Twenty Five

2.2K 49 0
                                    

"They're still here?" Taka at kunot noong sabi ni Louie sa sarili. His car slowed down. Napatikhim naman ako at biglang hindi naging kumportable sa kinauupuan. Shit! His parents are still in that house!



"Uhm. I can wait for you and Lia here." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa harapan. Kita sa gilid ng mata ko ang marahas niyang pagtingin sa akin. Kunot noo pa siya.


"No! You will come with me, inside. Don't mind them. Let's go." Malamig at maawtoridad niyang sabi. Napahawak ako ng mahigpit sa bag na nasa hita ko.


"No need. I'm good in here. I can wait you both here. Please." I begged but he just stared at me, unconvinced.


"No. We.will.go.inside." Mariin niyang utos bago padabog na lumabas at umikot para pagbuksan ako. Halos hilain na niya ako palabas ng sasakyan. Padabog niya iyong isinara at ikinulong ako pagkatapos. Mariin ang mga mata niyang nakatutok sa mga mata ko. Napaiwas ako at napayuko but he only titled my chin to meet his eyes once again. "Don't be afraid. I am here, okay? Hmnn?" Malambing na niyang saad. Napatango na lamang ako. Niyakap naman niya ako pagkatapos. Iniwan namin ang sasakyan sa isang guard at ito na mismo ang nagpark ng maayos. Nanginginig ang kamay ko noong una pero noong hawakan niya na iyon ay nabawasan kahit papaano ang panginginig non.

"Mommy! Daddy!" Tili ni Lia noong makita kami papasok. Napangiti ako noong makita siyang excited na tumatakbo palapit sa amin. Akmang luluhod sana ako para mabuhat siya pero kay Louie siya nagpabuhat agad. Napairap ako sa kawalan. They're really that close now huh?!


"Kiss your mom, princess." Nakangiting utos ni Louie habang buhat ito. Malaki naman ang ngiting inabot ni Lia ang pisngi ko noong ilapit siya sa akin ni Lu. Hinalikan niya ako sa pisngi bago niyakap ang kanyang ama. Mukhang namiss niya yata. Eh ako kaya, miss niya? Ano ba yan.





"Hijo." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig sa maawtoridad na boses ng kanyang ina. Blangkong nakatingin ako sa magulang niya pero sa loob loob ko ay puno ng pangamba at takot. I felt his hand held my cold hand. Napatingin ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa gilid ng ulo ko.

"Mom. Dad." Malamig niyang sabi.



"We need to talk." Napatingin sa akin ang kanyang ina bago niya muling binalingan si Louie. "Privately." Malamig niyang utos. Louie groaned.



"It's already late, ma. Can't it wait until tomorrow?" Iritadong tanong ni Louie.



"No. It can't. Follow me." Determinadong sagot nito bago tunalikod. Walang nagawa si Louie. Ibinaba niya si Lia bago nagpaalam sa akin at sundan ang kanyang ina. Naiwan kami ni Lia kaharap ang ama ni Louie. Napatikhim ako habang mahigpit na hawak sa balikat si Lia dahilan para magreklamo ito.

"Ouch. Mommy. You're gripping my shoulder, too much.!" Bitchesang sabi niya sa akin. Kunot noo ko siyang sinilip. Nakasimangot siyang nag angat ng tingin sa akin. "I'll just go and play with tito Achilles! Where are they, lolo?" Maarteng tanong niya sa ama ni Louie. Lumapit naman si Mr. Salvador at lumuhod para magpantay sila ng anak ko.



"Nasa taas na sila, apo." Nakangiting sagot niya dito.


"Tulog na po talaga sila, lo? Malungkot na tanong niya.


"Yes. Masakit kasi ulo ng tito Achilles mo, apo. You can continue watching your favorite barbie movie. How about that?" Nakangiting suhestyon pa niya.



"Oh. Right. Yes." Bigla ay nagliwanag ang mukha niya noong sabihin iyon ni Mr. Salvador. He tapped my daughter's head.


"Alright. Go to the living room and watch it. I'll just talk to your mom about something." Tumango lamang si Lia at iniwan na kami doon noong sabihin iyon ni Mr. Salvador. Napalunok ako sa sobrang kaba.



"Goodevening po." Nahihiya kong bati sa kanya.




"Magandang gabi din, hija." Napakurap kurap ako noong mahimigan ang mabait niyang boses. I can tell this man is not like his wife.
Ngumiti siya sa akin. Napangiti na din ako. Mahabang katahimikan ang bumalot bago siya muling nagsalita. "I'm sorry about my daughter and my wife's behavior. They're just very protective when it comes to Louie." Mahinahong paghingi nito sa pasensya sa akin.



"Okay lang po sir. Natural lang naman na ayawan nila ako para kay Louie. Knowing my past with Louie's bestfriend." Nahihiya kong sagot.




"Tito. Call me tito." Magiliw niya sabi sa akin bago napabuntunghininga. "Wala oang ipinapakilalang babae si Louie sa amin maliban sa'yo. Sa tagal namin siyang pinipilit magsettle down. Finally, he met the woman he'll spend the rest of his life with. I knew Wayne and you didn't end up well. Maybe because you both belong to someone else. Wayne's for Selena. And you belong to my son. Huwag mo sanang bibitawan ang anak ko hija. Kahit hindi niya sabihin sa amin ng mommy niya, alam kong may pinagdadaanan siya the past years. And now I know why. And about sa asawa ko, please be patient with her. She's just afraid, Louie might be heartbroken. She wants our son to be happy. Maybe she doesn't see you for our son now, but just be patient. Pasasaan ba't gagaan din ang loob nun sa'yo. I just want my son to be truly happy 'cause he really deserves that. He's been a good boy eversince." He patted my shoulder after. "Can you make my son happy?" He asked me with understanding.





"I can't po. But I will try my best to make him happy. I gave him pain when he showered me his love. I can't compromise not to hurt him anymore because I'm sure I will. But one thing is for sure, I will love him truely po." Naiiyak kong sabi. Nakangiting tumango tango ito sa akin.




"Stop meddling with my life ma! I can't take this!" Malakas na sigaw ang nagpabaling sa amin sa pintuan na pinasukan kanina nina Louie.




"But she's not good for you anak! Sasaktan ka lang ng babaeng yan!" Sigaw pabalik nito kay Louie.






"What made you so sure that she's not for me?! Damn it ma. I don't care if she isn't for me because hell be damned. I'll move mountains just to make her mine! Just to make her end up with me. WITH ME.ALONE. Do you even understand me ma? I love her! And no one can stop me. Not even you!" Malakas na sampal ang natamo niya pagkatapos.



"How dare you? Kita mo na? Nagkakaganyan ka ng dahil sa kanya. You're rebelling against your mother. She is not good for you.!" Umiiyak na sabi nito. Nanlaki ang mga mata namin noong biglang lumuhod si Louie sa harapan ng kanyang ina.





"Mommy. Please just let me be happy. Why can't you do that to your son? Why can't you let me be happy for a while. She's my life ma. I love her no matter how many scars she will give me. No matter how many pains. I am very much willing to take the bullet if that's the only reason to keep her. I am tired of all these shits ma. I just want to rest and love her. Please. Please. Mommy. Let me love her. Let me love the woman I wanna spend the rest of my life with." Humahagulgol na niyang pagmamakaawa. Tumakbo ako sa kanya at lumuhod para yakapin siya. Oh my God. This man will really do everything for me. How come I only see him now.?




"Mrs. Salvador. Mahal ko po ang anak ninyo. Alam ko po na hindi naging maganda ang simula namin ni Louie. Pero gagawin ko po lahat para kami ang magkatuluyan sa huli. I love him. I do. I am sorry if I can't stay away from him even if you want to. I tried before. Pero pabalik balik din lang ako. Hindi na po ako sigurado kung kakayanin ko pa pong lumayo." Hagulgol kong sabi. Tumayo si Louie at binuhat ako.




"Hush. Baby. I will keep you no matter what. Even if they are against us." Mariin niyang sabi. Tahimik kaming umalis doon. Pagkatapos niya akong isakay sa sasakyan ay binalikan niya si Lia. Tulog na ang bata noong lumabas sila. Isinakay niya ito sa backseat bago sumakay sa driver's seat.




"It's good that Lia was fast asleep already. She wasn't aware of what happened there." Paliwanag niya. Nilapitan niya ako at hinalikan sa labi. Napapikit ako. He rested his forehead against mine as he traced my lips with his thumb. "I'll never let you go this time, Chantal. Kahit pa mundo ang gumawa ng paraan para paghiwalayin tayo. I will never set you free. No more. Baby. No more running away. Understood?" Napatango na lamang ako sa kawalan ng masasabi.


The end.

Char. Hahahahha.

Happy valentines.




How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon