"Yes, princess. She's with me. Your mom is still sleeping. Be good while you're at your grandparents' house, okay?" He's currently talking to Lia over the phone while I am here, lying in an empty bed trying to pretend that I am fast asleep. "I don't know, princess. Maybe we'll be gone for a week. May kailangan lang kaming ayusin ng mommy mo." Malumanay nitong paliwanag. Nagmulat ako ng mga mata. He's scratching his nose now. Muli akong pumikit noong mapatingin sa dako ko si Louie. Naramdaman ko ang paglapit niya at pag upo sa kama. "I need to hang this up, princess, I love you. Be good okay? We'll buy you a lot of pasalubong if you'll be a good girl...." Tumigil ito sa pagsasalita. Probably listening to Lia's whimes. "Alright. Goodbye, princess. Your mom and I miss you too. Don't worry, when we get back, we'll go to Hongkong Disneyland." I heard our daughters' excitement before the call ended. I heard him sighed. I stirred when he touched my hair and caress it. "How are you feeling?" Tanong niya. Napamulat ako doon. He knew I am awake. Napakagat ako ng labi para pigilan nanaman maiyak. Nag iwas ako ng tingin kaya napabuntunghininga nanaman siya. "I'm sorry." Hinang hina niyang sabi. He stopped stroking my hair. Tumalikod siya sa akin at pinagkrus ang mga kamay.
"I." I swallowed the lumped on my throat. "I can understand... Just talk to me. About everything. Please. Kakayanin ko." Matapang kong sabi bago umupo at haplusin ang braso at likod niya. He sideway glanced and held my hand holding his arms.
"Tell me, how can I hate you if you are doing this. Damn." Hirap na hirap niyang sabi. Huminga siya malalim bago ako binuhat at isakay sa kandungan niya. He spread my legs and wrapped around his waist. "Gustong gusto kitang saktan at pahirapan. Alam mo ba yun?" Nanggigigil niyang saad. Malungkot akong tumango tango at yumuko. Iniangat niya ang baba ko. He kissed my lips lightly which took me by surprise. "I want to hate you. Alam mo din ba yun?" Parang iritado pa niyang tanong. Muli akong napatango pero hindi na ako yumuko at pinakatitigan na lamang siya. "I want to hate you so much." Pinagdikdikan pa niya. "But I still love you." Napako ang mga mata ko sa kanya. Napaawang ang aking bibig. He sighed. "Let's just enjoy whatever we have now. I don't want to stress you out." Malambing niyang saad na para bang kagabi lang ay handa na akong lumuhod sa kanya. Whatever his plans now, I just don't give a damn. Alam kong nililito niya lang ako. Pero wala na akong pakialam. Magpapauto ako hanggang sa wala na akong ibang mauwian kundi sa kanya lang. Sa kanya.
We spent our day in a beach. Hindi ko alam kung saan kami ngayon. Ang alam ko lang kasama ko siya ngayon. At masaya ako dahil bumalik ang malambing niyang turing kahit na, kahit na isang linggo lang. Okay na sa akin.
"What do you want to eat for dinner?" He asked casually as he opened the refrigerator. Taka ko iyong sinilip. Punong puno ng pagkain na para bang alam ng nangangalaga na darating kami.
"Kahit ano na. Magluluto ka ba? Tulong ako." Nangiti kong suhestiyon. Napatingin siya sa akin na ngayon ay nakaupo sa island counter.
"Nah. Manang Dory will cook for us. I'll just leave a note to her. May pupuntahan tayo." Napamaang ang labi ko sa sinagot niya.
"Saan?" Taka kong tanong. Kinunutan niya ako ng noo at nagkibit balikat.
"Bakit ba andami mong tanong?" Iritado nanaman niyang sabi na siyang nakapagpatahimik sa akin. Bumuntunghininga siya at akmang lalapit sa akin kung hindi lang nag ring ang phone niya. Kinuha niya iyon at sinagot ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "Hello, Gabbie." Kumunot ang noo ko. Sino naman ang Gabbie na yan? Babae ba niya ulit? "Yes. Of course I will go. Namiss na kita." Sabay halakhak niya sa kausap. "Yes darling. I will. Isasama ko ang anak ko. I want you to meet my little kid." Malambing pa niyang sabi. Napasimangot ako pero nanatiling tahimik. Tumingin siya sa direksyon ko. "About that." He paused. "Yes. I need the outcome. Please email me everything. Tatawagan ko din mamaya ang catering services to check the foods. Thank you so much. You're the best organizer ever. I owe you a lot." Tumahimik siya ulit. "Yes. Francis knew the measurements. I already told him about it too. Make it all classy. And I want that day to be memorable. Yes." He chuckled. "With you in it. And them too." Tawa niya na parang may nakakatawa sa usapan nila. Sa akin na lang siya habang nakatingin sa akin. "Oo. Save that date. You'll be surprised like anyone else." Mataman niya akong tinitigan habang sinasabi iyon sa ibang babae. Bigla nanamang nanikip ang dibdib ko pero wala naman akong ibang magawa kundi tanggapin lahat ng ibubuga niyang galit sa akin. "Okay. Bye. I miss you too." Tumiim ang labi niya pagkatapos ng tawag. Kunot noo niyang tinitigan ang phone niya at tinipa iyon bago inilagay sa bulsa ng pantalon. Tumingin siya sa relo niya at lumapit sa akin. "Tara na." Masungit niyang anyaya sa akin. Tahimik akong tumayo at sinundan siya palabas. I watched him walked while I am behind him. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya. Huminto siya noong makalayo kami sa bahay na tinitirhan namin ngayon. He looked back and sighed before he came near me. Nakapamulsa pa din siya habang ako ay nakayuko at nilalaro ng mga paa ko ang buhangin.
"Look at me." Matigas niyang utos. Napakagat ako ng labi at tiningala siya. Dinungaw niya ako. Umigting ang kanyang panga. Namamasa ang mga mata ko. Nagbabadyang tumulo ang luhang kanina pa gustong kumawala. He sighed again na para bang isa akong pabigat. He looked up. Lumunok siya. Tulala lang akong nakatingin sa adams apple niyang gumagalaw sa ilang beses niyang paglunok. "Look up." Sabi niya kaya napatingin ako sa langit. The stars are so bright. Napangiti ako ng mapait. Buti pa ang bituin. Maliwanag. Samantalang ako. Hayyy. "Just wait for a minute." Dugtong niya habang nakatingala. Tumango ako at sinunod iyon. Isang minuto pa ay may nagsiputakang fireworks sa taas. Namangha ako ss nakita. Ang ganda. Napanganga ako sa mangha. I was so amazed watching those firecrackers when I felt his arms wrapped around my waist. "Happy birthday, baby." Bulong niya sa akin na siyang ikinatulo ng luha ko. Birthday ko pala ngayon. Oo nga. "I'm sorry for doing those things. I'm sorry if I hurt you the past few months. It's just that, I want to surprise you for your birthday and for this." Iniharap niya ako. Hinalikan niya ako sa noo bago unti unting lumuhod. Napasinghap ako sa ginawa niya lalo na noong may maliit na red box siyang inilabas sa kanyang bulsa. Nagpunas siya ng luha gamit ang hintuturo bago nag angat ng tingin sa akin. "Marry me please. Be mine like how am I to you. I love you, Chantal." Napaiyak ako at lumhod para daluhan siya at yakapin.
"Of course. I will. Yes. I will marry you." Napapaiyak kong sabi. Narinig ko ang singhap ng mga taong nasa paligid. Napatingin ako doon at laking gulat ko noong makita ang pamilya ni Louie na nakangiti sa akin. Including... His mom? What is this? Napatingin ako sa kabila. Andito din sila... Papa? At mama? Napatingin ako kay Louie na ngayon ay nakatitig lang sa reaksyon ko.
"Wha... Why? How?" Hindi makapaniwala kong tanong. Ngumisi siya sa akin bago ako ninakawan ng magaan na halik.
"I will explain everything to you later. I am too happy now that I can't even explain all my clever plans I did to make this happen." Halakhak niya habang umiiyak sa harapan ko. Niyakap niya ako pagkatapos. "I love you Mrs. Salvador. You once asked me for how long will I love you? My answer to you now is this. I will love you till eternity. I will love you long enough, enough to make you happy with me. With me. Hindi sa iba. Sa akin lang.
BINABASA MO ANG
How long will I love you (Completed)
General FictionBACHELOR SERIES V For how long are you willing to wait for a girl who never has a plan to love you back? How long will you love her? How long will you longed for her? How long will you let your heart breaks over and over again? #LOUIE ANTHONIE SALVA...