Twenty Eight

1.9K 53 0
                                    

"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?" Inis na inis niyang tanong bago ako hinarap pagkapasok namin ng kwarto.



"I didn't expect na maaabutan kami ng traffic. I'm sorry." Pahina ng pahina ang boses ko noong humingi ako ng tawad.



"You didn't expect??!" Halos lumabas ba ang ugat sa kanyang leeg noong tanungin niya sa akin iyon. Napakagat ako sa labi para pigilan ang hikbing kanina pa gustong kumawala sa aking lalamunan. Napasabunot siya ng ulo at muling tumalikod. Pumewang siya at tumingala. Kahit nasa likuran niya ako ay kitang kita ko ang ebidensya ng galit niyang kanina pa niya gustong ibuga sa mukha ko.




"I'm sorry. I'm sorry." Napatakip na ako ng mukha noong tuluyang kumawala ang hikbi ko. Napaiyak ako sa matinding prustrasyon. Narinig ko ang kanyang yabag palapit sa akin peri hindi ko pa din inaalis ang mga kamay kong nakatakip sa basa kong mukha. Naramdaman ko na lang ang yakap niya at pagtahan niya sa akin.





"Shh. I'm sorry. Hush. I'm sorry. I did not intend to scare you." Mahinahon na niyang pag alo sa akin. Napatingin ako sa kanya. Yumuko siya upang magpantay kami. Pinunasan niya ang basa kong mukha gamit ang kanyang hinlalaki. "I was just scared when I didn't see you home. Akala ko umalis ka nanaman. I thought you left me again." Puno ng pangaba niyang litanya. Inabot ko ang kanyang mukha bago ako tumingkayad para mahalikan siya sa labi. Hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang pisngi bago ako mapusok na hinalikan.





"I'm sorry." Pabulong kong sabi noong maghiwalay ang mga labi namin. He breath near my ears as he hugged me.




"I'm sorry too." Bulong niyang sagot. Binuhat niya na ako at inihiga sa kama. Humiga siya sa tabi ko. Maingat niyang inilagay ang ulo ko sa kanyang braso bago ako hinapit palapit lalo sa kanya.




"Hindi pa ako nakakapagpalit." Reklamo ko. Inamoy niya ang buhok ko.



"Hmmn. It doesn't matter. You still smell good anyway. Let's sleep now, baby." Pagod niyang sagot. Hinahagod niya ang aking buhok kaya parang naitatangay ako hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.




"What made you think, I still love you?" Nanginig ang aking tuhod sa lamig ng boses niyang nanunuot ng galit. He smirked when he saw my reaction. Tumaas ang kilay niya.





"I love you." Nahihirapang saad ko. Humalakhak siya. "I love you." Ulit komg muli. Paulit ulit ko iyong sinasabi pero paulit ulit din ang tawang tugon niya sa akin.





"Aww, my sweet Chantal. Kung sana noon mo sinabi sa akin iyan, sana hindi tayo umabot sa ganito." Umigting ang panga niya. "I want my child. I want her custody. And I want you out of my life after I get my full rights for my daughter. I want you out of our life. You just don't deserve us, both." Galit na galit niyang saad bago ako tinalikuran. Hinabol ko siya pero para siyang liwanag na unti unting nilalamon ng kadiliman ng gabi.






"Baby, hey. Hey. Wake up. Wake up." Napamulat ako ng mga mata sa magaang pagtapik sa aking pingi. Ang nag aalalang si Louie ang agad kong nabungaran.




"You're dreaming. Kanina pa kita ginigising. You're crying too. Ano ba ang napanaginipan mo?" Nag aalala niyang tanong. Napabangon ako at niyakap siya ng mahigpit. Hinagod niya ang aking likuran ng siyang unti unting nagpakalma sa akin.






"I'm sorry for leaving you. If..If you still hate me for it. I can face your anger. Punch me. Hurt me. I will face all of your wrath. Just. Just. Don't ever leave me this time. Mahal na mahal kita Louie. Saktan mo ako ngayon. Pisikal man o emosyunal. Huwag na huwag mo lang ako hihiwalayan. Handa akong harapin ang galit at paghihiganti mo. I will bend on my knees. I will ask and beg. Just don't leave me. Just don't. Please. Please baby." Humahagulgol kong saad sa kanya habang yakap niya ako. I felt him stiffened. Lumayo siya sa akin na parang hapong hapo. Nanginig ang aking labi noong maunawaan ang kanyang reaksyon. Nag iwas siya ng tingin at napabuntunghininga.





"Let's not talk about that, it's all in the past now, Cha. Come on, get up. Let's have our breakfast, baby." Mahinahon niyang salita. Napakamot siya sa kanyang ilong. Iritasyon. Iyon ang nakikita ko sa kanyang galaw pero pilit niyang itinatago iyon sa malambing niyang boses.





"I.." Napalunok ako sa sarili kong laway."Maghihilamos lang ako." Agad akong umiwas sa salubong niyang kilay. Napatiim ako ng labi at nagpasyang tumayo na sa kama. He sighed and walked out.




"We'll wait for you at the dining." Pahabol niya bago siya tuluyang nakalabas.






"Praning ka lang. Naprapraning ka lang dahil sa sinabi sa'yo ng nanay niya. Mahal ka ni Louie, ano ba Chantal. Mahal ka niya." Paulit ulit kong paalala sa sarili. Tinapik tapik ko ang aking basang pisngi. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa harapan ng salamin. "Pero kung totoo man iyon, huwag na huwag mo siyang susukuan, Chantal. Give him a good fight. He deserves that, anyway. He deserves to be loved, after what you've done to him before. Fight lang ng fight. Chantal. Mahal mo diba?" Paalala ko ulit sa sarili bago nagpasyang punasan na ang aking mukha at lumabas na ng banyo.






"Daddy. Are you okay with mommy now? Di na po kayo galit sa kanya?" Naabutan kong tanong ni Lia sa ama. Humalakhak naman si Louie sa tanong ng anak.


"Of course, princess. Your mom and I are fine. Matitiis ko ba ang mommy mo? Eh mahal na mahal ko yun." Nakangiti nitong sagot. Napangiti si Lia dahil doon.




"Don't hurt my mommy, daddy, okay?" Parang matanda nitong utos. Hinintay ko ang mabilis na sagot ni Louie pero natigilan ito sa utos ng anak bago nakasagot.



"O..of co.course." Utal na nitong sagot bago tumikhim. "Of course. I will not hurt your mom. I love her, Lia." Seryoso nitong sagot na parang nasa loob ng korte.




"Good." Napatingin sa direksyon ko si Lia. "Oh. There's mom! Good morning mommy. Halika na po. Upo ka tabi ni daddy. Kakain na po tayo ng breakfast!" Pakanta niyang saad sa huling sinabi. Napatingin naman sa akin si Louie. Nakakunot ang noo nito noong una hanggang sa lumambot ang ekspresyon at nauwi sa malambing na ngiti sa labi.



"Good morning again, gorgeous." Nakangiti niyang bati habang sinusundan ako ng mga mata niya. Naupo ako sa tabi niya. Inabot niya ang labi ko para halikan.




"Tss. Adults." Irap na sabi ni Lia. Napatingin kami sa matalinong bata at sabay na nagkatinginan ni Louie bago sabay ding natawa.

How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon