Twenty two

2K 64 0
                                    

"Kuya, she was kuya Wayne's ex fiancee, right?" Napatingin ako sa babaeng nagtanong kay Louie. Nakatiim bagang ito, tila hindi nagugustuhan ang presensya ko. Tinignan ko si Louie noong maramdaman ko ang biglaang paghapit niya pa lalo sa akin. Nag igting ang panga niya sa narinig.





"Leila." Sita ni Mrs. Salvador.




"What? I was just asking kuya, mom." Patay malisyang depensa nito bago kinuha ang goblet at inumin ang natitirang alak doon.








"Yes." Napatingin silang lahat kay Louie noong magsalita siya. Lalong nag igting ang panga niya tila ba hindi niya gusto ang isinagot. "But that was long ago. The reason why they didn't happen, was because of me." Matapang niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napasinghap ang buong pamilya niya. "And we have a daughter, if you haven't notice this little princess in my arms, she's my daughter, Aliyah." Pagpapakilala niya kay Lia. Nabaling lahat ng atensyon nila kay Lia na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanilang lahat.







"Omg. She's beautiful." Tuwang tuwang tumayo ang isang babae papunta sa amin. Nilapitan niya si Lia. "Hi, little princess, I am your tita Anya, ako ang panganay sa aming magkakapatid. Si daddy mo ang sumunod sa akin. Wow. Ang ganda ganda mo namang bata. Pwede ba kitang buhatin?" Masuyong saad niya. Napatingin sa akin si Lia bago ngumiti sa babae at tinanguan ito. Buhat na ng kapatid ni Louie si Lia at isinama pabalik sa upuan nito.





"She's beautiful. Bagay sa kanya ang royal blue na dress. Mukhang susunod pa yata sa yapak ni Pia ng Ms. Universe." Puri noong katabi ni Anya.





"That's Achilles. Anya's boyfriend." Bulong sa akin ni Louie. Kinunutan ko siya ng noo. He only snorted. "You were checking him out. Kaya inunahan na kita. Pag aari na yan ng kapatid ko." Nanlaki ang mga mata ko sa idinugtong niya. What the?!






"Kuya,are you sure, you'll gonna marry kuya Wayne's ex?" Nakangiwing tanong ng kapatid ni Louie. Sinamaan ito ni Louie ng tingin.





"Stop meddling with my lovelife, Leila. Go, find yours. Palibhasa single since birth ka pa din hanggang ngayon." Bubulong bulong na dugtong nito sa huli pero dinig pa din naman.





"Stop it, you two. Nakakahiya kayo. Andito tayo sa isang party." Natahik bigla ang lahat ng andito sa table namin noong magsalita ang haligi ng tahanan. Napatingin ako sa ama ni Louie. He looks like Louie, only an old version of him. Tumikhim ito at binalingan ako ng tingin. "Hija, how's your parents?" Nagulat ako sa tanong niya, but then I realized, they're from the business world like my father.






"Uh. He's doing everything to save the company po. He'd been busy the past few days, together with my mom." Nahihiyang tugon ko. Napatango tango naman ito at binalingan ang asawa. Napatingin din ako kay ginang Salvador. Seryoso siyang nakatingin sa akin pero may bahid ng disgusto.







"What do you do for a living now, Chantal?" Malamig na tanong niya sa akin. Napatingin ako kay Louie noong hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.







"I'm a freelance model, still po ma'am." Halos pabulong ko na iyong isinagot sa matinding kaba. Napabungunghininga ang ina ni Louie.








"Not enough to like you for my son." Madiing litanya niya. Lalong humigpit ang hawak ni Louie sa kamay ko. Binawi ko iyon at hindi na siya tinignan. Nasaktan man ako sa narinig ay kailangan ko iyong tanggapin.








"Wala po kaming relasyon ng anak ninyo ma'am. I am just here for my daughter." Malamig kong sagot na nagpalaki ng mga mata ng ina nila.





"She's kidding mom. She's my fiancee. Stop it Cha. You're ruining my night." Bulong nito sa akin sa huling sinabi. Kunot noo ko siyang tinignan. "By the way, I'd like to introduce you formally to my family, babe. That's Leila Shanelle, sorry if she's bitching you out." Pagpapakilala niya kay Leila na ngayon ay ang sama na ng tingin sa kuya niya. "Pangatlo siya sa amin." Sinunod niyang itinuro naman niya ngayon ay si Anya. "And that's ate Tanya, you can call her Anya. Mas kumportable siya sa Anya." Ngumiti sa akin si Anya. Nginitian ko na din siya. "That's fourth, bunso namin." Turo naman niya sa katabi ni Leila.




"Hi." Nahihiyang bati ni Fourth sa akin. "Welcome to the family ate." Dugtong niya. Tipid lang akong ngumiti sa kanya sa kawalan ko ng sasabihin. Naramdaman ko ang paghalik ni Louie sa balikat ko. He sighed after.




"Mom, can you at least try to be civil to her? Don't send daggers right through your eyes." Sita niya sa ina. Malalim na huminga ito at nagsalita.






"Okay." Malamig pa ding sabi nito kay Louie. Mukhang napipilitan.





"Lanna Anica Salvador." Napatingin ako sa kanya. Muli itong naglabas ng hangin sa katawan. "I am Lanna Anica Salvador. Louie's mom. I'll try to get to know you better, young woman. Don't expect me to like you now, because I really don't." Masungit niyang sabi. Napanguso na lamang akong tumango at yumuko. "However, I'll give you the chance to prove yourself." Dugtong niya. Nahihiyang tumango na lamang ako kahit labag pa sa kalooban ko. I've been proving myself all my life. Nakakapagod din iyon.





"You're making her uneasy, love." Nag angat ako ng tingin noong muling magsalita ang ama ni Louie. Nakatingin na siya sa akin pagkatapos hagurin sa likod ang asawa para pakalmahin. "I'm Michael John Salvador. You can call me tito MJ. Oh, daddy na lang pala tutal ikakasal an din lang kayo ng anak ko." Nakangiting saad niya. Mas mabait pa siya kaysa sa mommy ni Louie. Ngayon lang ako pormal na ipinakilala ni Louie. Afterall these years. Maybe because before, parang imposibleng magsama kaming dalawa. But now, ipinakilala na nga niya ako. I don't know if I'll be happy or not. But somehow, it made me more hopeful.





"Let's dance." Napatigil si Louie sa paghahagod sa likuran ko noong ibulong niya iyon sa akin. It's been an hour since he introduced me to his family. Ngayon ay wala na sa amin ang atensyon nila kundi nasa anak na namin na ngayon ay bibong bibong kausap ang buong pamilya ni Louie.



"Hmmn. 'Kay." Sagot ko. Inalalayan niya ako sa pagtayo at iginaya sa dance floor. Nagsimulang tumugtong ang violinist, kanta ni Ed Sheeran ang ginamit nilang pyesa. Thinking out load yata yun. Hindi ko na alam kung iyon ba ang title dahil mas okupado na ng isip ko ngayon itong lalakeng nasa harapan ko, titig na titig sa akin. Nakakunot noo pa din. Napaingos ako at walang sabi sabing hinawakan ang mga kilay niya.








"Can you not frown just for tonight? Show me your drop dead gorgeous smile that will make every woman go crazy." Sabi ko sa kanya habang nagsisimula na kaming sumayaw. Umayos naman ang pagkakakunot noo niya kaya inilagay ko na sa batok niya ang mga kamay ko. Hinaplos ko siya doon. Nagmura siya dahil sa ginawa ko. Hinapit niya ako at inihilig ang ulo sa leeg ko. Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko bago may ibinulong aa akin.








"You're so damn turning me on, right now baby. Stop it or else I will take you right here, in the dance floor." Banta niya. Napahalakhak na lamang ako. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.









"Can you give me this last chance to make you happy?" Naiiyak kong tanong sa kanya. Bumuntunghinga siya, sobrang lalim na parang hihigupin na buong pagkatao ko.








"No need to ask for my permission because that's what you're doing to me now. You're making me happy. And hell be damn, I'll forget my vengeance just to hold you close like this. I missed you, terribly." Oh my heart just melted upon hearing that.

How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon