The last week of the semester went by fast for me. It was Friday night and my friends wanted to hang out. Naisipan kong pagbigyan sila. Tutal, matagal rin bago ko sila makita uli. Saka hindi kami masyadong naka-bonding ng sem na iyon. Gusto kong bumawi sa kanila.
Kumain kami sa isang restaurant. Matapos ay nagliwaliw kami sa boulevard. Sa isang banda ay naroon ang dagat at sa kabila naman ay ang mga nakahilerang mga iba't ibang kainan. Maraming mga tao sa boulevard ng mga oras na iyon. May mga pamilya, may mgta magkakaibigan, at saka may mga magkakasintahan na namamasyal.
Mga ilang minuto na rin kaming naglalakad ng biglang gustong uminom ng shake ni Belle. Naisipan naming tumawid sa kabilang daan kung nasaan ang mga kainan. Binabagtas namin ang daan papunta sa isang café na nasa dulo pa.
Bigla kaming pinigilan ni Joyce.
"Guys, stop." Sabay kami ni Belle na napalingon sa kanya.
"Anong problema?" tanong ko. Hindi siya sumagot. May ininguso lang siya. Sinundan namin ang direksyon na itinuturo niya.
Namumukhaan ko ang boyfriend ni Joyce. Ilang beses ko na rin kasi siyang nakita. May babaeng nakakuyanpit sa leeg niya ngayon. Nasa labas sila ng restaurant. Hinalikan ng babae ang boyfriend ni Joyce. Agad na sumugod si Joyce sa dalawa. Sinundan naman namin siya ni Belle.
Mukhang nagulat ang lalaki na makita si Joyce roon. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan. Sinasabunutan ni Joyce ang babae. Napuno ng sigawan sa labas ng restaurant.
"Mga walang-hiya kayo!" sigaw ni Joyce.
"Ahhh! Help me!" sigaw naman ng babae.
Lumabas ang isa pang babae at nang makita na mukhang inaaway ang kaibigan niya ay nakisali na rin siya. Siyempre, to the rescue kami ni Belle sa kaibigan namin na mukhang pinagtutulungan na.
Pinuntirya ako noong bagong dating na babae. Nagsabunutan kami. Buong lakas niya akong itinulak. Nang hinahanap ko pa ang balanse ko ay lumapit siya sa akin at kinalmot ako sa mukha.
Doon uminit ang ulo ko. Akma ko na sana siyang susuntukin ng biglang lumabas si Ethan sa restaurant.
"Veronica?!" Natigilan ako ng marinig ko ang boses niya. Nilingon ko siya. Dinakma ako ng babae, dahilan para mabuwal kami sa sahig. Hinampas-hampas niya ako at sinusubukan ko namang barahin ang mga tama niya gamit ang mga kamay ko.
Naramdaman ko na lang na nawala na ang bigat ng katawan na nakadagan sa akin. Pagtingin ko ay inilalayo ni Ethan ang babae sa akin.
"Huwag mo akong pigilan, Ethan!" sabi ng babae.
"Stop it, Lorraine! You're making a scene!" saway ni Ethan.
Nilapitan ako ni Belle at tinulungang makatayo. Naroon na ang guard at ang manager ng restaurant para kontrolin ang pangyayari.
"You're bleeding." Nagulat ako sa sinabi ni Belle. Hinawakan ko ang pisngi ko kung saan tinamaan ng babae kanina. Pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo nga roon.
Napatingin uli ako kay Ethan. Ayokong kasama niya 'yung babae. Gusto kong nasa tabi ko siya.
"Ethan!" tawag ko sa kanya.
"You know her?" ang babae.
"She lives in my apartment."
"Halika dito, please." Pinipigilan kong maiyak. Ni hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Siguro dahil sa hiya sa ginawa kong pag-e-eskandalo. Siguro dahil sa nararamdaman kong hapdi mula sa sugat sa mukha ko. Siguro dahil noon ko lang nakita si Ethan mula ng samahan ko sa orphanage si Caleb.
Hindi ko na siya natitiyempuhan sa apartment. Minsan hindi siya doon natutulog. Minsan nagkakataon na hindi kami nag-aabot. Tinitext ko siya pero hindi siya nagre-reply. Tinatawagan ko siya pero nagri-ring lang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/88145256-288-k443622.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
Ficción GeneralPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...