CHAPTER TWENTY: A New "Contract"

215K 2.3K 112
                                    

Tumigil kami ni Caleb malapit sa isang fountain. Uminom siya ng tubig mula roon. Hinintay ko muna siyang matapos bago ko siya sinimulang tanungin.

"What was that about?" Tukoy ko sa panghahalik na ginawa niya sa akin kanina. He looked at me apologetically.

"Nakita mo 'yung babae?" I remembered the girl who called him after we kissed. Tumango ako. "Tinatakbuhan ko siya."

"Bakit? Sino ba siya?"

"She's the girl my grandfather wants me to be engaged with." Napanganga ako sa sinabi niya. Nang malaman ko na pinipilit sa isang arranged marriage si Katie ng mga magulang niya kaya siya tumakas sa kanila, naisip ko na nangyayari nga siguro ang ganoon sa mga mayayaman na tulad niya. Ngayon, napaisip ako kung sino nga ba talaga si Caleb? Ang alam ko lang ay may kaya siya base na rin sa pagmamay-ari niya ng kotse at sa mga magagarang gamit niya. But we never talked about his personal life. Hindi kami nagkakaroon ng pagkakataon para pag-usapan ang mga ganoon. "Kahit anong gawin ko, ayaw niya akong tantanan. Kaya nagsinungaling na lang ako. Sinabi ko sa kanya na may girlfriend na ako. Pero ayaw niyang maniwala. I saw you at the right moment and an idea popped in my head."

"At ngayon, nadawit na ako sa kasinungalingan mo." Inirapan ko siya. Napangiwi siya.

"I'm sorry." Napayuko siya. "Hindi ko 'yan naisip ng gawin ko 'yun." I should be mad at him, but I'm not. Hindi ko magawang tuluyang magalit o kahit mainis man lang sa kanya. Kahit hindi kami masyadong nakakapag-usap at kahit minsan lang kami magkita, itinuturing ko na siyang malapit na kaibigan. Kahit kaunti lang ang alam ko tungkol sa kanya, nararamdaman ko na hindi niya naman ako gagawan ng masama. 

"I'll help you." Sa wakas ay nakapagdesisyon na ako. Kunot ang noo na napatingin siya uli sa akin. "In return for the favor you gave me ng maospital si Dadskie, tutulungan kita sa problema mo ngayon. I can pretend to be your girlfriend, just until that girl stops pursuing you." Parang hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ko. "After all, we're friends. We should help each other." 

And just like that, I got myself into another agreement. I really should learn when to stop. 


Nang umuwi ako ng apartment ng gabing iyon ay nasa sala si Ethan at nanonood ng tv. Plano ko lang sana siyang lampasan. Ilang araw na niya akong hindi kinakausap, ever since dumating si Katie. Kung ayaw niya akong pansinin ay hindi ko naman siya pipilitin. Siya lang ba ang marunong magpanggap na hindi niya ako nakikita? Aba, kaya ko ring magpa-as if na invisible siya!

Hindi ko pa man siya nadadaanan ay nagsalita na siya.

"Sa'n ka galing?" Paki mo?

"Sa labas, kumain."

"Sinong kasama mo?" Ano 'to, interrogation?

"Sa'n ba patungo 'tong usapan na 'to, Ethan?" Hindi siya nagsalita. "Kung sa'n ako kumain, kung anong kinain ko, at kung sinong kasama kong kumain ay wala ka ng pakialam. I don't need to answer your questions para makapasok sa apartment na 'to.  Besides, ba't ngayon parang interesado kang malaman ang tungkol sa mga pinaggagawa ko, e the past few days mukhang wala ka ngang pakialam kung humihinga pa ba ako o hindi? Mind your own business!" Hindi pa ako nakuntento at dumagdag pa talaga ako sa mas mahinang boses. "Asshole." Pero narinig pa rin niya iyon. 

Tumayo na siya mula sa sofa. Nakakatakot ang ekspresyon sa mukha niya. Para siyang kakain ng tao.

"I'm probably an asshole, but I'm the asshole you fucked." 

"Exactly, "fucked". Past tense. I stopped fucking you when I realised you're an asshole!" Para siyang sasabog sa galit. Hindi halata sa mukha at katawan ko pero marunong akong sumuntok. Salamat sa mga kapatid kong lalaki na tinuruan akong lumaban. 

He made a motion to grab at me, but I quickly deterred it with a "power kick" to his manhood. Agad niyang nasapo ang parteng natamaan. Umungol siya sa sakit. He was already crouching on the floor.

Hah, girl power! Yeah!

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon