The Critique

91.8K 751 120
                                    

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na may iba akong mga kuwento na pinagsasabay na isulat sa TGHLTF. Sa sarili kong opinyon, may mga kuwento ako na mas maganda pa talaga sa TGHLTF ngunit ang malaking ipinagtataka ko ay kung bakit mas maraming tumatangkilik sa nauna kong kuwento.

Lagi kong tanong sa sarili ko: Bakit gusto nilang basahin ang TGHLTF? Ano ang nakikita nila sa kuwentong ito na wala sa iba kong kuwento?

Kung erotic scenes lang naman ang hanap nila ay makikita nila 'yun sa lahat ng kuwento ko. Kung guwapong male lead lang naman ang hanap nila ay sinisigurado ko naman na guwapo din talaga ang dating ng lahat ng heroes na ginagawa ko (who are also not as much of an asshole as Ethan). Kung bidang babae na makaka-relate sila ay may iba pa akong mga bidang babae na hindi nakakainis tulad ni Veronica.

Kung kuwento rin lang ang pagbabasehan, ang TGHLTF ay isang simpleng FUBU (fuck buddies 'yan, para sa mga walang ideya kung ano 'yan) story na gawa sa basic sentences at basic dialogues.

1. Wala kang masyadong makikitang figures of speech o kung anumang mas magpapaganda sa presentation ng kuwento. It was more often than not, a string of subject, verb, and predicate without style. Too simple can easily turn to too plain. Hindi sa kailangan niyang maging flowery o poetic, pero maybe I can add some spice to my writing to make it more enjoyable to read. Hindi mo pa masyadong mababanaag ang voice o signature ko, 'yung wala pa akong nailalagay na "identifying mark" ko sa kuwento, 'yun bagang kahit hindi nakalagay ang pangalan ko ay malalaman mo na ako ang nagsulat ng kuwento base na rin sa paraan ng pagkakasulat.

2. Kulang rin sa details ang mga scenes (which could either mean I'm not so good with details or tamad lang ako mag-describe). Hindi niyo ba na-realize na hindi ko talaga tuluyang na-describe ang mga hitsura ng mga characters? Tell me, anong mukha ang nai-imagine niyo na mukha nina Ethan at Veronica? Also, dapat maramdaman ng mga readers na totoo ang mga lugar at dapat ay nagagawa nilang mailarawan sa mga isip nila kung ano ang nangyayari sa scene, kung anong nasa paligid ng mga characters, kung mainit ba o malamig, maingay o tahimik, mabaho o mabango, maliwanag o madilim.

3. Sometimes, the pacing was fast (like things were rushed) and sometimes it was slow (like things were prolonged). Urong-sulong kung tatapusin na ba ang kuwento o patatagalin pa. Sometimes, it seems like pinilit pahabain ang story.

4. Iisang POV lang ang mababasa mo at minsan hindi ka pa sigurado kung reliable narrator nga si Veronica. Nakadepende sa kanya kung paano mo makikita si Ethan as a person at nasa sa kanya rin kung sinong character ang mabibigyan ng oras na maging center of attention. There is also no way to be sure na hindi bias si Veronica. Dahil POV ni Veronica ang gamit, it is assumed na siya ang character na gusto kong maging prominente sa kuwento. And yeah, naging isang prominenteng character naman talaga siya sa kuwento. Maybe, even too self-centered (almost to the point na parang namo-monopolize na niya ang buong kuwento, which is not how I want it to be) na hindi na masyadong nakikita rin ang development ng ibang characters. That's the tricky part with using only one first person POV.

5. There are overused words, phrases, and expressions (na dalawa lang ang maaaring ibig sabihin: limited ang vocabulary ko o I was being considerate by not making you reach for your dictionary while you are reading). Also, there is redundancy in thoughts. Redundancy in thoughts can also lead to redundancy in emotions. Masyadong maraming scenes na pareho lang ang emotional note. Kulang sa variation ng emotions, to be exact. Like, wala na ba talaga akong ibang maisulat kundi hinagpis at pagmamahal?

6. You could also read some fillers and crutch words (I-research niyo na lang kung ano 'yan). In the end, kung hihimayin mong mabuti ang story at kung iipunin mo ang mga salita na importante lang talaga, the story can be reduced to less than twenty-five chapters. May mga scenes na parang walang purpose o hindi clear ang purpose. Dapat kasi ang mga scenes ay nakakatulong sa pag-aabante ng kuwento. Nakatipid pa sana ako ng space. 

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon