"Nicnic, mag-usap nga tayo." tawag ni kuya sa 'kin. Nauna na siyang naglakad palabas ng bahay.
Ibinaba ko muna ang pinggan na hinuhugasan ko at sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
Hinarap niya ako at seryoso ang tinging ipinukol niya sa 'kin.
"Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. Ano ba talaga ang relasyon niyo 'nung Ethan na 'yun?"
Hindi ako agad nakapagsalita. Mukha namang walang balak ang kuya ko na palampasin ako sa pagsagot.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot kasi hindi ko rin alam kung ano ba talaga kami ni Ethan.
"Magkaibigan." Nang sabihin ko 'yun ay 'di lang kuya ko ang mukhang 'di naniniwala, pati rin ako ay 'di kumbinsido sa sagot ko.
"Weh?" Iniwas ko ang tingin ko kay kuya. Malakas talaga pang-amoy niya sa mga ganitong bagay. Mas tsismoso pa siya kesa sa 'kin.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala."
"'Di talaga ako naniniwala."
Gusto ko siyang suntukin. Bakit ba kasi siya nakikialam?
"Hindi ako bulag. Nakikita ko kung paano niyo titigan ang isa't isa kapag akala niyo walang nanonood. Nahuhuli ko ang mga panakaw-nakaw niyong tingin sa isa't isa. At bobo lang ang 'di makakaintindi na may namamagitan sa inyong dalawa."
Natameme ako. Mahal ko ang kuya ko at isasakripisyo ko ang buhay ko para sa kanya pero sa mga ganitong pagkakataon, gusto ko siyang ilagay sa sako at itapon sa dagat.
Puwedeng hayaan lang kami ni Ethan ng lahat? Komplikado na nga na kaming dalawa lang, nakikisali pa ang iba.
"Friends nga lang kami." Ugh. Napaka-showbiz naman ng sagot ko. I stopped myself from rolling my eyes at my own answer.
Tiningnan lang ako ni kuya.
Sabi nila, isa daw sa mga sign na masasabi mong nagsisinungaling ang isang tao ay kapag 'di siya makatingin ng diretso sa'yo. Kaya naman walang kurap na tumingin lang ako kay kuya.
Sa wakas ay nagsalita siya.
"Mahal kita, 'lam mo 'yan. Utol kita e. Nag-aalala lang ako para sa'yo." Nang mga sandaling 'yun, 'di na ako naiinis sa kanya.
"'Wag mong kalilimutan ang worth mo bilang tao, bilang babae. Ang tamang lalaki, makikita rin 'yun at tatratuhin ka sa paraan na karapat-dapat." patuloy niya.
His words were heavy. And they were true.
Bigla ay parang gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat.
"Choice ang love kaya choose wisely." Tapos ay ginulo niya ang buhok ko.
Tiningnan ko siya ng ilang sandali bago ako nagsalita.
"Mahal ko siya, kuya." Ayun na. Inamin ko na.
Mukhang 'di naman siya nagulat. 'Di siya nagsalita agad at tiningnan lang ako.
"Alam ba niya?"
Umiling ako.
"Sa tingin mo mahal ka ba niya?"
Bumuntong-hininga ako bago nagkibit-balikat.
"Malabo. 'Di ko alam. Ewan." sabi ko. "Minsan parang may something sa 'min. Tapos, minsan parang 'di kami magkakilala."
Inilagay niya ang isang kamay sa balikat ko.
"Hindi kita bibigyan ng advice dahil 'di 'yan ang kailangan mo. Ang ibibigay ko sa'yo ay isang paalala." He looked serious. "'Wag puro puso pairalin. Kung masyado ng masakit, 'wag magtiis. 'Di contest ng mga martyr ang pag-ibig." Saka niya ginulo ang buhok ko.
"Matanda ka na. Kaya mo ng mag-isip para sa sarili mo." 'Yun ang huling sinabi niya bago siya bumalik sa loob ng bahay.
Naiwan naman ako roon na nag-iisip.
"Ethan, tara tambay muna tayo sa labas." sabi ko sabay hila sa kamay niya.
Katatapos lang namin maghapunan. Nakabalik na ang mga magulang ko sa kanilang kuwarto at ang pinsan ko naman ang nakatokang maghugas ng mga pinagkainan ng gabing 'yun.
Nang makarating kami sa labas, umupo kami sa may hagdan.
For a while, we just sat there in silence, staring up at the dark, open sky. Walang stars ng gabing 'yun. Tanging ang bilog na buwan lang ang nagbibigay ilaw sa buong kalangitan.
Mga kuliglig lang din ang gumagambala sa katahimikan ng paligid.
"Ethan." It was now or never. Ipagtatapat ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Tumingin ako sa kanya. Ibinaling naman niya ang atensiyon niya sa 'kin.
"I love you." As soon as the words went out of my mouth, the heaviness in my heart was lifted up.
Pero nawala rin iyon ng makita ko ang ekspresyon sa mukha ni Ethan. He looked liked someone told him tonight was his last night to live.
Suddenly, I regretted baring my feelings. Alam kong pagsisisihan ko ang nagawa ko.
Stupid girl.
Nang makabawi sa initial shock ay nakapagsalita na rin si Ethan.
"You're just confused. You mistake lust for love. And that's okay."
Unti-unting nalulukot ang mukha ko sa mga sinasabi niya.
"We have sex. And believe me, the sex is amazing. Pero 'di mo kailangang maramdaman na kailangang haluan ng ibang bagay ang sex para maging special siya." His eyes were gentle. "Trust me when I say that what we have is special enough. 'Di mo kailangang ma-pressure na mahalin ako. 'Di mo kailangang pilitin ang sarili mo na magkaroon ng feelings para sa 'kin."
I was torn between crying and punching him in the face.
"Bakit, wala ka bang nararamdaman para sa 'kin? Bukod sa libog?" garalgal na ang boses ko. Nagbabanta ng tumulo ang luha ko.
He was taken aback by my question.
"Kapag ba nagse-sex tayo, ang iniisip mo lang ba kung gaano ako kasikip at kabasa? Hindi ba bumibilis ang tibok ng puso mo? Sumasaya at gumagaan ang pakiramdam mo 'pag magkayakap tayo?" Umiiyak na ako.
Hindi siya nakapagsalita.
"Kasi ako, nararamdaman ko 'yun. Mahal kita hindi dahil masarap ang sex sa pagitan nating dalawa. Mahal kita. Period."
He looked like he was in pain. Parang nahihirapan siyang magsalita.
"You mean something to me, Veronica. But I won't call it love. I'm sorry."
Sorry-hin mong mukha mo, gago!
Tumayo ako.
"Stay away from me. And stay away from my vagina!"
Tumalikod na ako at nagmamadaling pumasok ng bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/88145256-288-k443622.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
Ficción GeneralPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...