CHAPTER THIRTY-EIGHT: The Heart Never Learns

129K 1.5K 371
                                    

"C-Caleb." bati ko sa kanya. Tumayo siya ng makita ako at inalalayan ako paupo.

I asked him to see me. Nasa isang coffee shop kami.

Naisip ko na kailangan kong sabihin sa kanya ang napag-usapan namin ni Ethan. I thought it was only fair.

"So, what I'm hearing is that hihintayin niyang makapanganak ka para magpa-DNA test sa bata. And while waiting for the baby's delivery, he will be with you to help you."

Tumango ako.

"Then, anong mangyayari pagkatapos 'nun?"

Kumunot ang noo ko.

"Pa'no kung kanya ang bata? Pa'no kung akin ang bata? What does he intend to do then?"

Hindi ko siya nasagot. Wala naman kasi akong alam. Ethan didn't talk about it.

Bumuntong-hininga si Caleb.

"Veronica, don't be a fool. Pinapaasa ka na naman niya sa wala. At hinahayaan mo naman siya. 'Di ka pa ba napapagod sa lahat ng 'to?"

Hindi ako sumagot.

"Hindi natin kailangang maghintay hanggang makapanganak ka para malaman kung sino ang ama. There's a test that can be done even while the baby is still inside. I will pay for it. I'm sure alam din ni Ethan ang tungkol 'dun. I just don't know why he didn't mention it to you."

I still didn't say anything.

"Bakit, ayaw mo bang malaman agad kung sino ang ama ng bata?"

Noon na ako nagsalita.

"Hindi naman sa ganun, Caleb."

"Then what is holding you back?"

Not what. Who.

Natatakot akong malaman kung si Ethan nga ba o hindi ang ama. Hindi ko man aminin sa kahit sino, inaasam ko na si Ethan ang maging ama.

Kapag ginawa ko 'yung DNA test na sinasabi ni Caleb at napatunayan niyon na hindi si Ethan ang ama, tuluyan na akong mamamaalam kay Ethan.

I know na hindi ko mapipigilang ipa-test ang bata. Paglabas din niya, ipapa-DNA din siya ni Ethan. Ang difference lang talaga ay ang panahon. And I wanted to have that time, badly.

That was all that I had: time.

Hindi pa ako handa na biglang mawala agad sa buhay ni Ethan. I just want to be with him for a little while while also preparing myself for our imminent separation.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Ethan kung bakit hindi niya inalok sa akin ang maagang DNA test na sinasabi sa 'kin ngayon ni Caleb. Whatever his reasons, siya lang ang nakakaalam. Ang mahalaga sa 'kin, it is favorable to me.

"Natatakot ka bang malaman kung ako ang ama?"

Napatingin ako kay Caleb. He looked so broken.

"I'm not Ethan, Veronica. But I'm me and I love you."

Napaiyak na ako ng tuluyan. Bakit kasi hindi na lang siya ang minahal ko?

"Nasasaktan din ako, Veronica. Here I am giving you all of me pero somehow, hindi pa rin 'yun sapat. You still want that bastard."

"Caleb..." Gusto ko siyang aluin. Gusto kong hawakan ang kamay niya at sabihin sa kanya na hindi niya kasalanan na hindi ko mapakawalan si Ethan.

Tumayo siya.

"You know how to reach me if you need anything."

Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Agad na rin siyang umalis.







Gabi na ng umuwi ako sa boarding house. Buong araw umikot lang ako sa mall, nililibang ang sarili ko para 'di ako masyadong makapag-isip.

Mula ng iwan ako sa coffee shop ni Caleb, hindi na ako natahimik. I felt like a really bad person for hurting someone as pure as Caleb.

Siguro deserve ko nga talaga ang lahat ng paghihirap na pinagdadaanan ko bilang kabayaran sa pananakit ko sa kanya.

Hell, I deserve a thunderbolt.

"Veronica!" tawag ni Ethan. Nilapitan niya na ako. He was waiting for me. Para pa akong naguguluhan kung bakit siya naro'n.

"Akala ko may masamang nangyari sa'yo."

Huh?

"I called you and texted you a couple of times. 'Di ka sumagot."

Oh.

"My phone was on silent mode. Nang i-check ko kanina, empty bat na."

Mukha naman siyang nahimasmasan. Bigla ay bumalik ang inis sa mukha niya.

"You should not make me worry like that."

Tumango lang ako.

"May problema ba?"

Tumingin ako sa kanya. Umiling ako. He doesn't have to know about Caleb.

"Ba't ang tamlay mo?"

"Wala. Napagod lang ako."

"Kumain ka na?"

"Oo, kanina. Bago ako umuwi."

He was silent for a moment.

"So, why are you here?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

"I...I was worried when I couldn't contact you."

"Ang sabihin mo gusto mo lang ako makita." I didn't intend to say that out loud, but it came out of my mouth before I could even think.

Joke lang naman 'yun. My attempt at making the situation lighter. Hindi ko naman inasahan ang isinagot niya.

"That too." Mahina lang 'yun pero rinig na rinig ko. Klaro pa sa tubig ng Nature's Spring ang mga salita niya.

Tumikhim siya.

"Sige na, pumasok ka na. You should get your rest now."

Saka naman tumunog ang tiyan niya.

Pareho kaming nagulat.

Bahagya siyang namula, humalukipkip. Hindi ko naman napigilang matawa.

"Hindi ka pa ba kumakain?"

Umiling siya.

"I...I was waiting for you." Iniiwas niya ang mga mata sa 'kin.

I know that I shouldn't be reading on his actions too much. Mahirap na, baka umasa na naman ako sa wala. Pero hindi ko maalis na makaramdam ng konting saya sa pinapakita niya.

Tiningnan ko siya. Hindi ko na itinago ang ngiti ko.

"Kumakain ka ba ng kwek-kwek?"

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon