Twelve

2K 55 1
                                    

Note: Flashbacks and present time.





"Asaan si Wayne? Si Wayne ang kailangan ko hindi ikaw. WAYNE. WAYNE. I WANT TO SEE WAYNE, please." I saw myself shouting in a hospital bed. Asaan ako? Bakit nakikita ko ang sarili ko?

"Please, baby. Ako ang nandito. Bakit siya pa din ang hinahanap mo?" Umiiyak na tanong ni Louie sa akin. My heart clenched when I saw him wiped his tears. Anong nangyayari?


"I don't need you." Malamig na sagot ko sa kanya. Magsasalita sana siya pero biglang bumukas ang pinto at pumasok si Doctor Tiarra. When I saw her, that's when I realized what is really going on. In that scenario, my plan to hurt him painfully succeeded because I saw how his eyes watered. I saw his pain. I witnessed how he gave his all for me. His last shot. Until he gave up loving me.

Tumalikod siya. I watched him disappeared. Dumilim ang buong paligid at napalitan iyon ng ibang sitwasyon. I saw myself talking to my doctor.

"You must have been really decided to fool everyone with your health condition." Iiling iling niyang sabi.

"I have to do this to get the man for me." Mahinahon kong litanya sa kanya.


"The man for you is just around you. You were just blind enough not to see him, Chantal." Makahulugang sagot niya.

"Si Wayne ang para sa akin." Malamig kong sagot bago nag iwas ng tingin. She sighed.


"You're good in fooling everyone, pati sarili mo nalilinlang mo na din. Sana hindi dumating ang araw na pagsisisihan mo ang pagbitaw mo sa taong nagmamahal sayo para lang ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka masuklian ng pagmamahal. I am your mother's bestfriend. I care about you, Chantal. I want to see you happy with someone you really love, and not with someone who will only make you cry because there's no love in it. You know what I mean." Pagkatapos niya akong sabihan ay umalis na siya. Unti unting lumabo ulit ang paligid. May tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko mabuksan ang mga mata ko sa sobrang dilim ng paligid.




"Mommmmmyyyy!!!!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga noong tuluyan na akong magising sa sigaw na iyon. Aligaga akong lumabas ng kwarto only to see my daughter crying. Mabilis pa sa alas kwatro akong lumapit sa kanya.





"Sshh. Mommy is here. Why baby?" Alalang alala kong tanong.



"I want papa. I want papa." Napabuntunghininga ako sa sagot niya.

"Okay. Okay, baby, I'll just call your papa. Just stop crying." Mahinahon kong pag alo. Tumango tango siya at pinunasan ang sariling luha. Binuhat ko na siya at bumalik sa kwarto para tawagan ang ama niya. Ilang ring pa lang ay sinagot naman na niya.



"Hello." Malamig na sagot sa kabilang linya.



"Lia's looking for you." Sagot ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntunghininga niya bago siya sumagot.


"I'll be there in an hour. I'll just wait for my daughter to fall asleep. Wala si Selena." Mahinahon niyang sagot. I ended the call and didn't dare to protest. Ito ang pinili kong daan. Ang makihati ng oras sa taong pinili ko. Kahit na alam kong nagsisinungaling siya. I know hindi niya ngayon kasama ang anak niya. He's just making an excuse to avoid me.

"Papa will be here mamaya daw. May inaasikaso lang daw saglit." Maamong kausap ko ang anak ko. Hinintay namin siyang dumating pero hindi siya dumating. Nakatulugan na nga din ni Lia ang paghihintay sa kanya. Malalim akong nag iisip noong may biglang kumatok sa pintuan ng tinitirhan namin. Hindi ko muna iyon pinansin sa kadahilanang baka nagkamali lang iyon ng unit na kinatok pero napakunot noo na ako sa pang apat na katok. Nanlaki ang mga mata ko noong makita kung sino ang bisita. There, I saw her. Selena. Lumandas ng luha sa mga mata niya. Hindi ko mapigilang hindi maguilty sa nangyayari sa buhay nila ni Wayne pero ito ang landas na tinahak ko. I should stay firm to that. She stepped forward so I stepped back. Hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa unit ko. Pinunasan niya ang luha niya bago matigas na nagsalita.






"So it's still you. Huh. How does it feel living a block away from where we live? You happy? Masaya bang katalik ang asawa ko? Masaya bang may sinisira kang pamilya? Masaya ba ang ginagawa mo? Masaya bang maging kabit? How can you swallow this kind of shit Chantal? How can you stoop so low just to have my husband? How can you ruin my family? How does it feel huh?" Bulyaw na may kasamang uyam niyang saad sa akin. Kuyom na kuyom ang kamao niya dahil halatang nagpipigil na huwag akong sakalin sa leeg. I know. Because I can feel her seething anger for me. Ilang minuto kaming nagkasukatan ng tingin. Tahimik lamang ako at nagpanggap na walang mababakasang guilt sa mukha ko even when deep inside, I am deeply guilty, I wished I want to die now.







"Wayne wants an annulment from you Selena. Hindi ka na niya mahal! Ako. Ako. Ako ang mahal ni..." Hindi niya ako pinatapos pa dahil sa sinampal na niya ako. Nanginginig ang buong katawan niya sa galit but I stood still, coldly.





"If you think you'll get my sign after this. Think again Chantal. No annulment for Wayne. And oh. Don't you know, he doesn't want to annul too? Kawawa ka naman. You'll forever be his mistress. How sad could that be on your part? Hanggang kama ka na lang ba? Hanggang init ng katawan? And oh by the way. May anak kami. I know Wayne informed you about that since close naman kayo hindi ba?" She smirked after she said those words.






"Hindi siya makuntento sa'yo Selena. Isa lang ibig sabihin nun. Hindi buo ang pagmamahal niya. Dahil kung buo? Hindi basta basta matitibag ang pundasyon ninyong dalawa. Hindi ka niya mahal. He fell out of love. And you can't do anything about it but to accept and sign the papers." Nawala ang ngisi sa labi niya. I know I got her there. I fed her with another lie. I know Wayne loves her to death and I accepted that a long time before but I cannot give him up now that I am in this situation. Call me selfish but I want to make my own family. She's hurt but she still smiled at me trying to feel fearless.







"Oh yeah? How sure are you? Let's see my dearest Chantal. Let's see." Hamon niya sa akin bago inilabas sa bulsa ang cellphone. I don't know what she's up to. Isang ring pa lang ay sumagot na ang nasa kabilang linya. Pinantaasan niya ako kilay habang naka loud speaker din ang phone niya.




"Baby. Let's talk now please. I love you so much Selena. I'm going nuts thinking how to make it up to you. Please baby. Selena please." I should have felt the pain I used to feel but things did change. The reason why I stayed was my bad decisions.





"Now. Sabihin mo sa akin ulit ang sinabi mo kanina." Natawa siya sa pagkatulala ko. She might be thinking na ang rason ng pagkatulala ko ay ang narinig ko. But no. It was something, better yet, someone else. Tumalikod siya pero bago pa man niya pihitin ang hawakan ng pintuan ay nagsalita siyang muli.




"Try to steal what's rightfully mine again, and you'll feel my wrath Chantal. Don't wait for it. Stop third wheeling. You don't deserve that. Don't beg for a person's love. And don't try me. Don't ever try a fierce wife because you won't like it. You won't." Iniwan niya akong tulala. I realized how can I destroy someone else's happiness to make me content. Am I really satisfied now? If yes, then why do I still feel so incomplete and unlovable? Damn it.

How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon