For the past few days, a lot of scenarios have played in my head for when Ethan and I will see each other again.
Every time, nauuwi iyon sa pagpatay ko sa kanya. I hated him that much, that I have thought of a hundred different ways to inflict him pain.
Pero hindi ko napaghandaan ang pagkikita naming ito.
Siguro, hindi ko rin talaga mapaghahandaan kailanman ang pagkikita namin uli.
Lahat ng sakit ay bumabalik. Lahat ng pangungulilang pilit kong sinisikil ay bumabangon.
Nanlulumo ako sa sarili ko. Hindi ko pa rin pala napagtagumpayan ang mga pinagdaanan ko.
Akala ko 'pag nakita ko siya uli, mababawasan na 'yung pagmamahal na nadama ko para sa kanya. But if this moment proved anything, it would be that I am still in love with him. So deeply in love that by loving him, I am slowly killing myself.
Mahal na mahal ko ang putang-inang lalaking 'to.
"How are you?"
Pa'no ko ba sasagutin ang tanong niya? Sasabihin ko ba ang totoo, na sa bawat araw na hindi ko siya nakikita, kulang na lang ay puntahan ko siya at magmakaawa na tanggapin ako? Na respeto na lang sa sarili ko ang nagpipigil sa aking gawin 'yun? Na kapag nag-sorry siya ngayon ay magiging okay na ang lahat, na babalik ako sa kanya basta lang sabihin niyang na-miss na rin niya ako?
It's pathetic, really.
But it's the truth.
Ganun ko siya kamahal, na kaya kong kalimutan ang anumang ginawa niya.
"I'm fine." sagot ko sa wakas. I have to be strong. Walang ibang choice. If anyone's going to beg tonight, it wouldn't be me.
"Good." Tumango-tango siya. His hands were in his pockets.
"You look good, by the way."
"Good"? Heck, I look better than that!
Bigla ay nainis ako sa kanya. Bakit "good" lang ako sa kanya gayong abot langit na ang pagpi-praise ni Caleb sa akin?
Ah, muntik ko ng makalimutan. I'm just an insignificant girl to him.
Sa dinami-rami na siguro ng mga nakilala niyang magagandang babae, pangkaraniwan na lang ang mukha ko. At siguro sa damirami na rin ng naikama niya, hindi na ako nagsa-stand out.
"Thanks." malamig kong sagot.
Mukhang may gusto pa siyang sabihin, pero sa huli ay nanahimik rin siya.
Nagsimula na akong maglakad, saka naman niya binuka ang bibig ulit.
"Are you happy with Caleb?"
Tumigil ako. Naikuyom ko ang mga palad ko.
"What's it to you?"
"You should break up with him, habang maaga pa."
Noon ko na siya hinarap.
"At bakit naman kita susundin? Ano ba kita?"
"Hindi kayo bagay."
"Fuck you!" sigaw ko na. "Bakit? Dahil mayaman siya? Dahil wala akong klaseng babae?"
"Lower your voice, Veronica." Nagbabanta ang mga tingin niya.
"Ibang klase ka rin 'nuh? Matapos mo akong ipagtulakan palayo, ngayon sasabihin mo sa 'kin kung sino ang bagay sa 'kin?"
Nilapitan na niya ako.
"Pray, do tell, sino bang bagay sa 'kin? Ikaw?"
"Let's not talk here." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa ibang direksyon, malayo sa kasiyahan na nagaganap. Pinipilit kong kumawala sa kanya pero malakas siya.
BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
Tiểu Thuyết ChungPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...