yo yan nagmana." Bigla ay tawang sagot ng katabi ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Pinagtutulungan nila ako! I can't believe this!



"Lia. Ikaw na lang kaya umupo dito? Tutal kayo lang ang natutuwa sa nangyayari sa akin!" Parang bata kong patol. Humalakhak lang ang dalawa at mukhang nagkaintindihan dahil hindi na nila ako inasar pa.

Pagkatapos ng isang oras din atang byahe ay nakarating kami sa Edsa Shangri-la kung saan gaganapin ang engagement party ng kakilala ni Louie. Pagkalabas ni Louie ay binuksan niya ang pintuan ng backseat at binuhat ang anak naming nagpriprisensesahan. Napairap ako sa kawalan.






How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon