FOURTEEN

2.1K 58 4
                                    

"What did he tell you?" He asked coldly. Tinitigan ko siya ng maigi. Hindi ko alam kung para saan, maybe para matantsa kung may dapat nga ba akong alamin sa kanya. Especially to his past. Napailing ako kanya at wala ng balak pang malaman ang katotohanan. Para saan pa?


"Wala. We just talked about your childhood with him. He told me, he used to be your bestfriend. Iyon lang naman." I smiled trying to conceal every emotion. Tinitigan naman niya ako ng maigi na parang ako naman ang tinatantya niya kung nagsasabi nga ba ako talaga ng totoo. Agad akonh nag iwas ng tingin at tumingin sa kawalan. I heard him sigh before he sat beside me. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Pinaglaruan niya iyon pagkatapos. Pinanuod ko lamang iyon bago siya tinitigan. Bahagya pa akong nagulat noong sa akin na din pala nakatuon ang mga mata niya. He smiled at me before reaching out my face. He held my cheek using his other thumb.



"I love you, Chantal. Believe me because I really do no matter what." Pakiramdam ko ay may parang karayom na tumusok sa puso ko noong sabihin niya iyon sa akin. Bakit pakiramdam ko hindi niya sa akin sinasabi iyon? Pagkatapos ng nalaman ko kanina ay parang lahat ng hirap na dinanas niya sa akin ay wala ng katuturan sa akin. Dahil pakiramdam ko, lahat ay puro kasinungalingan lang. I looked like that girl he used to loved. I have the same name like that girl who died in a car accident so how can I believe him? Tumigas ang panga ko sa kaisipang iyon. My God! He's a liar! Damn bastard. Malamig kong binawi ang kamay kong hawak niya kaya gulat siyang napatingin sa akin. Malamig ko siyang tinitigan.



"Thank you for loving me, but you know what my answer to that. We should go back. I want to sleep." Malamig ko pa ding salita. He sighed painfully. Na para bang ang bigat ng salitang binitawan ko para sa kanya.



"O.kay." Hirap niyang salita.



Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa panaginip na iyon. Hindi pala panaginip. Totoong nangyari. Ilang beses ko na ba napapanaginipan lahat ng nangyari sa nakaraan? Bakit kahit ilang beses kong takbuhan lahat ng iyon ay pilit pa rin akong hinahabol? Napahagulgol ako mag isa. Pagkatapos kong maibuhos lahat ng luha ay pinilit kong humiga at ipikit ang aking mga mata. Pero sa bawat pagpikit ay binabalik ako sa nakaraan.




"Baby. Where are you going?" Natatarantang pigil sa akin ni Louie. Hawak niya ang kamay kong nakahawak sa trolley. Pinagmasdan ko siya. He's only wearing a damn boxer. Wala siyang pang itaas at magulo din ang kanyang buhok. Halatang napalikwas lang mula sa pagkakatulog. Mapula ang labi niya na parang iniimbita kang halikan iyon. Wala din siyang suot na tsinelas. Halatang nagmadali para may maabutan.




"I'm going back to Manila. Ayoko na dito. Ibalik mo na ako sa Manila." Napaatras siya sa naging sagot ko. Kumurap kurap pa siya na parang hindi makapaniwala sa naging sagot ko.





"Why?" Hinang hina niyang tanong sa akin na parang naging isang bulong na lamang iyon. He searched for answers in my eyes but I remained stoic. Hinawakan niya ang pisngi ko pero lumayo ako sa kanya. Mapamaang ang labi niya sa ginawa ko. Nag iwas ako ng tingin at sinagot siya.


"I want to go home. I realized na hindi ko na gusto dito. Nababagot na ako dito. Hindi pala masaya dito. I want to go home. To.." Napalunok ako bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "To Wayne." Tumingin ako sa kanya pagkatapos. Ang kaninang maang niya labi ay tumiim. His lips were pursed. And his jaw clenched. Napatingin ako sa kamao niyang nakatiklop na. Halatang nagpipigil ng galit. Tinitigan ko siya sa mata. His eyes are dark and dangerous. Patuya siyang natawa at tumingin sa taas na para bang doon ay masasagot lahat ng gusto biyang itanong sa akin. Napahawak siya sa ulo sabay talikod sa akin. Namewang siya bago ako hinarap kasama ng nagbabaga niyang galit.

How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon