Fifteen

2.1K 58 2
                                    

"Yes. I understand you Mr. Dee. Okay goodbye." Napatingin ako kay daddy noong ibaba niya ang phone. I heard him sigh heavily. Kunot noo akong napatingin sa nag aalala kong ina.

"What's wrong? Napatanong ako sa kanila. They looked at me sadly. Kumunot lalo ang noo ko sa nakitang reaksyon nilang dalawa.

"The company is at stake. We need more investors but they don't want to invest with us. Some were pulling out also." Sagot ni mommy sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya.

"What? Why? How? What happened dad?" I asked curiously.

"Someone is sabotaging the company." Tumigas ang panga ni daddy .

"Who?" Takang tanong ko. Napailing iling siya sa akin.

"We're still tracing who's behind it." Napahawak siya ng sentido. Gusto ko man magtanong pa ay ayoko ng madagdagan ang bigat na nararamdaman niya ngayon. Hindi pwedeng bumagsak ang kumpanya. Bata pa man ako ay andyan na yan. My parents invested a lot of time, money and effort to build that company. Kapag nawala iyon, alam kong malulungkot sila.


"We'll find some ways dad. Why don't you ask for tito Tristan's help?" Kunot noong tumingin si daddy sa suhestyon ko. Umiling siya sa akin.



"You know, Tristan and I are not in good terms 'till now." Malamig ma sagot niya bago tumingin kay mommy. Tito Tristan is my mom's only brother. Hindi talaga sila magkasundo ni daddy dahil ayaw siya ng pamilya ni mommy. Hinawakan ni mommy ang kamay ni daddy.


"Dear, I think it's about time to talk to kuya Tris." Malambing na sabi ni mommy. Sumimangot si dad.

"I know you want us to be okay. But I can't. You understand that. I tried talking to him before. And you saw the result." Malamig na sagot niya na nagpailing kay mommy. Hindi na ito nagsalita pa. Tumahimik ang buong paligid hanggang sa narinig namin ang sigaw ni Lia.



"Mommy!" Agad kaming napatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko noong makita siyang humahalakhak habang hinahabol ng kasambahay. Napangiti ako noong lumapit siya sa akin para hindi siya mahuli. Humahalakhak siyang niyakap ako.



"Aw. She's such a wonder. Come to grandma, baby Lia." Napahinto sa pagtawa si Lia at kinunutan bigla ng noo si mommy.

"Lola. I'm not a baby anymore. I'm five years old." Brat niyang sabi. Nagkatinginan kami nila mommy. Natawa na lamang kami sa kanya.



"Anak mo nga siya. Mana sa'yo." Tawa ni daddy. Napatawa na din ako. Nagpaalam kami pagkatapos. I comforted them kaya naging maayos naman ang pag alis namin sa bahay. Umuwi kami sa condo. Nakatulog na si Lia noong makadating kami doon. Napabuntunghininga ako bago siya iniwan sa kanyang kwarto. I searched for my phone inside my bag to call Wayne. I need to talk to him. But he is is not answering.



The subscriber's cannot be reach. Please try again later.



Napakunot ang noo ko sa paulit ulit na ganoon ang tugon. I decided to wait in front of their condo. I know I will look desperate here but I really need to talk to him. Ilang oras din ako siguro doon naghintay. Muntikan na akong umalis kung hindi lamang siya dumating. Sila pala. With him is his wife. Mukhang masaya silang dalawa. Maybe they already reconciled. Pumait ang pakiramdam ko when I saw them happy and laughing.




"Wayne. Let's talk please." Pinagmukha kong kaawa awa ang boses ko. I know I'll always be good on this. Pretending. Humigpit ang hawak ni Wayne sa kamay ni Selena kaya napatingin ito sa kanya. His jaw clenched. Makikita sa mga mata niya kung gaano niya kinamumuhian ang presensya ko. I no longer wonder why. I didn't set him free when he begged for his freedom. But what is this? Why are they together? They really looked happy.





How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon