I was in the car with Ethan. Bumibiyahe kami papunta sa probinsya niya.
Doon na ako hanggang sa makapanganak ako. I will be living with his brother's family. Nakilala ko na sila noong na-engage kami ni Ethan at ngayon ko lang sila uli makikita. Mababait naman sila.
Sabi ni Ethan na mas maaalagaan ako doon. Hindi na ako mase-stress uli.
Dahil ilang oras din ang biyahe papunta sa probinsya niya mula sa lungsod, nangangahulugan na makikita ko lang siya tuwing uuwi siya sa weekend.
I don't know if that's a good thing or a bad thing. I will still have to see.
Puro kapatagan na ang nadadaanan namin. I think I will like it here. Presko ang hangin at kahit saan ka tumingin, may berde kang makikita. It is very relaxing.
Ethan reaches out to put a hand over my stomach.
"Okay lang kayo ni baby?" tanong niya.
"Yeah." I answered, then smiled.
Ever since that miscarriage threatened to happen, we had promised to put the baby first. Hindi na lang mga sarili namin ang dapat naming isipin. Dapat naming isantabi muna ang mga 'di pagkakaunawaan namin para sa batang nasa sinapupunan ko.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring masama sa bata.
I look out the window of the car.
Everything will be okay. Mommy and daddy are gonna protect you, baby.
Matapos maiakyat ni Ethan ang mga gamit ko sa kuwarto ko ay nananghalian na kami kasama si Kuya Art na kapatid ni Ethan at si Ate Faye na asawa ni Kuya Art.
Wala pa silang anak. Kunsabagay, thirty years old pa naman si Kuya Art at twenty-eight pa naman si Ate Faye. Magtatatlong taon na silang kasal.
Naisip ko tuloy kung masyado bang bata ang edad na twenty-five para maging ama si Ethan. Ako naman ay magbi-biente kuwatro anyos na sa susunod na dalawang linggo.
Kaya ko nga kayang maging ina?
At pa'no si Ethan? There are still a lot of things ahead of him. Marami pa s'yang puwedeng maabot sa buhay. Nagsisimula pa lang siya. Malaking responsibilidad ang isang anak.
That is, if the baby is his.
Right. Minsan ay nakakalimutan ko na hindi ganoon kadali ang lahat sa lagay ko.
I should stop treating this baby like it's Ethan's.
Mamahalin ko pa rin naman ang baby na 'to kahit sino pa ang maging ama. Pero alam ko na kung sa huli ay hindi si Ethan ang ama, manghihinayang talaga ako. He's the man that I love and I want him to be the father of my child.
Kung magkataon mang si Caleb nga ang ama, alam kong hindi rin magkukulang si Caleb. He will be a great father, I can tell. But I don't want to drag him to this mess any further than I already did. Out of the three of us, it will be the most unfair to Caleb. Siya ang pinaka-walang kasalanan sa 'min.
Sa huli, ang baby ang pinakakawawa sa lahat ng 'to.
Ayokong malaman n'ya ang tungkol sa lahat ng 'to. Ayokong isipin n'ya na kasalanan n'ya kung bakit nangyari ang lahat ng 'to. I want the baby to think that I wanted his or her presence in the first place. I want to tell him or her that ever since he or she came, life has been beautiful.
Sisiguraduhin ko na mamahalin ko s'ya ng sobra na hindi n'ya kailanman mararamdaman na walang nagmamahal sa kanya. The baby will never feel unwanted. Hindi ko hahayaan ang sinuman na iparamdam sa baby ko na hindi siya ginusto. I swear that on my grave.
BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
Ficción GeneralPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...