CHAPTER FORTY-ONE: A Threat To Life

124K 1.4K 149
                                    

Ethan and I never spoke about what happened that night outside the boarding house.

Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula ng tagpong 'yun pero malinaw na malinaw pa rin sa 'kin ang mga detalye na para bang tatlong oras lang ang nakararaan mula ng mangyari 'yun.

Hindi pa kami nagkikita mula noon. He was busy in the law firm. Busy rin ako sa pag-aasikaso sa mga documents ko sa school.

Nagti-text lang siya sa 'kin para tanungin ako kung nakakain na ako. That's three times a day for every meal. Ang huling text niya sa 'kin araw-araw ay ang pagbati ng plain "good night". Walang emoji, walang kahit anumang icon.

Minsan, gusto ko siyang i-text para kumustahin lang pero pinipigilan ko ang sarili ko. I didn't want to disturb him. Baka mainis pa siya sa 'kin.

Habang papalabas ako ng University Registrar's office ay nakasalubong ko si Belle. Ang huli naming pagkikita ay noong may nangyaring gulo sa may boulevard ng mahuli ng isa pa naming kaibigan na si Joyce ang boyfriend niya na may kasamang ibang babae.

We had exchanged a few texts before, but somehow it had stopped. Hindi ko na namalayan na wala na pala akong koneksyon sa kanila. Idagdag pang ang daming nangyari sa 'kin nitong nakaraan. We also didn't have any similar classes this semester.

"Veronica!" Belle squealed and hugged me. Nagulat ako. Sa totoo lang, inasahan kong magtatampo siya dahil bigla na lang akong hindi nagparamdam. Pero masaya pa siya na makita ako ngayon.

Now, I feel more ashamed. Ganito siguro ang pakiramdam ng prodigal son sa Bible na matapos ng lahat ng ginawa niya ay pinaghandaan pa rin siya ng welcome party ng ama niya ng umuwi siya.

"Veronica?" Humiwalay sa 'kin si Belle at may pag-aalala sa mukha niya ng tiningnan niya ako. Umiiyak na kasi ako. I wish I could say it was because of the hormones, but I am quite sure I was crying because I was just happy to see someone I know.

"Sorry." That was all that I could say. Niyakap lang niya ako ulit.

"Na-miss kita, girl. Sa'n ka ba kasi nagtago all this time?"






Matapos i-serve ng waiter ang fresh orange juice ko at ang mocha cofee latte ni Belle ay agad kaming nag-usap.

"So, kumusta na?" Ako ang naunang magtanong.

"Heto, busy sa school at part-time job."

"May part-time job ka na ngayon?"

"Yeah. Sa isang fast food chain. 'Yung tita ko na sumusuporta sa pag-aaral ko, nagkasakit e. Kailangan kong magtrabaho kung gusto ko pang makapag-aral. This time, I really want to finish college."

Kung sa iba nangyari 'yun ay susuko na lang siguro sila. Pero hindi si Belle. She was a fighter. Maaaring mukha siyang 'di makabasag pinggan. But beneath that soft exterior lies a will power made of steel.

"You can do it, Belle." pagbibigay ko ng lakas ng loob sa kanya. She smiled gratefully at me.

"E, si Joyce?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung nasa'n na siya ngayon. The last time we talked, tinatakbuhan nila ng ama niya ang mga pinagkakautangan ng pamilya nila."

Pareho kaming natahimik. Sana ligtas lang si Joyce.

"Anyway, how about you? Ano ng balita?" Si Belle naman ang nagtanong.

Tiningnan ko siya. Where do I even begin?






"Are you sure ayaw mong mag-sleep over sa apartment ko? Kami lang naman ng kapatid ko ang nandoon." tanong uli ni Belle sa 'kin.

Umiling ako.

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon