CHAPTER NINETEEN: A Storm Is Brewing

214K 2.2K 156
                                    

"Good morning!" Pagpasok ko sa kusina ay agad na bumungad sa akin ang bati ni Katie. Inaayos niya ang mga gamit na pangluto. Hindi lang siya ang naroon. Nakaharap sa kalan si Ethan at abala sa pagpiprito. Nagulat ako sa naabutan ko. Sa buong panahon na nagsasama kami ni Ethan ay hindi siya kailanman humawak ng gamit sa kusina. Laging ako ang nagluluto para sa aming dalawa. Hindi ko nga alam na marunong pala siyang magluto.

"Good morning." Mahinang bati ko pabalik. Ni hindi man lang lumingon si Ethan sa akin. Tatlong araw ng nasa apartment si Katie. Natutulog siya sa nag-iisang guest room sa apartment.

Sa mga nakalap kong impormasyon mula sa pang-i-i-stalk ko sa mga social media accounts ni Katie at mula na rin sa mga sini-share ni Katie sa tuwing nakakapag-usap kami ay nalaman kong   matagal na palang magkaibigan ang mga pamilya nina Ethan at Katie. Nalaman ko rin na mas bata siya sa akin ng tatlong taon. She is, in fact, just fresh out of college. Nakapagtapos siya ng kursong related sa music. Ayon kay Katie, tumakas siya mula sa kanila. She is running away from an arranged marriage. 

"Breakfast will be ready in a few minutes." Nakangiting sabi ni Katie sa 'kin. She is nice. Wala naman siyang ipinapakita na hindi maganda sa akin. That's why I feel bad. Hindi ko magawang tuluyang maging friendly sa kanya. Maybe I'm just being jealous. Siyempre, malapit siya kay Ethan. So close than I ever will be with him. Isa pa, pakiramdam ko ay espesyal  ang turing ni Ethan kay Katie. He seemed more caring, more understanding, and more gentle with her. Patunay nga ang pagluluto niya ngayon. Katie brought out sides of Ethan that I have never seen and never known. At kinaiinggitan ko si Katie dahil roon.

Umupo na ako sa dining table. Pinapanood ko ang dalawa kong mga kasama na nagtutulungan sa kusina. They looked like a real couple. Bagay na bagay sila. I watched Katie wipe off the sweat from Ethan's forehead. And I watched Ethan flash that rare boyish smile at her. Nawala ang gana ko sa pagkain. Pakiramdam ko invisible ako ng mga oras na 'yun. 

Nang handa na ang almusal at nakaupo na kaming lahat ay pilit kong iniiwas ang mga mata ko kay Ethan. Ayokong mabasa niya sa mga tingin ko ang nararamdaman ko ng mga oras na 'yun. Ayokong magmukhang kawawa.

We were silent throughout the meal, except for some instances when Ethan would ask Katie if the food tastes good. Ako, wala na akong malasahan. Nahihirapan na nga akong lumunok. 

"Hey, you got something on your face." sabi ni Ethan, sabay hawak sa may gilid ng mukha ni Katie. Pinunasan niya ang mantsa na naroon.

"Thanks." sagot ni Katie.

"Ikaw kasi, ang takaw mo." biro ni Ethan. Tumawa lang si Katie. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Agad akong napatayo na siyang dahilan para gumawa ng ingay ang upuan ko sa pag-atras niyon. Napalingon silang dalawa sa akin.

"Mauna na 'ko. Male-late na ako sa klase. Salamat sa breakfast." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Nagmamadali na akong pumulot  ng bag ko na nasa sala at lumabas ng apartment. Habang naglalakad ako papunta sa school ay hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. 

Bakit ba ako nasasaktan ng ganito dahil sa kanila? Bakit ba nagpapaapekto ako ng ganito sa mga pangyayari? Sobrang tanga ko naman talaga. Hayun na at hayagang ipinapakita sa akin ni Ethan na hindi ako espesyal sa kanya pero hindi pa rin ako natututo. Baka sa susunod  nito ay tuluyan na akong magiging martir. 


I was peacefully eating a sandwich when someone sat beside me. Nakaupo ako sa isa sa mga benches na nakakalat sa buong university.

Nang lingunin ko kung sino ang bagong dating ay nakita kong si Caleb iyon. Pinagpapawisan siya.

"O, ba't ka hinihingal?" tanong ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago ako sinagot.

"We're friends, right?" Nagtataka ako sa tanong niya.

"Yeah." Sinagot ko pa rin siya.

"And you trust me?" He was asking weird questions.

"I guess." 

"Alright." Lumunok siya. "I'm going to do something, but you have to trust me. I'll explain everything later." Sasagot na sana ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Sa gulat ay hindi ako naka-react agad. The kiss lasted for a mere five seconds. Nang ilayo niya ang mukha niya sa akin ay hindi pa rin ako makagalaw. 

"Caleb!" Napalingon ako sa tumawag. Isang babae iyon na nakatingin sa amin sa 'di kalayuan. Kinuha ni Caleb ang kamay ko.

"Let's go!" Hinila niya ako palayo roon. Before we were out of sight, I thought I saw Ethan standing among the small crowd near the "crime scene".  He had a very dark look on his face.



The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon