Twenty

2.1K 55 0
                                    

"Mommy!!!!!" Napabalikwas ako sa tili at halakhak mula sa anak ko. "Help." Halakhak niyang dugtong. Mabilis kong inabot ang roba ko at lumabas ng kwarto only to find out na nagbobonding sila ni Louie.

"Andyan na ako." Nagkukunwaring zombie si Louie habang nagtatatakbo naman si Lia. Noong makita ako ng aming anak ay nagpunta siya sa akin para magpabuhat habang tumitili pa din. Natigil sa paghakbang si Louie at nawala ang ngiti at saya sa mukha niya noong makita ako. Humahalakhak pa din si Lia. Walang kaalam alam sa nangyayaring tensyon sa aming dalawa ng ama niya.


"Daddy. 'Lika dito. Lapit ka." Nakangiting utos ni Lia. Nagkamot naman ng ulo si Louie bago sinunod na parang maamont tuta si Lia. Iniyakap ni Lia ang isnag kamay sa batok ni Louie dahilan para mapalapit si Louie sa akin. "Yuko ka pa daddy. Kiss mo ako sa cheeks." Masayang utos niya. Tumango naman si Louie at hinalikan si Lia sa pisngi. Nakangiting tumingin si Lia sa akin at nakangising may bahid ng kapilyahan. Oh no, darling. Alam ko ang gusto niyang isunod. At di nga ako nagkamali dahil....

"Ikiss mo sa lips si mommy, daddy." Nanlaki ang mga mata naming pareho ni Louie. Parehong hindi kami mapakali. Diyos ko! Ano bang pinag iisip ng anak namin. Baka mamaya isipin pa ni Louie na tinuturuan ko si Lia ng kung anu ano.! Magproprotesta na sana ako pero nailapat na ni Louie ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko lalo na noong makita ang kunot noo niyang kilay pero nakapikit niyang mga mata. He is trying to seek for an entrance which I willingly gave. We almost made out kung hindi lang tumili si Lia.

"Ai. Mommy! Daddy!" Halakhak niya habang buhat ko siya. Napahiwalay si Louie sa labi ko at mabilis na binuhat si Lia sa akin. Akala ko tatalikuran na niya ako pero nagawa pa niyang halikan ang noo ko.


"Let's eat na baby." Saad niya kay Lia pero nahuli kong sa akin siya nakatingin. Nag iwas ako agad ng tingin. Humalakhak siya at bubulong bulong pero dinig ko naman! "Tss. Pavirgin pa." Bwiset!!!!



"Mommy. Daddy, bought a gown for us. Nihatid po kanina nung magandang girl." Kumunot ang noo ko at natigil sa ere yung hawak kong kutsara dahil sa narinig.



"Sinong babae?" Iritado kong tanong. Huli na noong marealized kong mali ang inuna kong itanong. Humalakhak si Louie.


"Nah. She's just Avery, my designer. I called her last night to bring the gowns here. May pupuntahan tayong party mamaya." Amused niyang sagot. His eyes are dancing with amusement and humor. Tsk.





"Mommy. Selos ka po?" Nakangising tanong ni Lia na siyang nagpatawa kay Louie. Pinanlakihan ko ng mga mata si Lia. Saan ba natuto at nagmana ang isang to.! Malamang hindi sa akin. Hindi ko na siya pinansin at nagkunwaring busy na sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta akong ako na lang ang maghuhugas. Tumango lamang si Louie at binuhat ang anak namin papuntang sala para ipagpatuloy ang paglalaro nilang dalawa.




"Daddy. I want to go out today." Maarteng salita ni Lia sa kanyang ama.




"Sure, princess. Where do you want to go?" Maamong sagot naman niya.




"I want to go and buy many dolls. Can we go to the mall and buy dolls, daddy? Exaggerated pang sagot ni Lia na parang tuwang tuwa sa pinagsasabi.



"Anything my princess wants. Go take a bath then." Natatawang salita naman ni Louie. Tumili tili pa si Lia bakas ng kasiyahan.





"Yehey. Thank you so much daddy. I love youu..." Pakantang sigaw ni Lia. Narinig ko ang mga yabag niya papuntang kwarto. Napasilip ako bahagya. Napatigil muna siya at nakisilip din sa kinaroroonan ko at ngumisi sa akin. Pinantaasan ko siya ng kilay. Oh my goodness. Kanino ba nagmana ng kamalditahan nitong si Lia. She winked at me then giggled. "I loooooove yoooouuuu toooooo mooommmmyyy." Pakanta niya ding dugtong. Napangiti na lamang ako habang ipinagpatuloy ang paghuhugas. Maya maya pa ay mga yabag naman ni Louie ang narinig ko. Lumakas ang kabog ng aking dibdib noong maramdaman ang presensya niya sa aking likuran. I felt his breathing at the side of my neck. Inilagay niya ang kanang kamay sa may sink habang sobrang lapit ng bibig at katawan niya sa akin. I stiffened.





"After that, you should take a bath too, mommy. You'll come with us." Malambing niyang halos bulong ng saad. Nagsitayuan ang mga balahibo ko lalo na noong naramdaman ko ang labi niya sa batok ko. Ang tagal na nanatili doon bago siya tuluyang umalis ng kusina. Halos manlambot ako sa ginawa niya. What is he up to? Kasi kung ano man iyong binabalak niya ay talagang lubos akong naaapektuhan. Damn.





*
"Iihhhh. Ito po daddy. I want this. And this. And oh. That also. Aiiiiii..!!!" Tuwang tuwang tinuturo ni Lia lahat ng gusto niyang dolls na nakadisplay. Tumatawang sinunod naman ni Louie si Lia. Kinuha nito lahat ng tinuro ni Lia. Inilagay niya iyon sa cart na tulak tulak niya ngayon.




"Anything else, princess?" He asked adoringly.





"Yes. Daddy. I want you to kiss mommy.!!" She shrieked. Napatingin si Louie sa akin habang ako naman ay napatanga sa utos ni Lia. Like what the hell is this kid doing??!






"Okay." Napaubo pa si Louie pagkatapos. Binitawan niya muna ang hawak na cart bago ako nilapitan. Inilagay niya sa likod ang medyo mahaba ko ng buhok bago hinawakan ang magkabilang pisngi ko. His stare is unreadable. Hinalikan niya ako ng masuyo. Mabilis lamang iyon enough to make my heart beat go crazy!





"Yehey. Isa pa daddy." Tatawa tawang biro ni Lia. Sinamaan ko na siya ng tingin pero humagikgik lamang siya. Hindi na inulit ni Louie iyon dahil nagpatuloy na sa pagturo turo si Lia ng mga gusto niyang manika. We spent almost three hours at the doll house shop. Lia's doll shoppings were nonstop. Oh my God. Mukhang may balak yatang ubusin ng anak namin ang pera ng ama niya.. I think I need to teach her to save money, not to waste it. I need to stop this bago pa lumaking shopaholic ang anak namin. Nakauwi kamo bandang alas dos na ng hapon. Tulog na si Lia mula sa balikat ng kanyang ama noong makauwi kami. Ipinasok ni Louie si Lia sa kwarto nito. Naiwan naman ako sa sofa. Sumalampak ako doon sa sobrang pagod. Pakiramdam ko, ako ang mas napagod sa kakalakad kanina. Ilang minuto pa ay lumabas na din si Louie. Napatingin ako sa kanya, ganoon din siya sa akin. Ako ang unang nag iwas ng tingin. Suddenly, the space became awkward. Tumikhim siya kaya napatingin ako sa kanya. Nagkamot siya ng kanyang batok.





"Around 4, you need to dress up and do your make up. The party will begin at 7. I'll just take a nap." Malikot ang mga mata niyang sabi. Pinantaasan ko siya ng kilay. Nag iwas siya ng tingin at napalunok. "Uh. I need to go to my room." Atubili niyang litanya. Napatango na lamang ako. Nagsimula siyang maglakad pero natigil din at hinarap muli ako. Muli siyang napalunok bago nagpasyang magsalita. "Ayusin mo ang pagkakaupo mo, kitang kita ko na ang itim mong panty. Yun lang. Sige." Nangamatis ang mukha ko sa sinabi niya. Nawala ang tensyon sa pagitan namin noong marinig ko ang malakas niyang halakhak. Tang inang manyakis!








How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon