Twenty Seven

2K 52 2
                                    

"Gusto kang makilala ng personal ng mga magulang ko." Nahihiya kong sabi sa kanya. Napataas ang kilay niya  at napangisi. Nakasandal siya sa may harapan ng mesa niya habang nilalaro ang hawak nitong signature pen. Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. Bigla naman ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at bigla iyong lumambot.

"Baby, I'm kinda busy this month and the coming months. I can't meet your parents yet. But I assure you, I'll find time to meet them soon. I'm sorry." Malungkot niyang sagot. Inilagay niya sa bulsa ng coat ang pen bago ako nilapitan at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at matamang tinitigan. Umigting ang kanyang panga sa di ko alam na dahilan. Bumuntunghininga siya pagkatapos.


"It's fine. I understand. Anyway, kumain ka na muna. I know you're hungry. Past twelve na pala." Pag iiba ko na lang ng usapan. Napanguso ako noong makita kung anong oras na. Iniangat naman niya ang mukha ko at muling tinitigan. Lumapit siya lalo para halikan ako sa labi. Hinawakan niya iyon pagkatapos niya akong bigyan ng magaang halik.


"Pwede bang ikaw na lang ang maging tanghalian ko?" Malambing niyang tanong. Hinampas ko siya sa balikat na siyang ikinahalakhak niya.



"Gutom ka na nga. Kung ano ano nang sinasabi mo. Eto. Kainin mo." Inabot ko ang dala ko kanina. Ngingiti ngiti niya iyong kinuha. Nagpaalam na ako pagkatapos niyang kumain. Pagkababa ko ng kanyang opisina ay siyang pagsalubong ng taong pilit kong iniiwasan. Ang kanyang ina.
Masama ang kanyang tingin sa akin na tila ba isa akong peste na dapat niyang puksain. Huminga siya ng malalim bago ibinuka ang bibig para magsalita.



"I am warning you woman. Stay away from my son. Sasaktan ka lang niya." May malalim na pagbabanta pero mahihimigan mo ang pagkabahala sa boses niya. Napakunot noo ako noong makita sa seryoso niyang mga mata ang awa. Pero para saan ang awang iyon.




"I love your son po, ma'am. Sorry po pero hindi ko siya lalayuan. Kailangan po namin siya ng anak namin." Naiiyak kong kumbinsi sa kanya. Nagtaas noo siya sa akin at napailing iling.



"I know. But your relationship will only ruin you. Hindi ka na niya mahal." Nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya sa akin. Napaawang ang aking bibig. Napatingin sa paligid ito bago ako tuluyang nilapitan. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinakatitigan ng mabuti. "My son only wants revenge. He is doing this to make you suffer. He wants to see you fall deeper to him until you can no longer let go of him. Once he sees you like that, he'll do his plan. His plan to break you." Malamig niyang dugtong. Halos kapusin ako ng hininga sa sinabi niya. My Louie will never do that. Not to me. He loves me. Her mother only wants me to give up on him. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

"I am sorry po. Gustuhin ko mang paniwalaan kayo ay hindi kaya ng utak kong iproseso lahat ng sinabi ninyo. Your son loves me. I saw it in his eyes. At.." Napalunok ako bago ako nagsalita. "At kung totoo man iyang sinasabi mo, hindi ko pa rin po siya iiwan. Malaking pagkakamali ang iwan ko siya noon dahil sa maling impormasyon. I can't leave him now that I realized how much  I love him. I will do everything to make him fall for me. Kung totoo mang hindi na niya ako mahal. Kung totoo mang naghihiganti siya. Then I am willing to bend on my knees and kiss his feet so he can forgive me. So he can love me again. I am that willing to stoop down just to have him." Garalgal ang boses ko noong sabihin iyon. Napamaang ang labi niya at mariing napailing.




"Louie definitely doesn't deserve you. You deserve someone else not him." Malamig niyang litanya bago ako iniwan sa may lobby. Tulala akong napatingin sa likuran niyang papunta sa elevator. Nanghihina akong naglakad palabas. Ni hindi ko nga alam kung papaano ako nakauwi ng walang nangyayaring masama sa akin.



How long will I love you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon