Twenty Six

2K 50 0
                                    

"Good morning Ms. Chantal." Nakangiting bati sa akin ng sekretarya ni Louie pagkadating ko sa kumpanya.



"Good morning din. Andyan ba si Louie?" Nakangiti kong tugon sa kanya.




"He attended a meeting an hour ago po ma'am. You can go inside and wait for him na lang po doon. Baka patapos na din po sila by then." Magalang niyang sagot sa akin.




"Uh. Hindi na. Dito ko na lang siya hihintayin. Dinalhan ko lang siya ng pang lunch niya." Nahihiyang sagot ko. Napangiti naman ang kanyang sekretarya.



"Naku. Ang sweet mo po talaga ma'am. Ilang buwan mo na siya hinahatiran ng pagkain every lunch. Nakakakilig po talaga kayong dalawa." Masayang saad niya sa akin. Tipid naman akong napangiti doon. "Sige ma'am, you may take a sit po." Dugtong niya bago iminuwestro ang sofa sa harapan. Tumango naman ako at tipid siyang nginitian. I busied myself on my cellphone, checking Lia's. Nasa bahay ngayon nila mama si Lia. Akmang tatawagan ko na sana si mama ngunit biglang may nagsi ingayang mga tao. Baka sila Louie na yun palabas galing sa conference room.





"You should try it, I swear you'll gonna love the menu, Louie." Kumunot ang noo ko noong marinig ang boses ng isang babae. Napalingon ako sa may doorway, papasok sila. Naningkit ang mga mata ko noong makitang sobrang engross na engross silang nag uusap kasabay ang iilang mga nakameeting niya. Tumayo ako pero di pa din nila ako nakita.





"I will try it with my fiancee. Thanks for refering tho, Vivian." Nawala ang ngiti sa labi noong babae at napalitan ng pagkadismaya. Huh! Serves you right. Ako naman ang napangiti.


"You are engaged? How come we didn't hear about that?" Hindi makapaniwalang tanong pa nito.


"Uh. Oh, you didn't attend the party last time. Doon ko siya ipinakilala. Oh andito pala siya. Speaking of my fiancee." Mukhang nagulat pa siya noong makita ako pero mabilis naman niyang nasabing fiancee niya ako. Napatingin ang babae sa akin. Nakangiting lumapit sa akin si Louie at hinalikan sa pisngi. Ipinulupot niya ang isang kamay sa bewang ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag ismid at irap ng babae. Huh. Let's see.




"Babe. I brought you lunch. May meeting ka pa ba after, hmmn?" Pinasadya kong lambingin amg boses ko para makita ng malditang babaeng ito kung sino ang nagmamay ari kay Louie. I even rested my hand in his chest while smiling at him.





"Wala na. Bakit?" Nakangiti naman niyang sagot sabay halik sa aking noo.





"Can I stay in your office, until you're done?" Maingat kong tanong. Napatingin sa akin si Louie. Puno ng pagtataka pero maya maya pa ay napahalakhak na siya bago tumingin sa seryosong si Vien? Vivere? Viviane? Whatever the name of that girl, bitch, is.







"I think we need to go inside. Uh, about the restaurant you were refering to, Vivian, my fiancee and I will go and try it. Thank you." Hindi pa man nakakapagsalita ang babae ay hinila na ako ni Louie. Pero bago man kami makapasok sa loob ay inismiran ko ang babae. Nanlaki ang mga mata niya pero inirapan ko siya at malapad ang ngiting nagpatangay ako kay Louie. Isinara niya ang pintuan noong makapasok na kami. Ikinulong niya ako doon.




"You, jealous?" Nakangisi niyang tanong habang matamang nakatitig sa akin. Napasinghap ako sa tanong niya. He noticed!





"Ano?! Hindi noh! What made you think of that? At may dapat ba akong ikaselos?" I asked exaggerately which earned him a good laugh.




"Baby, I know when you are jealous. You always deny it. But don't worry. There's nothing going on between Vivian and I. She's just my employee." Paliwanag niya. Kumunot ang noo ko.



"An employee? Then why is she calling you by name?! She should call you boss or sir. Hindi first name basis!" Singhal ko na lalong nagpalapad ng ngisi na nauwi sa ngiti.




"See? You're jealous. Should I celebrate now?" Natutuwa niyang salita.



"I'm not!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.




"You are. I am so happy seeing you jealous." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.




"What the hell?" Hindi makapaniwala kong sagot. Humalakhak lamang siya at niyakap ako. Inamoy amoy pa niya ang leeg ko na parang gigil na gigil sa akin.





"Damn. I can't wait to marry you." Bulong niya sa tenga ko. Tumindig ang balahibo ko sa klase ng pagkakasabi niya. Nag angat siya ng tingin sa akin. "I love you, baby." Nakangiti niyang sabi. Napangiti naman ako doon at biglang nawala ang inis ko kanina. I touched his cheeks.






"I love you too, Lou. So much." Madamdamin at naiiyak kong sagot.






"I don't know if I'll ever get used to it. Damn." Tinutukoy niya ay ang pagsabi ko ng mahal ko siya. Hindi pa din siya masanay sanay na sinasabihan ko siya ng mahal kita.





"Araw araw ko namang sinasabi sa'yong mahal kita. Kaya sanayin mo na. Pero mabalik tayo, bakit first name basis kayo nung haliparot na yun ha?" Iritado ko nanamang sabi. Napahalakhak siyang muli at napailing iling kaya sinapak ko siya sa braso.




"Aw. Baby, you are too harsh on me." Natatawang reklamo niya. "She's the director of interiors." Sagot niya na. Napanguso na ako. So, mataas din pala ang posisyon ng haliparot na yun. Akmang magsasalita sana ako noong biglang nagring ang phone niya. Inilabas niya iyon mula sa bulsa ng pantalon niya. Sinilip ko iyon.


Jaime calling....



Sino naman si Jaime? Tumikhim si Louie kaya napatingin ako sa kanya.



"I need to take this call. Umupo ka muna don." Utos niya sa akin sabay turo sa magarang sofa ng opisina niya. Tinanguan ko na lamang siya at dumiretso doon habang matamang nakamasid sa kanya. Naglakad siya papunta sa glass wall sabay lagay sa tenga ng cellphone niya.







"Hello, Jaime." Kunot noo lamang siya habang nakikinig sa kausap. "Uhuh. Yes.. Continue.... about that. Yeah. I still want the company. Do everything to make it mine...I don't care kung papaano makukuha. Just do it.... Yes.. I want it by the end of the year. Do it faster douchebag. You still owe me something, so stop complaining. Simple lang ang ipinapagawa ko. Pabagsak naman na iyon kaya mas mapapadali ang trabaho mo.. Yes..." Napatingin siya sa akin pagkasabi doon. Muli siyang tumingin sa ibang direksyon. "I know, asshole. You don't need to lecture me. Alam na alam ko. Hindi ako makakalimot, kailanman. Alam mo yan. I want to see the result of this. I want to see it break...... Yeah... uhuh... Okay, asshole, goodbye, my fiancee is here." He chuckled. "Yes. She is... I know asshole. I have my....." Hindi ko na maintindihan ang iba nilang usapan dahil medyo mahina na iyon hanggang sa ibinaba na niya ang tawag at tumingin sa akin. Noong una ay akala ko ang nakita ko sa mga mata niya ay galit pero pagkurap ko ay ang nakangiti na niyang mga mata ang nakita ko kaya napangiti na din ako sa kanya. Maybe I was just hallucinating.






How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon