Thirty

2.3K 63 4
                                    

"Good morning. I made you a breakfast in bed." Malapad ang ngiti kong bati sa kanya pagmulat ng kanyang mga mata. Puno ng pagtataka niya akong tinignan bago umupo at isandal ang ulo sa headrest ng kama. "Kain na." Nag iwas ako ng tingin at inasikaso ang nasa tray.

"You're being weird lately, baby." Napatigil ako sa ginagawa pero hindi ko muna siya tinignan sa mata. I composed myself before smiling widely at him. Yes. I've been doing this for a month now.



"What? I just want to be extra sweet to you." Halakhak kong litanya na hindi naman umabot sa aking mga mata. I just wished he didn't notice that too. He shrugged his shoulder.



"I love you." Bigla ay lumabas iyon sa aking bibig habang pinagmamasdan siyang kakain na sana. Natigil sa ere ang pagsubo niya at takang takang napatingin sa akin.



"Now, you're really creeping me out." Nakakunot noo niyang sagot. I just smiled at him before I stood up.


"I'll just get you some water. Babalik ako." Paalam ko. He just nodded curiously. Napahawak ako sa bandang dibdib pagkarating ko sa kusina. Napatukod ang malaya kong kamay sa may sink. "Breathe, Cha. Breathe." Paalala ko sa sa sarili.




"Mommy?" Napatalon ako sa gulat noong tawagin ako ng aking anak. Takang taka siyang nakatingin sa akin habang hawak ang paborito niyang teddy bear. "Why are you talking with yourself." Nanlaki ang mga mata niya sabay takip sa bibig niya. "Oh my God. Have you gone insane? Shall I talk to dad about you putting you to a mental institution to have you checked?" Napanganga ako sa kanya. Just where the hell did she get those idea? Maya maya pa ay nagtatatakbo na siya papasok sa kwarto namin ni Louie. "Daddy. Daddy." Iyon lamang ang narinig ko hanggang sa bumalik na ito hila hila ang inaantok pang si Louie. "Daddy. Let's go to the doctor. I want my mommy to be okay. Hindi po siya pwedeng mabaliw." Natawa si Louie sa narinig. Mukhang nawala ang antok niya.



"Baby. Your mom is totally fine. Sometimes, adults just tend to talk to themselve unconsciously." Sagot ni Louie sa matalinong anak. Napairap ako sa kawalan. Napanguso naman si Lia sabay kamot ng ulo.




"Why do adults make things so confusing daddy?" Naguguluhang tanong nito. Muling natawa si Louie bago lumuhod upang pantayan ang anak.


"You'll understand that once you grow up. But I suggest you not to grow up so fast. You're my little baby, princess. And I don't want you to grow up just yet." Nakangiting saad niya sa anak. Niyakap naman siya ni Lia.



"Even if I grow up, daddy. I will still be your little princess. Don't worry. I love you daddy. Thank you for making us complete." Masayang saad niya. Napatingin sa akin si Louie. I smiled at him but he didn't smile back. Napabuntunghininga na lamang ako. Umalis din lang siya pagkatapos niyang maligo at magbihis. May pasok pa kasi siya ngayong araw. Malungkot kong tinignan ang hindi nagalaw na pagkaing inihanda ko para sa kanya nitong umaga. Malalim akong humugot ng hininga bago iyon iniligpit. I prepared his lunch. Nagpasya akong maligo at mag ayos na para maihatid ang lunch niya sa opisina. Sinundo ni mama at papa si Lia kanina. Wala na si Louie noong dumating sila kaya hindi sila nagkaabutan.



"Good afternoon ma'am. Pasok po kayo. Nasa loob po si sir." Masayang bati ng kanyang sekretarya sa akin. Ngumiti ako ng tipid dito bago kumatok.



"Come in." Malamig nitong sabi. Naabutan ko siyang seryosong nagbabasa ng mga papeles. He's on his eyeglasses. Nag angat niya ng tingin. "Hello, baby. You brought me lunch again, huh." Nakangiti niyang bati bago tumayo. Yumuko siya para halikan ako sa labi. Kinuha niya iyon at inilagay sa may table.



"Dinalhan lang kita. Aalis din ako. Mukhang busy ka. I don't want to disturb you. But please eat. Nangangayayat ka." Nag aalala kong paalala. He smiled at me and kissed my forehead.




"Yes. I will baby. Thank you for preparing my lunch. I'm sorry if I wasn't able to eat the breakfast that you prepared for me.  Nagmamadali na kasi ako kanina dahil andami ko pang inaasikaso sa opisina." Paliwanag niya. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Tipid ko siyang nginitian bago nadako ang tingin ko sa kanyang leeg.




"What's this?" Kunot noo kong tanong sabay hawak sa pulang marka. "A hickey?" Masama ko siyang tinignan. Napahawak siya doon.




"No. Baka kagat lang ng langgam." Nag iwas niya ng tingin. Bumalik siya sa kanyang upuan. "Uh. I think you need to go. Hindi din kita maaasikaso." Pagtataboy na niya bigla. Mapait akong napatawa.



"Come out to where you are hiding bitch. I know you are here." Marahas na napatingin sa akin si Louie na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Maya maya ay lumabas mula sa ilalim ng mesa si Sherena. Malamig kong tinitigan si Louie na ngayon ay hindi na makatingin sa akin. Binalingan ko ang ngayon ay nakatayo ng si Sherena sa likod ng upuan ni Louie. She's trying to massage his shoulder but Louie's trying to stop her.

"Stop it, Sherena." May pag aalangang utos nito. Bumuntunghininga naman ito at umalis mula doon para lapitan ako. Napatayo si Louie dahil sa paglapit ni Sherena sa akin pero sinenyasan kong huwag siyang makialam.




"Hi. It's nice to meet you again, Chantal." Nakangisi niyang sabi. My face remained stoic.



"The feeling is not mutual." Malamig kong litanya.

"Aw. Someone's bitter eh?" Mapang asar niyang sabi. Nginisihan ko siya. This girl doesn't know even a single bit of my attitude. Let's see how far she can go this time.


"Aw. Why should I be bitter?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa bago siya muling tinignan sa mata. "Hindi sa isang tulad mo ako magpapakabitter. Pwede pa siguro kung kay Selena De Silva. Pero sa'yo? Tsss. Honey. I don't even know you exist. Ngayon ngayon lang. Sino ka nga ba? Your name does not even ring a bell to me. Maliban na lang sa kaalamang, isa kang dakilang kirida." Panlait ko sa kanya. Umigting ang retokada niyang panga. Gigil na gigil niya akong tinitigan ng masama.





"Oh. Look who's talking. Diba kirida ka din naman ni Wayne de Silva dati?" Pang uyam niya pero hindi niya ako natinag. I smiled wickedly.


"Yes. You are right about that part. But honey, were you also aware na ako naman talaga dapat ang asawa niya? Hindi si Selena? I was Wayne's fiancee before he got married with Selena. But that was all in the past anyway. Oh. How about you? Ano ka ba ng fiancee ko? Gusto mo ba akong tularan?" Mapang asar kong halakhak.



"Chantal." Madiing banta ni Louie. I tilted my head but I refused to look at him. I am not done with this girl yet. She needs a doze of her own medicine. Mali siya ng binangga. She's not even aware how bitch I can be if persuaded.




"Now talk, biatch. What are you to Louie?" Madilim kong tanong. Now it is her time to smile wickedly,too.




"Ako ang mahal niya. Hindi ikaw." I smirked.



"What made you believe that?" I asked her boredly. "Did he tell you he loves you? Honey, he says that everyday to me too. What made you think you are special than me, then?" Dugtong ko pa. Naiiyak siyang napatingin kay Louie. Probably asking for his help, which by the way, I will never make it happen. "Now, you look frighten. Where's the biatch I met inside the restroom? The one who bitch talked me with her tissue and redlipstick?" Mapang asar kong dugtong. Gigil na gigil siyang umalis ng opisina ng hindi man lang naipagtatanggol ang sarili. Napailing na lamang ako. Tss. Wala naman palang binatbat ang isang iyon.



"You should have not done that to her." Mahinahong sabi ni Louie. Napatagilid ako ng tingin pero hindi ko pa din siya matignan tignan. Not now that the cut of my heart is still fresh.




"She just need to know where she should stand. I am still your fiancee, so I have the rights to do that. If you want that girl, then go. I'll be just fine. And I will still patiently wait for your heart to finally beat for me again. Come home to me when you're ready to love me again." Mapait kong litanya bago siya iniwan sa loob mg opisina.



How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon