"You don't have to go back to America anak." Kausap sa akin ni mommy. Andito kami ngayon sa bahay nila.
"I have to. It's been a while ma. Matagal na din akong hindi nakakabalik doon. And, I'm planning to stay there for good." Malungkot kong sagot bago ibinaling ang mga mata sa basong hawak ko. Narinig ko ang marahas niyang pagbuntunghininga. Wala na siyang nagawa noong sabihin ko iyon. Nakapagdesisyon na ako. Kailangan ko itong gawin hindi lang para sa sarili ko kundi na din para kay Lia. Matatahimik lang siguro lahat kung ako ang lalayo. Hindi ko kailangan ang ibang tao para sumaya. Pagod na akong ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong hindi ako magawang suklian ng pagmamahal. Siguro nasanay lang ako noon na nasa akin lahat ng atensyon ng mga tao. Na sa isang hingi ko lang ay naibibigay sa akin. Pero iba na kasi ngayon. Andami na ding nagbago. Andami ko na ding nasaktan at muntikang nasirang mga buhay ng dahil lang sa kagustuhan kong makawala sa sarili kong preso. I think, ito na ang tamang panahon para hanapin ko ang sarili ko. Alang ala na din kay Lia, ang anak ko.
Umuwi kami ni Lia sa condo pagkatapos naming bumisita sa bahay nila mommy at daddy. Malungkot silang nakatingin sa papaalis na taxi na sinakyan namin. Isa na din sa mga rason kung bakit ako lalayo ay dahil ayaw ko ng makadagdag sa problema nila ngayon. The company is at stake. And living here, seeing me, will only add to their problems. Tama na sigurong sa kumpanya na lang sila magfocus, kahit wag na nila kaming alalahanin ni Lia.
"Mommy? Who is he?" Nabalik ako sa huwisyo noong tanungin ako ng anak ko. Nakababa na kami ng taxi. Nakatingala siya sa akin habang hawak ko siya sa isang kamay. May itinuro siya gamit ang isa pang kamay kaya napatingin ako doon. Nanlaki ang mga mata ko noong makita kung sino iyon.
"Louie." Kinabahan kong bigkas sa pangalan niya. His eyes is set on us. His jaw, clenched. He gritted his teeth and step forward. Malalaki ang hakbang niya patungo sa direksyon namin. Mabilis kong binuhat si Lia at tumalikod sa kanya. Magkahalong takot at kaba ang naramdaman ko. Hindi. Hindi niya pwedeng kunin ang anak ko. Hindi pwede. Hindi ko kakayanin. Narinig ko ang malalakas niyang mura at papalapit niyang mga yabag. Halos lakad takbo ang ginawa ko huwag niya lang kami maabutan.
"Fuck! Chantal!!!!" Malakas niyang sigaw sa pangalan ko pero mas binilisan ko ang paglalakad na kahit matapilok na ako ay hindi ko na alintana. Saktong may papalapit na taxi sa ay agad kong pinara. Pero bago pa man iyon huminto ay nahagip na niya ang braso ko. Mahigpit kong niyakap ang anak ko at ikinulong amg mukha niya sa leeg ko. Ang galit na galit na mga mata niya ang bumungad sa akin.
"Please." Hindi ko alam kung para saan ang paghingi ko ng please sa kanya. Bigla na lamang iyon ang lumabas sa aking bibig. Napahikbi ako at di na mapigilang mapahagulgol dahilan upang mapatingin na sa akin ang anak ko. Kunot noo niya akong tinignan bago pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"Mommy. Why are you crying po?" Inosente niyang tanong sa akin bago ibinaling ang tingin kay Louie. Nagkasalubong ang mga mata nila. Nabitawan ako ni Louie sa braso sa pagkamangha. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng kanyang mata. Nanginginig niyang nilapitan si Lia pero pumiksi ito at ikinulong ang mukha sa gilid ng leeg ko.
"Lia. Don't be afraid of me. I am your father." Garalgal na salita ni Louie. Marahas na napatingin si Lia sa kanya.
"No! Papa Wayne is my father!!!!" Sigaw niya kay Louie. Iiling iling at marahas na nagbuga ng hangin si Louie.
"I am, anak. Not him." Pagpipilit niya pa din. Napailing ako. Napatingin si Louie sa akin. "Why can't you let me be a father to my child? You can't love me, and now, you're being selfish for me. Hindi ko hihilinging mahalin mo ako ngayon. Ang tanging pakiusap ko lang ay ang hayaan mo akong maging ama sa anak natin. Please, Cha. Let me be a father to her. I know I am her father. I have the results of the DNA already, so don't you dare deny it." Malamig niyang litanya.
"Wala kang karapatan sa anak ko." Walang kaemo emosyon kong sagot.
"Putang ina! Anak ko ang anak mo. Anak natin! Bakit mo siya ipinagdadamot sa akin?!" Galit na galit niyang sigaw kaya napaiyak si Lia. Pilit na inaabot ni Louie si Lia pero hindi ko siya hinayaan. Napasabunot siya sa buhok niya bago dahan dahang lumuhod sa harapan ko. Napasinghap ako sa gulat. Yumugyog ang kanyang balikat tanda na umiiyak siya. "Please don't take away the only happiness I can possibly have, Chantal. I've been living all my life in misery because of loving you too much. I forgot to be happy because of the pain you'd caused me. Lia is the only one who can fix every broken piece of me, now. So please. I beg you. Introduce me to her. Don't take away my opportunity to be a father to her. Please." Hinang hina at suko niyang sabi. My heart ached when I saw him kneel. Oh God.
"Daddy." Nanlaki ang mga mata ko noong marinig iyon mismo sa bibig ng anak ko. Napatingala ang kaninang nakayuko ng si Louie. Nakatungo naman si Lia sa kanya. "Daddy." Ulit pa niya. Napaawang ang labi ni Louie. Di ko na napigilan ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan. Humagulgol ako at napaluhod na din. Hindi ko na ininda ang sakit ng tuhod ko sa lakas ng pagkakasalpak ko sa sahig. Bumitiw si Lia sa braso ko at inabot ang mga kamay sa mukha ni Louie. Tulala akong napatingin sa kanilang dalawa. Pinunasan niya ang luha ni Louie. "Daddy. Stop crying. Lia will never leave you. Hush." Pero imbes na mapatahan si Louie ay mas lalo lamang siyang napaiyak. Niyakap siya ni Lia. It's been so long since i prayed for this to happen. Antagal. Ang tagal tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Pero sa takot kong mawala sa akin si Lia ay pinilit kong itago na lang lahat sa likod ng ulo ko. Kahit na masakit.
"Thank you for acknowledging men finally." Garalgal na salita ni Louie kay Lia.
"You are very much welcome po daddy. Yehey. Kumpleto na. Meron na akong daddy at mommy. I'll boast this out sa school po. Yehey." Pareho kaming nagkatitigan ni Louie pagkarinig iyon. Ako na ang unang nag iwas ng tingin at pinilit tumayo baho pinunasan ang luha ko. Sumunod naman si Louie at binuhat si Lia na ngayon ay nakayakap na sa kanya.
"Yes, angel. We are now complete. I promise you, magiging masaya tayo." Hindi ko alam kung kanino niya iyon sinasabi dahil sa akin naman siya nakatingin. Muli akong nag iwas ng tingin sa kanya. Damn i!
BINABASA MO ANG
How long will I love you (Completed)
General FictionBACHELOR SERIES V For how long are you willing to wait for a girl who never has a plan to love you back? How long will you love her? How long will you longed for her? How long will you let your heart breaks over and over again? #LOUIE ANTHONIE SALVA...